Pumunta sa nilalaman

Elisa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Elisa (Elishah sa Ingles) ay isa sa mga anak ni Javan ayon sa Aklat ng Genesis (10:4), at saka sa pang-Gitnang Panahon na rabinikong Aklat ni Jasher. Binabaggit siya sa Jasher bilang ninuno ng mga "Almanim," na malamang ay isang pagtutukoy sa mga Hermanikong tribu (Alamanni). Isang mas nauna at mas karaniwang paniniwala ay kumikilala sa kaniya bilang tagapagtatag ng Gresya,[1] ang bayan ng Elis sa (tangway ng) Peloponeso. Ang "Pitumpu" o Septuahintang Griyego ng Genesis 10 ay nagtatala kay Elisa na hindi lang isa sa mga anak ni Javan, kundi isa rin sa mga anak ni Japheth,[2] na malamang ay isang pagkakamali ng taga-kopya.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Robert Mayo, Volume 340 Harvard social studies textbooks preservation microfilm project, Published and sold by John F. Watson, no. 51 Chestnut Street, A. Fagan Printer, 1813, Universidade de Michigan, p. 153
  2. Septuagint GENESIS - 10, ellopos.net

Bibliya Ang lathalaing ito na tungkol sa Bibliya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.