Edward Cave
Si Edward Cave, (Pebrero 27, 1691 – Enero 10, 1754), ay isang Ingles na tagalimbag o taga-imprenta, patnugot, tagapaglathala. Sa The Gentleman's Magazine (o "Ang Magasin ng Ginoo"), nilikha niya ang unang "magasin" na, ayon sa makabagong diwa, maiibigan ng lahat ng mga babasa.
Anak na lalaki ng isang sapatero, ipinanganak si Cave sa Newton na malapit sa Rugby, Warwickshire at nag-aral sa isang paaralan ng balarila doon, subalit napatalsik makaraang mapagbintangang nagnakaw mula sa ulong-maestro. Nagtrabaho siya para sa sari-saring mga hanapbuhay, kabilang na ang mangangalakal ng kahoy, tagapag-ulat, at taong tagalimbag. Siya ang nakaisip ng ideya ng isang peryodiko na sasaklaw sa bawat paksa na magugustuhan ng edukadong madal, mula sa komersyo hanggang sa panulaan, at sinubok niyang kumbinsihin ang mga manlilimbag at mga nagbebenta ng aklat sa London na gamitin ang ideya. Nang walang naging interesado, si Cave na mismo ang nagsagawa nito. Inilunsad ang The Gentleman's Magazine noong 1731 at kaagad na naging painakamaimpluho at pinakaginagayang peryodiko sa sarili nitong panahon. Naging dahilan dito ito ng pagyaman ni Cave.
Isang mapagpursigeng negosyante si Cave. Inilaan niya ang lahat ng kanyang lakas para sa magasin, at madalang na lumilisan mula sa mga tanggapan nitong nasa St John's Gate, Clerkenwell. Gumamit siya ng isang malaking bilang ng mga tagapag-ambag ng lathalain, na ang pinakasikat ay si Samuel Johnson, na palagiang tumatanaw ng utang na loob kay Cave dahil sa pagbibigay sa kanya ng pangunahing napagkukunan ng pagkakakitaan sa loob ng maraming mga taon. Malimit na nagsusulat din mismo si Cave ng mga lathalain para sa magasin sa ilalim ng pangalang pampanitikang Sylvanus Urban.
Tumanggap din siya ng lisensiya mula kay Lewis Paul para sa 250 mga kidkiran (spindle sa Ingles) para sa kanyang patente ng makinang gumugulong at nagiikid ng hibla(ang roller-spinning machine), ang ninuno ng kayariang pantubig (o water frame). Noong 1742, binili niya ang Marvels Mill sa Northampton at ginawa itong isang pagawaan o pabrika ng bulak, na marahil ang una sa daigdig na pinapatakbo ng lakas o enerhiya mula sa tubig. Napagkakitaan niya ito ng salapi, ngunit banayad lamang. Nagsara ito noong mga 1761, o agad na pagkaraan ng taong ito.
Dumanas siya ng sakit na piyo o gawt. Inilibing siya sa Simbahan ni San Santiago (St. James Church) sa Clerkenwell.
Mga panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mga pahina ng Gentlemen's Magazine Naka-arkibo 2015-09-07 sa Wayback Machine. na nasa internet, ang unang dalawampung tomo (bolyum), mula v1 1731 hanggang v20 1750
- Pang-araw-araw na buhay sa Gregoryanong Inglatera (Georgian England) ayon sa ulat ng Gentleman's Magazine Naka-arkibo 2007-09-30 sa Wayback Machine.