Pumunta sa nilalaman

Dragun (kalapati)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang kalapating dragun.

Ang dragun (Ingles: dragoon) ay isang lahi ng mga kalapating napaamo o domestikado na pinaunlad sa loob ng maraming mga taon ng mapiling pagpapalahi.[1] Kasama ng iba pang sari-saring domestikadong mga kalapati, nanggaling ang lahat ng mga kalapating dragun mula sa Kalapating Bato o Columba livia (Rock Pigeon sa Ingles). Isa ang dragun sa mga lahi ng kalapating ginagamit sa pagpapaunlad ng mga Racing Homer o Pangkarerang Homer ("Pangkarerang Kalapating Umuuwi").[1] Ayon sa pagtukoy ni Moor noong 1735, isa itong napakatandang lahi ng kalapating nagmula sa Britanya.[2]

  1. 1.0 1.1 Levi, Wendell (1977). The Pigeon. Sumter, S.C.: Levi Publishing Co, Inc. ISBN 0853900132.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Seymour, Reb. Colin (patnugot)(2006) Australian Fancy Pigeons National Book of Standards.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.