Ekshibisyonismo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Pampublikong hubad sa Praga. Ekshibisyonismo

Ang ekshibisyonismo (Ingles: exhibitionism) ay tumutukoy sa kagustuhang magpakita ng mga parte ng katawan—partikular na ang ari o puwitan ng babae o lalaki, o ang dibdib ng babae—sa isang publiko o semi-publikong pangyayari, sa mga grupo ng mga kaibigan o kakilala, o sa mga hindi kakilala. Kapag nasangkot ang mga awtoridad, at ang kilos ay nakababanta o laban sa lipunan, ito ay maaaring tawaging "indecent exposure", depende sa tiyak na mga batas ng hurisdiksiyon na nasasangkot, at maaaring humantong sa pagkakakulong at prosekusyon ng nasasakdal.

Ang hindi nakababahalang exhibitionism ay maaaring pisikal na ipahayag sa dalawang paraan. Ang una, karaniwang tinatawag na "flashing", ay kabilang ang pagpapakita ng tao ng kanyang ari sa ibang tao o sa grupo ng mga tao, sa paraang hindi nakababahala, sa isang sitwasyon kung saan hindi ito karaniwang pinapakita, kagaya ng isang pagtitipon o sa pampublikong lugar. Ang pagsasagawa ng "flashing", lalo na ng mga babaeng pinapakita ang dibdib at pati na rin ang kanyang ari at puwitan, ay maaaring may kahit na parsiyal na intensiyong sekswal, i.e para udyukan ang sekswal na pagpukaw sa pinapakitaan, kung saan nama'y ang nagpapakita ay nabibigyan ng dagdag sa kaakuhan. Gayunman, ang "flashing" ay maaari ring ginawa para lamang akitin ang hindi napukaw na "atensiyon" ng iba, para sa pabuya, o panggulat. Ang ganitong uri ng exhibiionism ay maaari ring ipahayag sa konteksto ng grupong nag-iisip na pareho ang kagustuhang ipakita ang mga sarili nila sa isa't isa. Ito ay maaaring mangyari sa isang pormal o inpormal na kaganapan, gaya ng nudist clubs o sa maliliit na grupo na na naghahati sa isang palikuran o nagsi-"skinny dipping".

Ang exhibitionism ay hindi awtomatikong kompulsiyon, pero may mga taong mayroong natatanging sikolohikal na inklinasyon para ilahad ang sarili nila sa sekswal na pamamaraan, ito man ay para mag-"flash"(hindi nakababahala), o para gawin ang "indecent exposure" (nakababanta). Kapag ito ay kompulsiyon, ito ay kundisyon na minsan ay tinatawag na apodysophilia.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pampublikong exhibitionism ng mga babae ay naitala na mula pa noong mga panahong klasiko, kadalasan sa konteksto ng mga babaeng ipinapahiya ang mga grupo ng lalaki para magsagawa, o buyuhin sila para magsagaawa, ng isang pampublikong aksiyon. Ang sinaunang Griyegong mananaysay na si Herodotus ay nagbigay ng salaysay ng exhibitionism noong ikalimang dantaon BC sa The Histories. Ayon sa kanya:

When people travel to Bubastis for the festival, this is what they do. Every baris carrying them there overflows with people, a huge crowd of them, men and women together. Some of the women have clappers, while some of the men have pipes which they play throughout the voyage. The rest of the men and women sing and clap their hands. When in the course of their journey they reach a community - not the city of their destination, but somewhere else - they steer the bareis close to the bank. Some of the women carry on doing what I have already described them as doing, but others shout out scornful remarks to the women in the town, or dance, or stand and pull up their clothes to expose themselves. Every riverside community receives this treatment.

Mga uri ng paglalantad[baguhin | baguhin ang batayan]

Maraming klase ng pag-uugali ay tinuturing na exhibitionism, kabilang ang:

  • Anasyrma: ang pag-angat ng palda pag hindi nakasuot ng salawal para ipakita ang ari.
  • Flashing: karaniwang pagpapakita ng hubad na dibdib ng babae sa pamamagitan nga taas-babang pag-angat ng suot at/o bra. Maaari ring ibilang ang pagpapakkita ng ari ng babae o lalaki.
  • Martymachlia: uri ng paraphilia na kasangkot ang atraksiyong sekswal sa pagpapanood ng pagsasaawa ng isang sekswal na akto.
  • Mooning: ang pagpapakita ng hubad na puwitan sa pamamagitan ng paghubad ng pantalon at salawal.
  • Streaking: pagtakbo ng hubad sa isang pampublikong lugar.
  • Candaulism: ang paglalantad ng isang tao sa kanyang kasama sa paraang malinaw na sekswal.
  • Reflectoporn: ang paghubad at pagkuha ng litrato gamit ang isang bagay na maaninag kagaya ng salamin, at pagpahayag ng litrato sa Internet sa isang pampublikong pagtitipon. Halimbawa ay "imahe ng hubad na mga lalaki at babae na naaaninag sa takure, TV, toaster at kahit kutsilyo't tinidor". Ang pagkakataong ito ay pinaniniwalaang nagsimula sa isang lalaking nagtinda ng takure sa isang Australyanong subastahan kabilang ang isang litrato kung saan malinaw na nakikita ang hubad niyang katawan; maraming pagkakataong sumunod, at ang partikular na katagang "reflectoporn" ay ginawa ni Chris Stevens ng Internet Magazine.
  • Telephone scatologia - Pinahahayag ng ibang mananaliksik na ito ay isang uri ng exhibitionism, kahit walang pisikal na bahagi.

Aspetong pangkaisipan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang exhibitionism bilang isang karamdaman ay unang inilarawan sa isang siyentipikong dyornal noong 1877 ng isang Pranses na manggagamot na si Charles Lasègue (1809–1883).

Ang exhibitionism ay maaaring tratuhin bilang isang sakit sa pag-iisip kapag ito ay nakaabala sa kalidad ng buhay o normal na paggalaw ng indibidwal. Ang exhibitionism ay nabanggit sa Diagnostic and Statistical Manual, 4th Edition (class 302.4). Maraming saykayatrikong depinisyon ng exhibitionism ay tinutukoy ito bilang "kalugurang sekswal, lampas sa mismong sekswal na gawain, na nakakamit ng peligrosong publikong gawaing sekswal at/o paglalantad ng katawan." Lampas sa paglalantad ng katawan, maaari rin ritong makabilang ang "pakikipagtalik kung saan maaaring may makakita o makadakip sa gumagawa."

May isang grupo ng mga mananaliksik ang nagtanong sa muwestra ng 185 na exhibitionist, "Ano ang gusto mong reaksiyon ng isang tao na papakitaan mo ng iyong ari?" Ang pinakakaraniwang sagot ay "Gugustuhing makipagtalik" (35.1%), na sinundan ng "Walang kailangang reaksiyon" (19.5%), "Ipakita rin ang kanilang ari" (15.1%), "Paghanga" (14.1%), at "Kahit anong reaksiyon" (11.9%). Kaunting mga exhibitionist lamang ang sumagot ng "Galit at pandidiri" (3.8%) at "Takot" (0.5%).