Pumunta sa nilalaman

Ebola-chan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
cosplay ni Ebola-chan

Si Ebola-chan ay isang meme sa internet na unang kinalat sa 4chan at sa iba pang mga pahinarya noong 2014 bilang isang antropomorpikong paglalarawan ng sakit na Ebola, na siyang sanhi ng lagnat na may pagdurugo dahil sa Ebola.

Sumiklab ang sakit na Ebola sa Kanlurang Aprika noong taong 2014 at mabilis na lumawak. Hinulaan na 500,000 katao ang pwedeng mahawaan sa loob ng apat na buwan mula Setyembre ng nasabing taon.[1][2]

Ang larawan na madalas na ginagamit sa meme na Ebola-chan ay unang naipaskil sa Pixiv, isang Hapones na platapormang pangmadla.[3] Ipinakalat ang nasabing larawan sa /pol/, isang subseksyon ng 4chan, noong Agosto 7, 2014, at ginamit din ng ilang tagagamit ng Reddit at Facebook.[4] Nakakuha din ng maraming atensyon si Ebola-chan sa platapormang deviantART.[5] Sa tuwing may nagpapaskil ng nasabing meme, tutugon ang ilang gumagamit ng "Mahal kita, Ebola-chan" o "Salamat, Ebola-chan" upang maiwasan ang pagdurusa at/o kamatayan. Sa kabilang banda, may ilan na naglathala ng mga pahayag na nakakasakit sa lahi o mga teorya ng pagsasabwatan laban sa mga Aprikano kapag lumilitaw si Ebola-chan sa talakayan, tulad ng "Sana'y lipulin ng Ebola ang buong Aprika, aatakehin ang ibang mga kontinente at demograpiko, at kung hindi man ay aalisin ang mga hayop na katulad ng tao."[6]

Iniluwas ang meme sa labas ng 4chan, kung saan sinadyang ginamit ng ilang tagagamit ang larawan ni Ebola-chan sa Nairaland, isang Nigeryano na online forum, at nagtanim ng mga teorya ng pagsasabwatan kasabay ng mga mensahe tulad ng "erehe si Doktor Ebola" at "ang mga taong puti ay nagpapakalat ng birus".[1][7] Ilang mga tagagamit ng 4chan ay diumano ay nagpapakita na ang "mga bagong rasista" sa Europa at Estados Unidos ay sumasamba sa demonya o dioysang Ebola[8] at nagpaskil ng mga larawan ni Ebola-chan na may mga dambana sa harap nila at sinusubukang kumbinsihin ang mga Nigeryano na umiiral ang mga ito sa mga nasabing lugar. Ayon sa 20 Minuten, isang pahayagan sa bansang Suwisa, ang nasabing teorya ng pagsasabwatan ay mabilis na kumalat sa bansang Nigeria.[9]

Hindi sinagot ng mga namamahala sa 4chan ang mga tanong ng media tungkol sa ilang mga tao na nanliligalig sa iba gamit si Ebola-chan, ngunit may nakitang ebidensya na nagsimula silang pangasiwaan ang mga nilalaman na may kaugnayan sa nasabing karakter.[1]

Noong Oktubre 9, 2014, nakita ng isang lalaking naglalakad kasama ang kanyang aso sa bayan ng East Longmeadow sa Massachusetts ang isang kahina-hinalang dambana na may larawan ni Ebola-chan. May mga hindi pa nakasindi na kandila sa dambana at papel na naglalaman ng hindi maintindihan na mga letra at simbolo. Inakala ng pulisya na ang layunin ng dambana ay dahil sa pagsamba sa Blood Moon, ngunit sinabi rin na maaaring may kinalaman ito sa sakit na Ebola. Pagkatapos nito, tinanggal ang nasabing dambana.[10]

Ang karakter ay iginuhit sa estilo ng isang animated na babae na may malalaking mata, isang kulay rosas na double ponytail, at may hubog na parang birus ang mga dulo ng kanyang buhok. Nakasuot ng karakter ang uniporme ng nars at may hawak na duguang bungo sa kanyang kamay.[4] Inilalarawan ang karakter bilang isang puting babae ng ilang Kanluranin na media outlet.[9]

Inilalarawan ni Caitlin Dewey Rainwater sa Washington Post ang Ebola-chan bilang isang kumbinasyon ng kalokohan, walang kabuluhang biro at karumal-dumal na uri ng kapootang panlahi.[1]

Pinangalanan ng Russia Today ang Ebola-chan bilang isa sa "sampung pinaka-walang katotohanan na teorya ng pagsasabwatan tungkol sa paglitaw ng Ebola".[11]

Ayon sa isang panayam sa Vice Media, hindi tulad ng weaponized meme na ISIS-chan, ang Ebola-chan ay idinisenyo upang galitin ang ibang tao.[12]

Inilarawan ni Austin Fracchia ng Business 2 Community na ang mga dulo ng buhok ni Ebola-chan sa hugis ng birus na Ebola bilang isang "nice creative touch."[5]

Kalinangang tanyag

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang larong "Yandere Simulator" ay naglalaman ng "Ebola Mode" na easter egg kung saan maaaring paglaruan si Ebola-chan bilang isang pangunahing karakter.[13][14]

  • Corona-chan, isang antropomorpikong paglalarawan ng pandemyang COVID-19

Mga tala at sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Dewey, Caitlin (2014-09-23). "4Chan's latest, terrible 'prank': Convincing West Africans that Ebola doctors actually worship the disease" [Ang pinakabago at kakila-kilabot na 'kalokohan' ng 4Chan: Pagkumbinsi sa mga taga-Kanlurang Aprika na sinasamba ng mga doktor sa Ebola ang sakit] (sa wikang Ingles). Washington Post. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-06-05. Nakuha noong 2020-03-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Sun, Lena (2014-09-19). "Ebola could infect 500,000 by end of January, according to CDC projection" [Maaaring makahawa ang Ebola sa 500,000 sa katapusan ng Enero, ayon sa proyeksiyon ng CDC] (sa wikang Ingles). Washington Post. Nakuha noong 2022-01-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "エボラの萌え擬人化「エボラちゃん」が海外で大評判!" [Ang antropomorpikong moe ng Ebola "Ebola-chan" ay napakasikat sa ibang bansa!] (sa wikang Hapones). Byokan Sunday. 2014-09-04. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-09-30. Nakuha noong 2020-03-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Kaufman, Sarah (2014-09-17). "4chan Users Are Trying to Spread Ebola Lies in West Africa" [Sinusubukan ng mga gumagamit ng 4chan na ikalat ang kasinungalingan patungkol sa Ebola sa Kanlurang Aprika] (sa wikang Ingles). Vocativ. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-11-09. Nakuha noong 2020-03-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Fracchia, Austin (2014-10-23). "4 Examples Of How Ebola Has Gone Viral… Just Not In The Way You Think" [4 na halimbawa kung paano naging laganap ang Ebola... Hindi lang sa paraan na iyong iniisip] (sa wikang Ingles). Business 2 Community. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-24. Nakuha noong 2020-03-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Barbato, Lauren (2014-09-24). "The 4chan "Ebola-Chan" Conspiracy Meme Is Tasteless And Horrifying" [Ang 4chan Conspiracy Meme na "Ebola-Chan" ay hindi kanais-nais at nakakatakot] (sa wikang Ingles). Bustle. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-11-11. Nakuha noong 2020-03-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Iaccino, Ludovica (2014-09-18). "Nigeria: is Ebola meme being used to spread fears virus 'was created by white people'?" [Nigeria: ang meme ng Ebola ba ay ginagamit upang ipakalat ang takot na ang birus 'ay nilikha ng mga taong puti'?] (sa wikang Ingles). International Business Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-11-11. Nakuha noong 2020-03-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Letizia, Marco (2014-10-11). "Ebola e le teorie del complotto:dagli zombie al demone bianco" [Ebola at mga teorya ng pagsasabwatan: mula sa mga zombie hanggang sa puting demonyo] (sa wikang Italyano). Corriere della Serra. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-09-27. Nakuha noong 2020-03-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 "Eine Manga-Figur versetzt Nigeria in Angst" [Tinatakot ng isang karakter ng manga ang Nigeria] (sa wikang Aleman). 20 Minuten. 2014-09-22. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-22. Nakuha noong 2020-03-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Graham, George (2014-10-10). "Man who found 'Blood Moon' shrine on East Longmeadow rail trail says it's reference to Ebola" [Lalaking nakahanap ng dambanang 'Blood Moon' sa East Longmeadow rail trail ay nagsabing ito'y tumutukoy sa Ebola] (sa wikang Ingles). MassLive. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-11-11. Nakuha noong 2020-03-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Las 10 teorías conspirativas más absurdas sobre el origen del brote de ébola" [Ang 10 pinaka-walang katotohanan na teorya ng pagsasabwatan tungkol sa pinagmulan ng pagsiklab ng Ebola] (sa wikang Kastila). Russia Today. 2014-10-11. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-08-05. Nakuha noong 2020-03-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Hutton, Christopher (2015-09-23). "The Meme that Was Supposed to Take Down ISIS" [Ang meme na dapat magpabagsak sa ISIS] (sa wikang Ingles). Vice Media. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-22. Nakuha noong 2020-03-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. YandereDev (2016-06-24). "July Progress Report" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-11-11. Nakuha noong 2020-03-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. YandereDev (2019-01-15). "January 15th Update" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-11-11. Nakuha noong 2020-03-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Karagdagang mga babasahin

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Marcus, Olivia Rose; Singer, Merrill (2016). Loving Ebola-chan: Internet memes in an epidemic (Mapagmahal na Ebola-chan: Mga meme sa Internet sa isang epidemya), nalathala sa wikang Ingles sa Media, Culture & Society, 9 (3) pa. 341-356. doi:10.1177/0163443716646174