Dwayne Jarrett
Dwayne Jarrett | |
---|---|
Kapanganakan | 11 Setyembre 1986 |
Isinilang sa | New Brunswick, New Jersey |
Taas | 6 talampakan 4 in (1.93 m) |
Timbang | 220 lb (100 kg) |
(Mga) Posisyon | WR |
Kolehiyo | Southern California |
''NFL Draft'' | 2007 / Round 2 / Pick 45 |
Career Highlights | |
Mga gantimpala | 2005 All-American 2006 All-American |
Estadistika | |
Estadistika | |
(Mga) Koponan | |
2007-present | Carolina Panthers |
Si Dwayne Jarrett (kapanganakan11 Setyembre 1986 sa New Brunswick, New Jersey) ay isangwide receiver para sa Carolina Panthers.
Kilala din siya sa kanyang mga palayaw na "DJ" o "D-Wayne".
Kabataan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Dwayne Jarrett ay nag-aral sa New Brunswick High School saNew Brunswick, New Jersey. Siya ay napili bilang 2003 Parade All-American, Super Prep All-American, Prep Star All-American, Super Prep Elite 50, Prep Star Top 100 Dream Team, Super Prep All-Northeast Offensive MVP, and Prep Star All-East. Siya rin ay napili bilang New Jersey's Offensive Pick of the Year bilang senior wideout at defensive back. Si Jarret ay nagtala ng 26 touchdowns sa kanyang huling taon sa secondarya (tatlo sa mga natalang touchdowns ay ginawa niya sa upang tulungan ang New Brunswick sa kanilang 21-14 panalo para kunin ang kampeonto sa estado), kasama ang 5 on 15 punt returns (na mayroong 48 yard return average). Naglaro din siya ng basketball nung siya ay nag-aaral pa ng sekondarya.
Karera sa Kolehiyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Jarrett ay napili bilang isang All-American ng dalawang beses, at siya rin ang nagunguna sa all-time receptions para sa USC sa kanyang pagtala ng 216 receptions.Si Dwayne Jarret din ang nangunguna sa all-time touchdowns receptions sa PAcific 10 Conference sa kanyang pagtala ng 41.[1]
Sa kanyang unang taon sa kolehiyo, pinunan niya ang ang pagkawala ng ni Mike Williams, isang magaling na wide reciever ng USC Trojans. Naglaro siya sa lahat ng 13 laro, at kasama sa mga pangunahing manlalaro sa 8. Siya rin ay nakakuha ng 55 passes na mayroong katumbas na 849 yards, kasama ang kanyang 13 touchdowns. Si Dwayne Jarret ay nagtala din ng 5 catches na may katumbas na 115 yards sa panalo ng USC laban sa Oklahoma sa 2004 FedEx Orange Bowl.
Sa kanyang ikalawang taon, lalong umangat ang estado niya sa kanilang kuponan at mga tagasuporta nito, at naging paborito siyang target ni Matt Leinart.Siya ay nagtala ng 91 receptions na katumbas ng 1,274 yards, kabilang ang 16 na touchdowns noong 2005, kung saan kasama siya sa mga pangunahing manlalaro sa lahat ng kanilang 13 laro. Mas madali siyang maaalala ng kanyang mga tagahanga sa kanyang clutch grab pass laban sa Notre Dame. Habang sila ay nasa fourth-and-nine at kulang-kulang na lang sa isang minuto ang natitirang oras, tumanggap siya ng pasa mula kay Matt Leinart at naitakbo niya ito ng 61 yards upang ipanalo ang nasabing laro, at ang play na ito nay naging mas kilala sa sikat at kontrobersiyal na pangalang "Bush Push" quarterback sneak. Nagpakitang gilas din siya sa 2005 Rose Bowl, kung saan nagtala siya ng 10 catches na katumbas ng 121 yards, at 1 touchdown, bagama't natalo sila ng Texas Longhorns.
Siya ay kabilang sa 2005 First-team All-American sa kanyang ikalawang taon at kabilang sa tatlong pinagpilian para sa Biletnikoff Award. Kabilang din siya sa 2006 Maxwell Award watch list bilang isa sa mga pinakamagaling na manlalaro sa college football.
Ang kanyag tangkad, kakayahan sa pagsalo, at nakakabiglang liksi ay ang mga dahilan kung bakit siya ay napili bilang isa sa mga pinakamagaling na receivers bago magsimula ang 2006 football season para sa kolehiyo. Maraqmi ang umasa at hindi nabigo na malaki ang magiging parte niya sa opensa ng Trojans, lalo na at umalis na ang mga dating running back na sina Reggie Bush at LenDale White. Siya ay nabilang sa 2006 Playboy All-American team.
Bagama't panandalian siyang pinagbawalang maglaro dahil sa kanyang hindi tamang pakikitira kay Matt Leinart, muli siyang pinayagan ng NCAA noong ika-siyam ng Agosto, 2006, at sapat na ito upang makasama siya sa Trojans para sa 2006 football season. Kahit na hindi siya nakapaglaro sa kanyang potensiyal dahil sa kanyang mga injuries, na naging dahilan upang di siya makapaglaro sa ilang kompetisyon, siya pa rin ay napangalanan ng rivals.com at Pac-10 Coaches 2006 All Pac-10 team First Team[2]. Siya rin ay nabilang sa second team All-America ng rivals.com at SI and Walter Camp foundation first team All-America. Pero, dahil sa kanyang limitadong oras ng paglalaro, hindi siya napabilang sa mga kandidato para sa 2006 Biletnikoff Award finalists, na napansin ng mga manunulat pampalakasan.[3]
Napangalanan si Dwayne Jarrett bilang offensive MVP noong ika-isa ng Enero, 2007, sa Rose Bowl Game, matapos niyang makamit ang career high 203 receiving yards at dalawang touchdowns sa kanilang panalo laban sa Michigan. Tinapos niya ang 2006 season bilang all time leading reciever ng USC sa kanyang 216 catches.[4][5] Ang dalawang beses na All-American ay mayroong 79 catches katumbasng 1,015 yards at nagunguna sa Trojans sa kanyang 12 touchdowns sa kanyang huling season sa USC.
Inasahan na kabilang siya sa 1st round pick sa 2007 NFL Draft, at nung ika-sampu ng Enero, 2007, nagpahayag siya na aalis siya ng USC ng maaga pumasok sa NFL.[1] Sa isang press conference, inamin ng luhaang si Jarret na ang pinakamagandang parte ng kanyang karera sa USC ay ang kanyang mga kakampi sa team pero ang rason ng kanyang pag-alis ay ""definitely doing it for my family, because I wasn't the most fortunate kid growing up."[1]
Karera sa NFL
[baguhin | baguhin ang wikitext]2007 NFL Draft
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Dwayne ay na-draft sa 2nd round (ika-45 overall) sa 2007 NFL Draft ng Carolina Panthers, bilang ika-walong reciever na napili. Bagama't sinapantaha na mapipili siya sa unang round ng draft, bumaba ang estado ni Jarret dahil sa hindi katanggap-tanggap na oras sa 40-yard dash at pagkumpara sa kanya sa dating kakamping receiver sa USC na si Mike Williams[6].
Carolina Panthers
[baguhin | baguhin ang wikitext]Madalas makumpara si Jarret sa dating Pro Bowl WR Keyshawn Johnson. Pareho silang kinokonsiderang "possession" receivers at pareho silang galing USC. Sinabi ni Johnson na nais niyang turuan si Jarret, hindi ito nangyari dahil pinakawalan si Johnson tatlong araw matapos ma-draft si Jarret, a hindi na nakapglaro ng magkasama ang dalawa.[6] Coincidently, Johnson had initially stated that Jarrett would be best served by staying at USC an extra year and entering the draft as a senior.[6]
Personal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon kay Jarret, and kanyang kakayahan ay bunga ng paglaki niya sa sa poder ng kanyang tiyo, na nakikipaglaro sa kanya noon at tinuruan siyang sumalo ng footballna isang kamay lamang ang gamit.
Sa kanyang iakalawang taon sa kolehiyo, nakitira siya sa quarterback na si Matt Leinart.
Ang pinsan ni Jarret na si Desmond Belton ay kasalukuyang naglalaro nilang wide receiver para sa University of Idaho. Tulad ni Jarret, siya rin ay pinanganak sa New Brunswick, New jersey.
Ilan sa mga pinakamagandang laro ni Jarret ay laban sa karibal ng USC, ang University of Notre Dame, at sinabi niya na ito ay dahil sa pagtrato sa kanya noong panahon na naghahanap ng mga bagong manlalaro ang Notre Dame, Aniya: ""They came down to recruit me, they talked to my coaches and everything. They didn't think I was intelligent enough to go to their school. That was kind of an insult to me. I've always had a little grudge against them."[7]
Trivia
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong naglalaro pa siya para sa USC, nakasama ni Dwayne Jarret sa paglalaro ang wide receiver na si Steve Smith, na ngayon ay naglalaro na para sa New York Giants. Matapos mapili para maglaro para sa Carolina Panthers, isa sa mga kasama niya sa kuponan ang Pro Bowl wide receiver na si Steve Smith.
During his tenure at USC, Dwayne Jarrett played alongside wide receiver Steve Smith, who is now playing for the New York Giants. After being drafted by the Carolina Panthers, one of Jarrett's teammates is Pro Bowl wide receiver Steve Smith.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 Gary Klein, NFL challenge next for Jarrett, Los Angeles Times, 11 Enero 2007, Accessed 01/11/2007.
- ↑ .2006 All Pac-10 team Naka-arkibo 2007-01-25 sa Wayback Machine., scout.com, 27 Nobyembre 2006.
- ↑ Stewart Mandel, Five Things We Learned This Weekend Naka-arkibo 2011-06-04 sa Wayback Machine., sportsillustrated.com, 26 Nobyembre 2006.
- ↑ High-octane USC finds fast lane, SeattlePI.nwsource.com, 2 Enero 2006.
- ↑ Stewart Mandel, November reign: USC again shows it's at its best at the season's end Naka-arkibo 2011-06-04 sa Wayback Machine., sportsillustrated.com, 26 Nobyembre 2006.
- ↑ 6.0 6.1 6.2 Sam Farmer and Gary Klein, USC's Jarrett hurt by separation anxiety[patay na link], Los Angeles Times, 2 Mayo 2007
- ↑ Jarrett had extra incentive against Irish, ESPN.com, 26 Nobyembre 2006.
Mga panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Dwayne Jarrett Profile Naka-arkibo 2007-01-10 sa Wayback Machine.
- Dwayne Jarrett Fansite Naka-arkibo 2016-04-05 sa Wayback Machine.
- Dwayne_Jarrett (sa Ingles)