Edukasyon sa maagang pagkabata
Ang edukasyon sa maagang pagkabata (Ingles: Early childhood education o ECE), kilala din bilang edukasyong nursery, ay isang sangay ng teorya ng edukasyon na nauugnay sa pagtuturo ng mga bata (pormal o di-pormal) mula sa kapanganakan hanggang sa walong gulang.[1] Sa tradisyon, katumbas nito ang hanggang ikatlong baitang.[2] Sinasalarawan ang ECE bilang isang mahalagang yugto sa paglaki ng bata.
Mga teorya ng paglaki ng bata
[baguhin | baguhin ang wikitext]And Development Interaction Approach (Kaparaanan sa Pag-unlad ng Pakikipag-ugnayan) ay nakabatay sa mga teorya ng pag-unlad nina Jean Piaget, Erik Erikson, John Dewey, at Lucy Sprague Mitchell. Nakatuon ang kaparaanan o pag-aaral na ito sa pagkatuto ng mga bata sa pamamagitan ng pagtuklas.[3] Iminungkahi ni Jean Jacques Rousseau na bigyang-diin ng mga guro ang hilig ng mga bata at gamitin ito upang mas maging malapit at angkop ang impormasyon at kaalaman na makukuha nila para sa kanilang kani-kaniyang indibidwal at personal na pag-unlad.[4]
Ang limang dominyo o salik ng pag-unlad na matutukoy mula pagkabata ay ang mga sumusunod sa ibaba.[5] Upang makamit ang pag-unlad sa iba’t ibang salik na ito, may mga pangangailangan ang isang bata na kailangan niya munang matamasa upang siya ay maging handa sa pagkatuto. Sa Hirarkiya ng mga Pangangailangan na ipinakilala ni Maslow, makikita natin ang iba’t ibang antas ng mga pangangailangan na tinutukoy. Ipinapakita ng tsart sa kanan ang mga ito.[6]
- Pisikal: Tumutukoy ito sa pag-unlad ng mga bata na may kinalaman sa biyolohikal, pisiyolohikal, at pisikal na mga kakayahan ng mga batang kumilos at gumalaw kasama na ang kanilang koordinasyon ng mata-at-kalamnan o ang kasanayan nila sa paggamit at pagkontrol ng mga bahagi ng kanilang katawan.
- Panlipunan: May kinalaman ito sa kung paano nakikisalamuha ang bata sa ibang tao.[7] Kaya ng mga bata na maunawaang sila ay may tungkulin at karapatan bilang mga miyembro ng kanilang pamilya at ng komunidad na kanilang kinabibilangan. Sa aspetong ito rin nakikilala ng mga bata na may kakayahan silang maihalintulad ang sarili nila sa iba at bumuo ng mga relasyon na pananatilihin nila habang nakikipamuhay kasama ang mga nakikilala nila.[8]
- Pandamdamin: Kaakibat ng kakayahan ng mga batang bumuo ng mga relasyon ang pagtatatag nila ng emosyonal na koneksyon at pagkakaroon ng kumpiyansa o tiwala sa kanilang sarili. Napapaunlad ang emosyonal na koneksyon ng mga bata sa tuwing sila’y malalim na nakikipag-ugnayan sa mga tao at nakikipagbahaginan ng kanilang mga nadaramang emosyon at damdamin.
- Wika: Ito ang paraan ng pakikipagtalastasan o ang pakikipag-usap ng mga bata. Kasama rin dito kung paano nila nailalahad ang kanilang emosyon at damdamin sa ibang tao at maging sa kanilang sarili. Ang mga sanggol na 3 buwan pa lamang ay mayroong iba’t ibang klase ng pag-iyak para iparating ang iba’t iba nilang pangangailangan. Ang mga 6 na buwang sanggol naman ay may kakayahang makilala at magaya ang mga simpleng tunog ng sinasalitang wika ng nasa paligid nila. Sa unang tatlong taon, kailangang isinasali at ipinaririnig natin sa mga bata kung paano makipag-usap upang mapaunlad ang kanilang wika. Ang maituturing na normal o wastong pag-unlad sa aspetong pangwika ay nasusukat sa bilis ng pagkatuto at paggamit nila ng mga salita.[9]
- Pangkaisipan: Tumutukoy ito sa paraan ng bata na organisahin o isaayos ang impormasyon na nakukuha niya. Kasama sa mga kakayahang kognitibo ang paglutas ng problema, pagkamalikhain, imahinasyon at memorya.[10] Sa tulong ng mga kakayahan ito, nababatid natin ang paraan ng mga bata sa kung paano nila bigyang-kahulugan o unawain ang mundo. Naniniwala si Piaget na kakikitaan ng tiyak na pagbabago ang mga huwaran ng isipan ng mga bata habang sila ay dumadaan sa iba’t ibang yugto ng Kognitibong Pag-unlad: panahong sensorimotor, panahong bago ang operasyonal, at ang panahong operasyonal.[11]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "National Association for the Education of Young Children". About Us (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Abril 2019. Nakuha noong 12 Hulyo 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Best Accredited Online Early Childhood Education Degrees of 2018". Teacher Certification Degrees (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Enero 2019. Nakuha noong 29 Oktubre 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Shapiro, E.; Nager, N. (1999). "The Developmental-Interaction Approach to Education: Retrospect and Prospect". Occasional Paper Series. 1999 (1). Bank Street College of Education. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Pebrero 2020. Nakuha noong 14 Nobyembre 2018.
{{cite journal}}
: Cite journal requires|journal=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)"Bank Street Developmental Interaction Approach". State of New Jersey Department of Education. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Nobyembre 2011.{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)Casper, V; Theilheimer, R (2009). Introduction to early childhood education: Learning together. New York: McGraw-Hill.{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ McDowall Clark, R (2013). Childhood in Society . London: Learning Matters.
- ↑ Jonathan Doherty; Malcolm Hughes (2009). Child Development: Theory and Practice 0–11. Addison-Wesley, Incorporated. ISBN 978-1-4058-2127-8.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jones, Denisha (8 Marso 2019). "APPLYING MASLOW TO SCHOOLS: A NEW APPROACH TO SCHOOL EQUITY". Defending the Early Years. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Pebrero 2019. Nakuha noong 25 Pebrero 2019.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jeffrey Trawick-Smith (2014). Early Childhood Development: A Multicultural Perspective. Pearson Education, Limited. p. 3. ISBN 978-0-13-335277-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "[ARCHIVED CONTENT] Spiritual, moral, social and cultural development – Schools". nationalarchives.gov.uk. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Setyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ NIH (2011) Speech and language development milestones Naka-arkibo 2016-01-28 sa Wayback Machine., USA: NIDCD: (hinango noong 15 Abril 2014).
- ↑ Sally Neaum (17 Mayo 2013). Child Development for Early Years Students and Practitioners. SAGE Publications. ISBN 978-1-4462-6753-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Doherty, J. and Hughes, M. (2009). Child development: theory and practice 0–11. Harlow: Longman.