Pumunta sa nilalaman

Ebanghelyo ni Hudas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tungkol ito sa isang akda hinggil kay Hudas Iskariote, para sa sulat ni Hudas Tadeo tingnan ang Sulat ni Hudas.
Unang Pahina ng Ebanghelyo ni Hudas(Codex Tchacos)

Ang Ebanghelyo ni Hudas ay isang gnostikong ebanghelyo na binubuo ng mga usapan sa pagitan ng alagad na si Hudas Iscariote at Hesus. Ito ay pinaniniwalaang isinulat ng mga gnostikong tagasunod ni Hesus imbis na mismong si Hudas at malamang ay may petsang hindi mas maaga sa ika-2 siglo CE dahil ito ay naglalaman ng huling ika-2 siglong teolohiya. Noong 180 CE, si Irenaeus na obispo ng Lyons ay sumulat ng isang dokumento na bumatikos sa ebanghelyong ito na nagpapakitang ang aklat na ito ay nasa sirkulasyon na. Ang tanging kopya ng ebanghelyong ito ay alam na umiiral sa wikang Coptic na pinestahan sa pamamagitan ng pagpepetsang carbon noong 280 CE na may dagdag o bawas na mga 60 na taon. Iminungkahi na ang tekstong ito ay hinango sa isang mas naunang bersiyong Griyego. Ang salin ng ebanghelyong ito sa Ingles ay unang inilimbag noong simula nang 2006 ng National Geographic Society. Bilang pagsalungat sa apat na kanonikal na mga ebanghelyo na pumipinta kay Judas Iscariote bilang nagkanulo kay Hesus at nagdala sa kanya sa mga awtoridad upang ipako sa krus, ang ebanghelyong ito ay nagpipinta sa mga aksiyon ni Hudas bilang ginawang pagsunod sa mga kautusan ni Hesus. Ang ebanghelyong ito ay nagmumungkahi rin na pinlano ni Hesus ang mga kurso ng pangyayari na tumungo sa kanyang kamatayan. Ang salaysay na ito ay tila umaayon sa nosyon na kasaulukuyan sa mga anyo ng Gnostisismo na ang anyong tao ay isang bilangguang espiritwal, na kaya si Hudas ay nagsilbi kay Hesus sa pamamagitan ng pagtulong sa pagpapalaya sa kaluluwa ni Hesus mula sa mga hangganan nitong pisikal, at ang dalawang mga uri ng tao ay umiiral: ang mga taong pinagkalooban ng imortal na kaluluwa na "mula sa walang hanggang mga sakop" at "mananatili doon palagi"(ang malakas at banal na lahi... na walang pinuno dito" na kinabibilangan ni Hudas), ang at iba pa na karamihan ng mga tao na mortal at kaya ay hindi magkakamit ng kaligtasan. Ang Ebanghelyo ni Hudas ay hindi nag-aangkin na alam ng ibang mga alagad ang tungkol sa tunay na mga katuruan ni Hesus. Salungat dito, ito ay nagsasaad na kanilang hindi natutunan ang tunay na ebanghelyo na tanging itinuro ni Hesus kay Hudas Iscariote na tanging tagasunod na kabilang sa "banal na lahi" sa mga alagad.

Ang Ebanghelyo ni Judas ay naglalaman ng 16 na mga kabanata na nagdodokumento sa katuruan ni Hesus tungkol sa mga bagay na espiritwal at kosmolohiya. Si Hudas ang bayani ng ebanghelyong ito at ang tumpak na nakakaunawa ng mga salita ng kanyang panginoon. Ang ebanghelyong ito ay naglalaman ng kaunting mga elementong naratibo. Ito ay nagtatala kung paanong si Hudas ay tinuruan ni Hesus ng tunay na kahulugan ng kanyang mensahe at kaya ay binato ng ibang mga alagad ni Hesus. Ang ebanghelyong ito ay naglalaman ng mga ideya na sumasalungat sa mga ideyang umiikot sa sinaunang iglesiang Kristiyano. Ikinatwiran ng may akda na ang diyos ay likas na "maningning na ulap ng liwanag" na umiiral sa isang hindi masisirang sakop.[1] Si Adamas na amang espiritwal ng lahat ng sangkatauhan ay nilikha sa larawan ng diyos at nanahan sa hindi masisirang sakop. Sa simula ng panahon, ang diyos ay lumikha ng isang pangkat ng mga anghel at mas mababang mga diyos. Ang labindalawang mga anghel ay niloob na umiral upang mamuno sa kaguluhan at [sa pangilalim na daigdig].[2] Ang mga anghel ng pagkakalikha ay inutusan na lumikha ng isang pisikal na katawan para kay Adamas na nakilala bilang unang taong si Adan. Unti-unti, ang sangkatauhan ay nagsimulang makalimot sa pinagmulang diyos nito at ang ilan sa mga supling ni Adan(Cain at Abel) ay nasangkot sa kaguluhan ng unang pagpatay sa mundo. Maraming mga tao ay napaisip na ang hindi perpektong unibersong pisikal ang kabuuan ng paglikha, nawalan ng kanilang kaalaman ng diyos at ng hindi masisirang sakop. Si Hesus ay ipinadala bilang anak ng tunay na diyos at hindi ang isa sa mga mas mababang diyos. Ang kanyang misyon ay upang ipakita na ang kaligtas ay nasa pakikipag-ugnayan sa diyos na nasa loob ng tao. Sa pamamagitan ng pagyakap sa panloob na diyos, ang tao ay makababalik naman sa hindi masisirang sakop. Ang labing-isa sa mga alagad ni Hesus na piniling ikalat ang kanyang mensahe ay hindi naunawaan ang mga sentral na aral ng kanyang katuruan. Sila ay nahumaling sa pisikal na daigdig ng mga pandama. Kanilang ipinagpatuloy ang pagsasanay ng relihoyosong paghahandog ng hayop na nagpalugod sa mas mababang mga diyos ngunit hindi nakatulong sa pagpapayaman ng isang koneksiyon sa tunay na diyos. Kanilang maling itinuro na ang mga minartir sa pangalan ni Kristo ay muling bubuhayin sa katawan. Bilang pagsalungat dito, nagagawa ni Hesus na turuan si Hudas ng tunay na kahulugan ng buhay, kanyang ministerio at kamatayan. Ang sangkatauhan ay maaaring hatiin sa dalawang mga lahi o pangkat. Ang mga pinagkalooban ng imortal na kaluluwa tulad na Hudas ay maaaring makilala ang diyos sa loob at makapasok sa hindi masisirang sakop kapag sila ay namatay. Ang mga nabibilang sa parehong henerasyon ng iba pang labing-isang mga alagad ay hindi makapapasok sa sakop ng diyos at parehong mamamatay ng espiritwal at pisikal sa wakas ng kanilang mga buhay. Bilang mga pagsasanay na kaugnay sa daigdig na pisikal, ang paghahandog sa hayop at ang isang seremonyang komunyon na nakasentro sa kanibalismo(ang simbolikong pagkain ng laman at dugo ni Hesus) ay kinokondena bilang kasuklam-suklam. Ang kamatayan ay nakikita hindi bilang isang maluwalhating pangyayari ngunit simpleng isang paraan upang makatakas sa masisirang sakop ng laman. Ang isang labis na kahalagahan ang pagkaunawa ng may akda sa kamatayan ni Hesus. Ang ibang mga ebanghelyo ay nangatwirang si Hesus ay dapat mamatay upang tubusin ang mga kasalanan ng sangkatauhan. Ang may akda ng ebanghelyong ito ay nag-aangkin na ang uring hustisyang paghaliling ito ay nakalulugod sa mga mas mababang diyos at sa mga anghel. Ang tunay na diyos ay mapagbiyaya at kaya ay hindi nag-aatas ng anumang paghahandog. Sa Ebanghelyo ni Hudas, ang kamatayan ni Hesus ay simpleng isang pinal na paraan para sa kanya na lumisan sa sakop ng laman at bumalik sa maningning na ulap.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Pagels, E., and King, K. (2007)Reading Judas: The Gospel of Judas and the Shaping of Christianity. New York: Viking. pg 78.
  2. http://www.nationalgeographic.com/lostgospel/_pdf/GospelofJudas.pdf pg.5