Pumunta sa nilalaman

Pamamatnugot

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Editing)

Ang pamamatnugot ay ang proseso ng pagpili at paghahanda ng wika, mga larawan o imahen, tunog, bidyo, o pelikula sa pamamagitan ng mga proseso ng pagtatama o pagwawasto, organisasyon, at iba pang mga modipikasyon o pagbabago sa sari-saring mga midya. Tinatawag na patnugot o editor ang isang taong namamatnugot. Sa isang diwa, nagmumula ang proseso ng pamamatnugot sa ideya para sa mismong akda at nagpapatuloy sa ugnayang nasa pagitan ng may-akda at ng patnugot. Sa gayon, isa ring pagsasagawa ang pamamatnugot na kinabibilangan ng malikhaing mga kasanayan, ugnayang pantao, at isang malinaw o tumpak na pangkat ng mga metodo o kaparaanan.[1][2] Sa larangan ng pamamahayag, ang patnugot ay isang tagasulat ng pangulong tudling o editoryal. Maaari rin itong tumukoy sa isang kasangkapang pamutol o pang-edit ng pelikula.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Salin ng kahulugang pangtalahuluganan ng Encarta para sa "editing"". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-10-31. Nakuha noong 2010-01-18. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2009-10-22 sa Wayback Machine.
  2. "Kahulugan mula sa talahuluganang Encarta para sa "editor"". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-10-31. Nakuha noong 2010-01-18. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2009-02-06 sa Wayback Machine.
  3. Gaboy, Luciano L. Editor - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.