Edward Snowden
Edward Snowden | |
---|---|
Kapanganakan | Edward Joseph Snowden 21 Hunyo 1983 Elizabeth City, North Carolina, Estados Unidos |
Nasyonalidad | Amerikano |
Edukasyon | |
Trabaho | Kasagguni sa Seguridad ng Kompyuter |
Amo |
|
Kilala sa | Pagsisiwalat ng mga detalye ng klasipikadong programa ukol sa pagmamatyag ng pamahalaan ng Estados Unidos |
Asawa | Lindsay Mills (k. 2017) |
Parangal | Right Livelihood Award |
Pirma | |
Si Edward Joseph Snowden (ipinanganak noong Hunyo 21, 1983) ay isang Amerikanong whistleblower na nangopya at nagsiwalat ng labis na klasipikadong impormasyon mula sa Ahensya sa Pambansang Seguridad (NSA) noong 2013 kung kailan siya ay isang empleyado at subkontratista ng Sentrong Ahensya sa Intelihensiya (CIA). Nagbunyag ang kanyang mga pagsisiwalat sa mararaming programa sa pandaigdigang pagmamatyag, marami rito ay pinapatakbo ng NSA at Alyansang Pang-intelihensiya ng Five Eyes sa pakikipagtulungan ng mga kumpanya sa telekomunikasyon at mga pamahalaan ng Europa, at nag-udyok sa kultural na pagtatalakay ukol sa pambansang seguridad at pagkapribado ng indibidwal.
Noong 2013, inupahan si Snowden ng isang kontratista ng NSA, Booz Allen Hamilton, pagkatapos ng pagtatrabaho sa Dell at CIA.[1] Sinabi ni Snowden na unti-unti siyang nasiphayo sa mga programang kinasangkutan niya at sinubukan niyang ibangon ang kanyang mga pagkabahalang etikal sa mga kalambatang panloob ngunit hindi siya pinansin. Noong Mayo 20, 2013, nagtungo si Snowden sa Hong Kong matapos niyang iwanan ang kanyang trabaho sa isang pasilidad ng NSA sa Hawaii, at noong pasimula ng Hunyo, ibinunyag niya ang mga libu-libong klasipikadong dokumento ng NSA sa mga mamamahayag na sina Glenn Greenwald, Laura Poitras, at Ewen MacAskill. Nakatawag si Snowden ng pandaigdigang pansin matapos lumitaw ang mga kuwento batay sa materyal sa The Guardian at The Washington Post. Nagkaroon ng karagdagang pagsisiwalat ng mga iba pang pahayagan tulad ng Der Spiegel at The New York Times.
Noong Hunyo 21, 2013, pinaratangan si Snowden ng Kagawaran ng Katarungan ng Estados Unidos ng dalawang dahilan ng paglalabag ng Espionage Act ng 1917 at pagnanakaw ng pagmamay-ari ng pamahalaan,[2] at kasunod nito’y pinawalang-bisa ng Kagawaran ng Estado ang kanyang pasaporte.[3] Pagkalipas ng dalawang araw, nagbiyahe siya patungo sa Paliparang Pandaigdig ng Sheremetyevo ng Moscow, kung saan inobserbahan ng mga awtoridad ng Rusya na kanselado ang kanyang Amerikanong pasaporte, at hindi pinalabas ng terminal ng paliparan sa loob ng higit sa isang buwan. Sa kalaunan, ipinagkaloob kay Snowden ang karapatan ng ampunan na may paunang visa para manirahan ng isang taon, at pinahintulot ng mga paulit-ulit na pagpapaliban na manatili siya kahit papaano hanggang 2020.
Hindi alam kung gaano kalaki at kung ano ang saklaw ng pagsisiwalat ni Snowden; tinantya ng di-klasipikadong bahagi ng isang ulat ng Palagiang Piling Lupon sa Intelihensiya ng Mababang Kapulungan ng Estados Unidos noong Setyembre 15, 2016 na 1.5 milyon ang bilang ng mga dokumentong naikarga-pakuha.[4][5] Sinabi ni Glenn Greenwald na naglalaman ang pagsisiwalat ni Snowden ng mga sensitibong blueprint ng NSA na nagdedetalye kung paano tumatakbo ang NSA, at magpapahintulot sa mambabasa na iwasan ang pagmamatyag ng NSA.[6]
Noong Setyembre 17, 2019, inilathala ang kanyang talambuhay, Permanent Record.[7] Sa unang araw ng paglalathala, nagsampa ang Kagawaran ng Katarungan ng Estados Unidos ng dalawang-dahilan na kasong sibil laban kay Snowden dahil sa paglalathala ng kanyang talambuhay, di-umano’y inilabag niya ang mga kasunduan na pinirmahan kasama ng pamahalaang pederal ng Estados Unidos.[8] Nanaig ang Estados Unidos noong Disyembre 17, 2019, sa isang buod ng paghuhukom ukol sa dalawang dahilan. Tinawag ni Ewen MacAskill, dating tagapagbalita ng pambansang seguridad ng Guardian, ang kasong sibil bilang isang "malaking pagkakamali", at sinabi na "lumilikha ng napakalaking pangangailangan ang pagbabawal ng Spycatcher sa UK 30 taon na ang nakakalipas".[9][10] Nalista ang talambuhay bilang numero uno sa talaan ng mga bestseller ng Amazon noong araw ng kanyang pagkalabas.
Isang paksang pinagtatalunan, si Snowden ay tinatawag na bayani,[11][12][13] whistleblower,[14][15][16][17] disidente,[18] traydor,[19][20][21] at taong makabayan.[22][23][24] Kinondena ng mga opisyales ng Estados Unidos ang kanyang mga kilos sa pagsasagawa ng "matinding pinsala" sa kakayahan ng intelihensiya ng Estados Unidos.[25] Ipinatanggol ni Snowden ang kanyang mga pagsisiwalat bilang pagsisikap na "ipagbigay-alam sa publiko ang mga ginagawa sa kanilang ngalan at mga ginagawa laban sa kanila."[26] Itinuturing niya ang kanyang sarili bilang ""whistleblower" sa halip ng "leaker", sinabi noong 2019, "ang leaker ay namamahagi lamang ng impormasyon para sa sariling pakinabang".[27] Gumatong ang kanyang mga pagsisiwalat ng mga debate tungkol sa pagmamatyag ng masa, pagkamalihim ng pamahalaan, at balanse sa pagitan ng pambansang seguridad at pagkapribado ng impormasyon.
Noong pasimula ng 2016, si Snowden ang naging pangulo ng Freedom of the Press Foundation, isang organisasyon na nakabase sa San Francisco na nilalayong protektahan ang mga mamamahayag mula sa pag-hack at pagmamatyag ng pamahalaan.[28] Noong 2017, ikinasal ni Snowden si Lindsay Mills. Noong April 2020, hiniling ni Snowden ang pagpapaliban ng tatlong taon ng kanyang pahintulot na manirahan sa Rusya.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Burrough, Bryan; Ellison, Sarah; Andrews, Suzanna (Abril 23, 2014). "The Snowden Saga: A Shadowland of Secrets and Light". Vanity Fair. Nakuha noong Abril 29, 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Finn, Peter; Horwitz, Sari (Hunyo 21, 2013). "U.S. charges Snowden with espionage". The Washington Post. Nakuha noong Abril 11, 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Brennan, Margaret (Hunyo 21, 2013). "Kerry warns Russia on Snowden: "Respect the relationship"". CBS News. Nakuha noong Oktubre 19, 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mazzetti, Mark; Schmidt, Michael S. (Disyembre 14, 2013). "Officials Say U.S. May Never Know Extent of Snowden's Leaks". The New York Times. Nakuha noong Oktubre 19, 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Review of the Unauthorized Disclosures of Former National Security Agency Contractor Edward Snowden" (PDF). www.fas.org. House Permanent Select Committee on Intelligence. Setyembre 15, 2016. Nakuha noong Hunyo 10, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Barchfield, Jenny (Hulyo 14, 2013). "Greenwald: Snowden docs contain NSA 'blueprints'". www.new.yahoo.com. Rio De Janeiro: Associated Press. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Hunyo 11, 2020. Nakuha noong Hunyo 10, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ McAskill, Ewan (Setyembre 13, 2019). "I was very much a person the most powerful government in the world wanted to go away". Guardian. Nakuha noong Setyembre 14, 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tom McCarthy; David Smith (Setyembre 17, 2019). "US government files civil lawsuit against Snowden over publication of memoir". The Guardian. Nakuha noong Setyembre 18, 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ MacAskill, Ewen [@ewenmacaskill] (Setyembre 17, 2019). "Huge mistake by US govt in filing civil lawsuit against Snowden over publication of memoir. UK ban of Spycatcher 50 years ago created huge demand" (Tweet). Nakuha noong Oktubre 19, 2019 – sa pamamagitan ni/ng Twitter.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ MacAskill, Ewen [@ewenmacaskill] (Setyembre 18, 2019). "Yes. My mistake" (Tweet). Nakuha noong Oktubre 19, 2019 – sa pamamagitan ni/ng Twitter.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Edward Snowden a 'hero' for NSA disclosures, Wikipedia founder says | World news. The Guardian (Nobyembre 25, 2013).
- ↑ Why Edward Snowden Is a Hero. The New Yorker.
- ↑ Oliver Stone defends Edward Snowden over NSA revelations. The Guardian. (Hulyo 5, 2013).
- ↑ Editorial Board of The New York Times (Enero 1, 2013). "Edward Snowden, Whistle-Blower". The New York Times.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Daniel Ellsberg: Edward Snowden Was Right To Leave The U.S. Huffington Post.
- ↑ Amash: Snowden a whistle-blower, 'told us what we need to know'. Fox News (Agosto 4, 2013).
- ↑ "As Edward Snowden Receives Asylum in Russia, Poll Shows Americans Sympathetic to NSA 'Whistle-Blower' – Washington Whispers". usnews.com. Agosto 1, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bamford, James. "Most Wanted Man in the World". Wired. Nakuha noong Agosto 17, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ LoGiurato, Brett (Hunyo 11, 2013). "John Boehner: Edward Snowden Is A 'Traitor'". San Francisco Chronicle.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ de Nesnera, Andre (Agosto 8, 2013). "Is NSA Leaker Edward Snowden a Traitor?". Washington: Voice of America.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Etpatko, Larisa. "Former Defense Secretary Gates calls NSA leaker Snowden a 'traitor'". NewsHour. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Enero 19, 2014. Nakuha noong Enero 20, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Klein, Ezra. "Edward Snowden, patriot". The Washington Post.
- ↑ "Opinion: Edward Snowden is a patriot – Trevor Timm". Politico.Com.
- ↑ Goodman, Amy. ""Edward Snowden is a Patriot": Ex-NSA CIA, FBI and Justice Whistleblowers Meet Leaker in Moscow". Democracy Now. Nakuha noong Enero 20, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Blake, Aaron (Hunyo 9, 2013). "Clapper: Leaks are 'literally gut-wrenching,' leaker being sought". The Washington Post. Nakuha noong Agosto 8, 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Greenwald, Glenn; MacAskill, Ewen; Poitras, Laura (Hunyo 9, 2013). "Edward Snowden: the whistleblower behind the NSA surveillance revelations". The Guardian. London.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Goodman, Amy (Setyembre 26, 2019). "Edward Snowden Condemns Trump's Mistreatment of Whistleblower Who Exposed Ukraine Scandal". Democracy Now!. Nakuha noong Setyembre 27, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Greenberg, Andy (Pebrero 2017). "Edward Snowden's New Job: Protecting Reporters From Spies". Wired. Nakuha noong Oktubre 23, 2019.
{{cite magazine}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)