Pumunta sa nilalaman

Elastisidad (ekonomika)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang elastisidad (o elasticity sa Ingles) sa ekonomika ay isang sukat ng pagkasensitibo ng isang nagbabago sa isa pa. Ito ay numero na nagsasabi ng pagbabago sa porsiyento na mangyayari sa isang nagbabago sa pagtugon nito sa isang porsiyentong dagdag ng isa pang nagbabago.[1] Sa mas madaling salita, ang pagkaelastiko ng isang bagay ay ang kanyang kakayahang tumugon sa dalang pagbabago ng isa pang bagay. Ang mga kikita dito ay ang abilidad ng isang nagbabago na maapektuhan ang isa pang nagbabgo. Kadalasan, ang elastisidad ay sumusukat sa pagiging sensitibo ng isang nagbabgo sa pagbabago ng presyo.

Sa pampresyong elastisidad, maaaring gumamit ng formula na puntong elastisidad. Kukunin namang dito ang porsyentong pagbabago sa nagbabago na ninanais at hahatiin ito ng porsyentong nagbago sa presyo.

Pag ipinasok na ang konseptong ito sa mga kurbadang pagpupuno at pangangailangan (supply and demand) maaaring makakita ng mga galaw sa kurba na dala ng pagkaelastiko. Sa ganitong paraan, itinitimbang natin ang pagiging sensitibo ng mga bagay pangkabuhayan sa pagpalit ng presyo. Kung paano naaapektuhan ng pagtaas ng presyo ang paggastos na ugali ng mga mamimili.

Ginagamit ang ekwasyon na elastisidad = (% pagbago sa dami / % pagbago sa presyo)

Ang isang bagay ay sinasabing elastiko kapag ang kaniyang pagkalastiko ay lumalabis sa 1. Ito naman ay sinasabing hindi elastiko pag ito ay nasa pagitan ng sero (0) at isa (1).

Sa ganun, ang mga produkto na sinasabing mataas ang pagkalastiko ay nakakaranas ng mataas na pagbaba ng bilang kinakailangan tuwing tumataas ang presyo. Itong mga produkto ay mga bagay na hindi naman kinakailangan para sa pamumuhay. Ngunit ang mga produkto na hindi elastiko ay mga produkto na nakakaranas ng maliit lamang na pagbago sa pangangailangan dala ng pagtaas ng presyo. Ang mga gamit na ganito ay mga kagamitan na kinakailangan ng mga mamimili sa pangkabuhayan.

Marami pang mga uri ng pagkalastiko, depende nalang ito sa isinusuri na bahagi ng ekonomiya (pagpupuno o pangangailangan).

Elastisidad sa presyo ng pangangailangan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sinusukat ng elastisidad sa presyo ng pangangailangan (price elasticity of demand sa wikang Ingles) ang pagkasensitibo ng dami ng pangangailangan sa pagbabago sa presyo. Ito ay makikita sa ekwasyon:

EP=(%ΔQ)/(%ΔP)

kung saan ang EP ay ang elastisidad ng presyo, Q ang dami ng demand at P ang presyo. (Ang "Δ" ang Griyegong letrang delta na nagsasaad ng "pagbabago sa".)

Ang elastisidad ng presyo ay karaniwang negatibong numero (negative number). Habang tumataas ang presyo ng isang produkto, bumababa ang dami ng pangangailangan nito.

Kapag ang elastisidad ng presyo ay higit pa sa 1, sinasabing ang pangangailangan ay elastikong presyo dahil ang pagbawas sa porsiyento ng dami ng pangangailangan ay mas mataas nsa porsyento ng taas ng presyo. Halimbawa nito ay kapag tumaas ang presyo ng sapatos, mas malaki ang bawas sa dami ng bibili ng sapatos kaysa sa tinaas ng presyo. Kadalasan, ang elastisidad ay base sa dami o pagkakaroon ng mga kapalit ng produkto. Sa halimbawa, maaring kapalit ang sandalyas sa sapatos. Tumaas man ang presyo ng sapatos, maghahanap na lamang ng kapalit ang karaniwang konsumer sa sapatos.

Kapag ang elastisidad ng presyo ay mababa pa sa 1, sinasabing ang demand ay di-elastikong presyo. Ang mga produktong may ganitong elastisidad sa presyo ay kadalasang wala o mahirap mahanapan ng kapalit. Halimbawa ay bigas o tubig. Kahit na ano pa man ang taas ng presyo sa singil sa tubig, kakaunti lamang ang bawas sa pagkonsumo ng tubig dahil ang tubig ay isang pangangailangan sa araw-araw na buhay at wala itong katumbas na kapalit.

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Pindyck, R. et. al., Microeconomics 1st edition. Pearson Education South Asia PTE Ltd. 2005.