Pumunta sa nilalaman

Dormer

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang Gabled Wall dormer

Ang dormer ay isang istraktural na elemento ng isang gusali na nakausli mula sa patag ng isang nakahilig na bubong. Ang mga dormer ay ginagamit, maaaring sa simula pa lamang ng konstraksyon o bilang dagdag na lamang sa susunod, upang makagawa ng magagamit na ispasyo sa bubong ng gusali sa pamamagitan ng pagdadagdag ng headroom at kadalasan para makapagdagdag pa ng mga bintana.

Kadalasang naiuugnay sa salitang dormer, ang bintanang dormer ay isang bintana na inilalagay sa dormer. Gaya ng mga skylight, ang mga bintanang dormer ay pinagkukunan ng liwanag at hangin para sa mga palapag na nasa itaas, ngunit hindi kagaya ng mga skylight (na kahilera ng bubong) dinadagdagan din nito ang laki ng headroom sa kwarto at nagbibigay ng mas kapaki-pakinabang na ispasyo.

Ang isang blind dormer o false dormer ay isang dormer na makikita lamang mula sa labas ng bahay: may bubong ito sa loob, at hindi ito nagbibigay ng dagdag na ispasyo o liwanag. Ito ay kadalasang ginagamit upang magmukhang mas kabigha-bighani ang bahay.