Eid al-Fitr
عيد الفطر Eid al-Fitr (ʻĪd al-Fiṭr) Feast of Breaking the Fast | |
---|---|
![]() salusalo para sa Eid al-Fitr, Tajikistan | |
Opisyal na pangalan | Arabe: عيد الفطر ‘Īd al-Fiṭr |
Ginugunita sa | Islam |
Uri | Islamiko |
Kahalagahan | Hudyat ng pagtatapos ng pag-aayuno sa Ramadan |
Petsa | 1 Shawwal |
2018 date | Hunyo 15[1] |
Mga pagdiriwang | Dumadalo ang buong pamilya, traditional sweet dishes, paggamit ng pabango, pagsusuot ng mga bagong damit, pagbibigay ng mga regalo, atbp. |
Mga pagmamasid | Zakat al-Fitr charity, Eid prayers |
Nauugnay sa | Ramadan, Eid al-Adha |
Ang Eid al-Fitr o Eid ul-Fitr (Arabe: عيد الفطر ‘Īdu l-Fiṭr), kadalasang pinapaiksi bilang Eid, ay isang kapistahang Muslim na palatandaan ng katapusan ng Ramadan. Isang banal na buwan ng pag-aayuno ang Ramadan. Isang salitang Arabe ang Eid na may ibig sabihing "masayang kapistahan", habang nangangahulugang "putulin (wakasan) ang ayuno"; kaya't sumasagisag ang pagdiriwang na Eid al-Fitr bilang pagtatapos ng panahon ng pag-aayuno. Pinagdiriwang ito pagkalipas ng katapusan ng buwan ng Ramadan, sa unang araw ng Shawwal.
Tumatagal ang selebrasyon ng Eid al-Fitr ng tatlong araw at paminsan-minsang tinatawag ding "Mas Maliit na Eid" (Arabe: العيد الصغير al-‘īdu ṣ-ṣaghīr) kapag inihambing sa Eid al-Adha na nagtatagal na apat na mga araw at tinatawag na "Mas Malaking Eid" (Arabe: العيد الكبير al-‘īdu l-kabīr).
Inaatasan ng Kuran ang mga Muslim na buuin o kumpletuhin ang kanilang pag-aayuno sa huling araw ng Ramadan at bigkasin ang Takbir pagkaraan sa buong panahon ng Eid[Qur'an 2:185 (Isinalin ni Shakir)].
Pagsasaoras[baguhin | baguhin ang batayan]
Sa tradisyon, ito ang araw (nagsisimula sa paglubog ng araw) ng unang pagkakakita sa gasuklay na buwan matapos ang paglubog ng araw. Kung ang buwan ay hindi nakita agad matapos ang ika-29 na araw ng katatapos na buwang lunar (marahil dahil natatakpan ito ng mga ulap o dahil ang langit sa Kanluran ay masyadong maliwanag kapag lumulubog ang buwan), gaganapin ito sa kasunod na araw.
Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]
- ↑ "The Umm al-Qura Calendar of Saudi Arabia". Hinango noong 7 Marso 2017.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Islam ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.