Edwina Findley
Edwina Findley | |
---|---|
Kapanganakan | [1] | 30 Oktubre 1980
Ibang pangalan | Edwina Findley Dickerson |
Trabaho | Aktres |
Aktibong taon | 2003–kasalukuyan |
Asawa | Kelvin Dickerson (k. 2012) |
Anak | 2 |
Website | edwinafindley.com |
Si Edwina Findley, kilala din bilang Edwina Findley Dickerson (ipinanganak noong Oktubre 30, 1980), ay isang artista mula sa Estados Unidos. Gumanap si Findley sa umuulit na karakter sa dramang pantelebisyon sa HBO na The Wire (2003–04) at Treme (2010–13), at mula 2014 hanggang 2020 ay bumida bilang Kelly Isaacs, isa sa mga pangunahing karakter sa dramang serye sa Oprah Winfrey Network na If Loving You Is Wrong.
Nakatanggap si Findley ng nominasyon bilang Pinakamahusay na Pansuportang Babae ng Gawad Independent Spirit para sa kanyang pagganap sa dramang pelikula noong 2015 na Free in Deed.[2] Lumabas din siya sa mga pelikulang Middle of Nowhere (2012), Insidious: Chapter 2 (2013), Get Hard (2015) and Rogue Agent (2022).
Pansariling buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Findley sa Washington, D.C., at pumasok sa Paaralang Sining ng Duke Ellington bilang isang medyor sa teatrong pang-musika. Nagtapos siya sa Paaralang Sining ng Tisch ng Unibersidad ng New York sa New York.[3] Noong 2012, pinakasalan ni Findley si Kelvin Dickerson.[4] Dati niyang kakuwarto ang aktres na si Viola Davis.[4]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Edwina Findley - Rotten Tomatoes". www.rottentomatoes.com (sa wikang Ingles).
- ↑ "Independent Spirit Awards: 'Moonlight,' 'American Honey' Score Leading 6 Nominations Each". The Hollywood Reporter (sa wikang Ingles). 22 Nobyembre 2016. Nakuha noong 22 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "About Edwina" (sa wikang Ingles). Edwinafindley.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-07-26. Nakuha noong 2014-06-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 Edwina Findley and Kelvin Dickerson, The New York Times (sa Ingles)