Pumunta sa nilalaman

Ehersisyong pangpuson

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang ehersisyong pangpuson o ehersisyong pangtiyan ay isang uri ng pagsasanay o ehersisyong ginagamit o ginagawa para sa pagtataguyod, pagpapanatili ng kasiglahan at ikabubuti ng mga organong nasa loob ng puson, pati ng kanilang mga tungkulin.[1]

Mga ehersisyo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga madaling gawin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isang maagang halimbawa ng payak na ehersisyong pangtiyan ang pagpisil ng kalatagan ng mga kamay laban sa dingding ng puson na susundan ng pag-angat ng mga kamay habang nakahiga. Nakapagdurulot ito ng paggalaw na pasaginsin o paurong ng mga masel ng dingding ng puson. Maiaayos ang antas ng tugon mula sa mga masel ng puson sa pamamagitan ng pagbabagu-bago sa diin ng mga kamay.[1]

Mga mahirap gawin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isang mas masigasig na uri ng ehersisyong pangpuson ang mabagal na pagupo, mula sa pagkakahiga, na walang pagtulong o hindi ginagamitan ng mga baraso. Isa pang masiglang uri ng ehersisyong pangtiyan ang mabagal na pag-angat ng mga binti upang maging bertikal ang posisyon.[1]

Ehersisyo ng paghinga

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kabilang din sa mga ehersisyong pangpuson ang mga ehersisyo ng paghinga, katulad ng malalim na paghinga. Kailangan ang pagkakaroon ng masiglang mga masel na bumubuo sa pang-unahan o anteryor ng dingding ng puson para magkaroon ng tamang gawi sa paghinga. Nakapagbibigay rin ang kasiglahang ng mga masel na ito ng suporta sa mga laman ng puson.[1]

Sa simula, itinuturing na sapat lamang ang pag-aangat muna ng katawan na susundan ng mga pagtataas ng mga binti na may limang ulit. Nagdaragdag ng isang galaw o kilos na pang-ehersisyo sa bawat araw hanggang sa umabot sa dalawampu ng bawat isa ang nagagawa. Kapag nagdurulot ng pananakit sa singit ang ehersisyo, mas ligtas na gawin lamang ang mga payak at madadaling mga uri ehersisyo, katulad ng mga nabanggit sa itaas.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Robinson, Victor, pat. (1939). "Abdominal exercises". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 4.