Pumunta sa nilalaman

Resistensiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Electrical resistance)

Ang sigwa ng kuryente o resistensiyang elektrikal (Ingles: electrical resistance) ay ang repulsyon (pagtanggi o pag-urong) ng isang kuryente sa loob ng isang sirkito. Ipinapaliwanag nito ang ugnayang nasa pagitan ng boltahe (dami ng presyon ng kuryente) at ampero (dami ng daloy ng kuryente). Natuklasan ni Georg Simon Ohm ang resistensiya noong 1827. Sa maiksing pananalita, ito ang rasyo o tumbasang dami sa pagitan ng boltahe at daloy (kuryente). Ayon sa batas ni Ohm, ang boltahe sa pagitan ng dalawang punto (tuldok) na nasa loob ng isang konduktor ay tuwirang nagbabago sa kuryenteng nasa pagitan ng dalawang mga punto, basta't nananatiling pareho at hindi nagbabago ang temperatura. Ginawa ni Ohm ang ekuwasyong:

na nagmomodelo sa rasyo, kung saan ang:

R ay ang resistensiya ng bagay, sinusukat sa mga ohm (Ω)
V ay ang boltahe sa kahabaan ng bagay, sinusukat sa mga boltahe (V)
I ay ang daloy o kuryenteng lumalagos sa bagay, sinusukat sa mga ampero (A)

Ang resistor ay isang tunay na aplikasyon o pinaggagamitan ng resistensiyang elektrikal.


Teknolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Teknolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.