Pumunta sa nilalaman

Unibersidad ng New York

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Washington Square Park, kabilang ang arkong pantarangkahan nito, na napapalibutan ng mga gusali ng NYU at gumaganap ng mahalagang papel sa buhay sa loob ng University campus.
Isang tanawin sa loob ng Bobst Library

Ang Unibersidad ng New York (Ingles: New York University  o NYU) ay isang pribado, nonprofit, at nonsectarian na unibersidad sa pananaliksik na nakabase sa Lungsod ng New York.[1][2][3] Itinatag noong 1831, ang NYU ay itinuturing na isa sa pinakamaimpluwensya sa mundo at nangungunang unibersidad sa pananaliksik.[4][5] Ang mga pagraranggo ng unibersidad tulad ng U.S. News & World Report, Times Higher Education, at Academic Ranking of World Universities ay nagtala sa NYU bilang isa sa mga 32 nangungunang unibersidad sa mundo.[6][7][8] Ang NYU ay organisado sa higit 20 paaralan, kolehiyo, at instituto,[9] na matatagpuan sa anim na mga sentro sa buong Manhattan at Downtown Brooklyn. Ang NYU main campus ay matatagpuan sa Greenwich Village sa Lower Manhattan na may mga instituto at sentro sa Upper East Side, pang-akademikong mga gusali at dormitoryo sa Wall Street, at sa Brooklyn campus naman ay matatagpuan sa MetroTech Center sa Downtown Brooklyn.[10] Ang unibersidad ay nagtatag din ng mga sangay na kampus: ang NYU Abu Dhabi, NYU Shanghai at nagpapanatili ng 11 iba pang mga Pandaigdigang Akademikong Sentro sa Accra, Berlin, Buenos Aires, Florence, London, Madrid, Paris, Prague, Sydney, Tel Aviv; at Washington, D.C.[11] Ang NYU ay may humigit-kumulang 25,500 undergraduate at 24,000 post-graduate na mga mag-aaral mula sa malawak na baryedad ng relihiyon, etnisidad, at pinanggalingang heograpiko, kabilang ang 183 banyagang bansa.[12]

Ang NYU ay inihalal sa Association of American Universities noong 1950.[13] Ang NYU ang tahanan ng 35 Nobel Prize winners, 4 Turing Award winners, 4 Fields Medal winners, higit sa 30 National Medals for Science, Technology and Innovation, Arts and Humanities recipients, higit sa 30 Pulitzer Prize winners, higit sa 30 Academy Award winners, ilang nagwagi ng Russ Prize, Gordon Prize, Draper Prize, at Wolf Prize, at maraming nagwagi ng Emmy, Grammy, Lasker at Tony Award, maraming MacArthur, Sloan at Guggenheim Fellowship holders, at daan-daang miyembro ng National Academies of Sciences, Engineering, and Medicine at American Academy of Arts and Sciences mula sa kaguruan at alumni ng unibersidad.[14][15][16][17]

Ang NYU ang tagapagtatag na kasapi ng League of World Universities, isang internasyonal na organisasyon na binubuo ng mga rektor at pangulo mula sa mga unibersidad na urban sa anim na kontinente.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "About NYU".
  2. "Schools and Colleges". New York University. Nakuha noong Agosto 30, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "The Global Network University". New York University. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 25, 2013. Nakuha noong Agosto 30, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. McFadden, Robert D. (Hulyo 11, 2016). "John Brademas, Indiana Congressman and N.Y.U. President, Dies at 89". The New York Times. Nakuha noong Oktubre 24, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "The 30 Most Influential Colleges and Universities of the Past Century". Best College Reviews. Nakuha noong 24 Oktubre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Top World University Rankings, p4 | US News Best Global Universities". Nakuha noong 2016-02-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "World University Rankings 2016 | Times Higher Education (THE)". Times Higher Education. Nakuha noong 2016-02-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "ARWU World University Rankings 2015 | Academic Ranking of World Universities 2015 | Top 500 universities | Shanghai Ranking - 2015". Shanghai Ranking. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-10-30. Nakuha noong 2016-02-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Schools and Colleges". New York University. Nakuha noong Agosto 30, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. NYU Web Communications. "Travel and Transportation". nyu.edu.
  11. "Global Academic Centers".
  12. NYU Web Communications. "NYU at a Glance". nyu.edu.
  13. "Member Institutions and Years of Admission". Association of American Universities. Nakuha noong Agosto 30, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. O'Donnell, Paul (Pebrero 20, 2013). "Billionaire U: Why Harvard Mints Mega-Rich Alums". CNBC LLC. Nakuha noong Nobyembre 22, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "These 7 Schools Have the Richest Alumni — Is Yours On the List?". Nakuha noong Oktubre 16, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "World's top 100 universities for producing millionaires". Nakuha noong Oktubre 16, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "3 Public Universities Made List of 15 Schools With the Wealthiest Alumni". Nakuha noong Hunyo 28, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)