Dā də bātorāno kor
دا د باتورانو کور | |
Pambansang awit ng Apganistan | |
Musika | Abdul Ghani Baradar |
---|---|
Ginamit | 1996 (de facto) 2021 (de jure) |
Ang Da de batorano kor (Pastun: دا د باتورانو کور; Romanisasyon: Dā də bātorāno kor; Filipino: Ito ang Tahanan ng Magiting) ay isang nasheed sa wikang Pastun na itinuturing bilang ang pambansang awit ng Apganistan. Ito ay awiting a kapela, na nangangahulugang hindi ito naglalaman ng mga instrumentong pangmusika, dahil ang mga instrumento ay itinuturing na haram (relihiyosong ipinagbabawal) ng karamihan sa mga iskolar ng Islam sa Apganistan. Ang pinakakaraniwang bersyon na ginagamit para sa awitin ay nagtatampok ng boses ni Mullah Faqir Muhammad Darwesh, isang sikat na munshid (mang-aawit ng nasheed) ng Taliban.[1][2]
Mayroon ng mga pormal na batas ang Islamikong Emirato ng Apganistan na tumutukoy sa watawat at sagisag nito, ngunit walang pambansang awit na tinukoy. Ang nasheed na ito ay karaniwang ginamit sa mga kreditong pambungad ng mga brodkast ni Da Shariat Zhagh (Filipino: "Boses ng Shariya"), ang opisyal na istasyong radyo ng Taliban, mula noong huling bahagi ng mga 1990, nang kontrolin ng grupo ang karamihan sa teritoryo ng Apganistan, gayundin sa mga bidyo na inilathala ng Komisyon ng Ugnayang Pangkalinangan ng Taliban. Ginamit din ito sa mga seremonyang opisyal, isang halimbawa ay noong 2013 nang buksan ng Islamikong Emirato ang tanggapang pampolitika nito sa Doha, Katar, kung saan tinugtog ang kanta sa seremonya ng pagtataas ng watawat. Dahil sa mga dahilang binanggit, ito ay itinuturing na de factong pambansang awit ng Islamikong Emirato ng Apganistan at ng Taliban.[3][4][5][6][7]
Liriko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lirikong Pastun | Transkripsyon | Pagsasalin sa Filipino[kailangan ng sanggunian] |
---|---|---|
[کورس] |
(Kurs) |
[Koro] |
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Afghanistan: Sufi Brotherhoods Reemerge After the Fall of the Taliban".
- ↑ "ملا فقیر محمد درویش د جهادي ترنم منل شوی سرخیل". نن ټکی اسیا (sa wikang Pashto). 2018-01-16. Nakuha noong 2021-08-18.
د طالبانو د حاکمیت په مهال د شریعت غږ راډیو د نشراتي پروګرام پیلیدونکې ترانه هم د ده په انقلابی غږ کې ویل شوې: (ساتو یې په سرو وینو دا د شهیدانو کور..دا د باتورانو کور دا د باتورانو کور)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Flag and Emblem Law of the Islamic Emirate of Afghanistan". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-06-03. Nakuha noong 2022-02-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Afghan peace plans in limbo after opening of Taliban office, YouTube
- ↑ Tharoor, Ishaan (2013-06-19). "The Taliban's Qatar Office: Are Prospects for Peace Already Doomed?". Time (sa wikang Ingles). ISSN 0040-781X. Nakuha noong 2021-08-19.
They cut a ribbon, played their anthem, hoisted the Taliban flag and signaled their readiness to meet for talks with foreign delegations.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "BBCNazer.com | زندگى و آموزش | حرف های مردم: سرود ملی". www.bbc.co.uk. Nakuha noong 2021-08-18.
بعد از 5سال حکومت مجاهدين از هم پاشيد و حکومت طا لبان در افغانستان روی کار آمد، آنها با تغيير در ساير عرصه ها سرد ملی را تغيير دادند: ساتو يې په سرو وينو – دا د باتورانو کور...
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dr. Weyal, N. M. "د ملي سرود تاریخ | روهي". Rohi.Af (sa wikang Pashto). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-08-17. Nakuha noong 2021-08-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)