Pumunta sa nilalaman

Elizabeth Taylor

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Elizabeth Taylor
Litratong pampublisidad ng estudyo
This file is nominated for deletion. See commons:Commons:Deletion requests/File:Taylor, Elizabeth posed.jpg
Kapanganakan
Elizabeth Rosemond Taylor

27 Pebrero 1932(1932-02-27)
Kamatayan23 Marso 2011(2011-03-23) (edad 79)
Los Angeles, California, United States
DahilanKonhestibong pagkabigo ng puso
LibinganForest Lawn Memorial Park, Glendale, California
NasyonalidadBritanikong-Amerikana
Ibang pangalanLiz Taylor
TrabahoAktres, aktibistang panlipunan
Aktibong taon1942–2003
Asawa
Anak
  • Michael Howard Wilding
  • Christopher Edward Wilding
  • Elizabeth Frances "Liza" Todd Burton
  • Maria Burton
Magulang
Kamag-anakHoward Taylor (mas nakatatandang kapatid na lalaki)
ParangalTalaan

Si Dama Elizabeth Rosemond "Liz" Taylor, DBE (27 Pebrero 1932 – 23 Marso 2011) ay isang Britanikong Amerikanang[1] aktres. Magmula sa maagang mga taon niya bilang isang bituing artistang bata para sa MGM, siya ay naging isa sa dakilang mga aktres ng pelikula noong Ginintuang Panahon ng Hollywood. Bilang isa sa pinaka tanyag ng bituing pampelikula, kinilala si Taylor dahil sa kanyang kakayahan sa pag-arte at para sa kanyang nakahahalinang gawi o estilo ng pamumuhay, kagandahan, at katangi-tanging mga matang kulay lila.

Ang National Velvet (1944) ang unang tagumpay ni Taylor, at naging bida siya sa Father of the Bride (1950), A Place in the Sun (1951), Giant (1956), Cat on a Hot Tin Roof (1958), at Suddenly, Last Summer (1959). Napanalunan niya ang Gantimpala ng Akademya para sa Pinaka Mahusay na Aktres para sa BUtterfield 8 (1960), gumanap para sa gampaning pampagat sa Cleopatra (1963), at pinakasalan ang kanyang katambal na bituing aktor na si Richard Burton. Magkasama silang lumitaw sa 11 mga pelikula, kabilang na ang Who's Afraid of Virginia Woolf? (1966), kung saan nagwagi si Taylor ng pangalawang Gantimpala ng Akademya. Magmula kalagitnaan ng dekada ng 1970, mas kakaunti ang kanyang naging paglitaw sa larangan ng pelikula, at gumawa lamang ng paminsan-minsang mga paglitaw sa telebisyon at teatro.

Ang kanyang nalathalang personal na buhay ay kinabibilangan ng walong mga pagpapakasal at ilang mga karamdamang nakapagpanganib ng kanyang buhay. Magmula kalagitnaan ng dekada ng 1980, naging kampeon si Taylor ng mga programang may kaugnayan sa HIV at AIDS; kasama siyang naging tagapagtatag ng Amerikanong Pundasyon para sa Pananaliksik sa AIDS noong 1985, at ng Elizabeth Taylor AIDS Foundation (Pundasyon ng AIDS ni Elizabeth Taylor) noong 1993. Tumanggap siya ng Pampangulong Medalya ng mga Mamamayan, ng Lehiyon ng Karangalan, ng Gantimpalang Makatao ni Jean Hersholt at ng Gantimpala ng mga Nagawa sa Buhay mula sa American Film Institute (Amerikanong Instituto ng Pelikula), na nagpangalan sa kanya bilang ikapito sa kanilang talaan ng "Pinaka Dakilang mga Amerikanong Alamat ng Puting Tabing". Namatay sa Taylor dahil sa pagkabigo ng pusong naninikip noong Marso 2011 sa gulang na 79, makaraang magdanas ng maraming taon ng hindi mabuting kalusugan. Noong 2011, napangalanan siya bilang isa sa "100 Hottest Women of All-Time" (100 Pinaka Maiinit na mga Babae sa Lahat ng Panahon) ng Men's Health.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "ELIZABETH TAYLOR STILL U.S. CITIZEN; Officials Term Her Use of British Passport Legal". New York Times. 10 Enero 1965. Nakuha noong 21 Abril 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "The 100 Hottest Women of All-Time". Men's Health. 2011. Nakuha noong 5 Abril 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)