Pumunta sa nilalaman

Gamot na inarnibal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Elektuwaryo)

Ang gamot na inarnibal[1] o elektuwaryo[1] ay mga gamot na isinakendi o minatamis sa pamamagitan ng paggawa ng isang masang may pulot-pukyutan o binasang asukal. Kabilang sa mga halimbawa nito ang mga gawa mula sa paminta o sili (gamot sa utot), sa bulaklak na rosas (ginagamit sa paggawa ng mga pildoras), sa senna (pampurga), at sa sulpura (pampurga rin). Kalimitang dosi (dami ng gamot na ibinibigay sa pasyente pati kung ilang ulit sa maghapon) ng elektuwaryo ang nasa 60 hanggang 120 mga grano. Isa pang halimbawa nito ang elektuwaryo ni Damocratis (o Damocrates) na naglalaman ng 100 mga sangkap. Bagaman hindi na ginagamit sa ngayon, maging sa Estados Unidos, nanatili ang ilang kabantugan ng gamot na ito sa Europa.[2]

  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Confection - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Robinson, Victor, pat. (1939). "Confection, conserve, electuaries". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 185.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.