Pumunta sa nilalaman

Elton Brand

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Elton Brand
Personal information
Born (1979-03-11) 11 Marso 1979 (edad 45)
Cortlandt Manor, New York
NationalityAmerikano
Listed height6 tal 9 pul (2.06 m)
Listed weight254 lb (115 kg)
Career information
High schoolPeekskill (Peekskill, New York)
CollegeDuke (1997–1999)
NBA draft1999 / Round: 1 / Pick: 1st overall
Selected by the Chicago Bulls
Playing career1999–2016
PositionPower forward / Center
Number42, 7
Career history
19992001Chicago Bulls
20012008Los Angeles Clippers
20082012Philadelphia 76ers
2012–2013Dallas Mavericks
20132015Atlanta Hawks
2016Philadelphia 76ers
Career highlights and awards
Career statistics
Points16,827 (15.9 ppg)
Rebounds9,040 (8.5 rpg)
Assists2,184 (2.1 apg)
Stats at Basketball-Reference.com

Elton Tyron Brand (ipinanganak noong 11 Marso 1979 sa Peekskill, New York) ay isang dating propesyunal na manlalaro ng basketbol sa National Basketball Association mula sa Estados Unidos. Huling naglaro si Brand para sa Philadelphia 76ers at sa USA National Team. Siya ang general manager ng koponang Delaware Blue Coats sa NBA G League.

Buhay bago ang NBA

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa edad na labing tatlo, si Brand ay pumasok sa Peekskill High School, kung saan siya ay agadang ipinasok sa varsity roster para sa larong basketball. Siya ay naglaro sa AAU basketball kasama ng isa pang manlalaro ng NBA sa hinaharap na si Ron Artest, at sa kanyang ikaapat na taon si Brand ay palaging napapabilang sa mga pinakamagagaling na manlalaro ng high school basketball ng bansa. At sa parehong pagkakataon, siya ay naging parang isang mala-alamat na bayani sa Peekskill. Tinulungan niya ang kanyang koponan para manalo ng dalawang state championships habang siya ay nagpakita ng pagpapakumbaba, pagkapanatag at katalinuhan. Ang Gobernador ng New York na si George Pataki, isa ding lokal na mamamayan ng Peekskill, ay minsang tinanong sa pagiging paboritong anak ng kanilang bayan, at siya ay sumagot na hindi siya ang paboritong anak ng Peekskill bagkus ay si Elton Brand. Pagkatapos ng kanyang matagumpay na karera sa high school maraming kolehiyo ang gustong paglaruin sa kanilang koponan si Brand. Si Brand ay nag-pasya na pumasok sa Duke University kagaya ng mga katulad niya ding magaling na manlalaro ng highschool, kabilang si Shane Battier.

Sa kanyang ikalawang taon, si Brand ay isang dominanteng presensiya sa ilalim para sa koponan ng Duke na malawakang kinikilala bilang isa sa mga pinakatalentadong koponan sa kailan lamang kasaysayan ng NCAA. Pagkatapos pamunuan ang Blue Devils sa championship game ng Final Four-kung saan sila ay binigo ng University of Connecticut-si Brand ay hinirang bilang consensus National Player of the Year. Pagkatapos, siya ay nagdesisyon na lisanin ang Duke pagkatapos ng kanyang ikalawang season para lumahok sa NBA draft, kung saan siya ay pinili bilang isang first pick ng Chicago Bulls. Si Brand, kasama ni William Avery at Corey Maggette, ay napabilang sa kasaysayan ng Duke Basketball bilang mga unang manlalaro na lisanin ng maaga ang unibersidad para sa NBA Draft. Silang tatlo ay lumahok sa 1999 NBA Draft sa halip na bumalik sa Duke.

Pagkatapos ng dalawang matagumpay na season sa Bulls, kung saan natanggap niya ang NBA Rookie of the Year Award noong taong 2000, si Brand ay ipinagpalit ng Chicago Bulls noong 2001 sa Los Angeles Clippers para kay Brian Skinner at ang kanyang draft rights kay Tyson Chandler. Sa Los Angeles, si Brand ay naging kauna-unahang Clipper pagkatapos ni Danny Manning (noong 1994) na mapabilang sa All-Star team. Si Brand ay naging matagumpay sa kanyang unang taon sa Los Angeles, gayon man, ang Clippers ay nanatiling isa sa pinakapangit na prangkisa sa NBA at sa lahat ng American sports.

Ng si Brand ay maging isang restricted free agent sa taong 2003, ang Miami Heat ay nag-alok ng $82 milyon na kontrata para sa anim na taon. Sa isang hindi inaasahang galaw ng nagmamay-ari ng Clippers na si Donald Sterling, tinapatan ng Clippers ang alok ng Miami at kanilang napanatili si Brand bilang isang Clipper. Bukod dito, ang pinakamalaking kontrata na inaprubahan ni Sterling sa mga puntong iyon ay ang $15 milyon-limang taong kasunduan para kay Eric Piatkowski noong 1998.

Noong 2006 NBA season, naranasan ni Brand ang kanyang personal na pagbabago. Siya ay nagtala ng career-highs para sa puntos kada laro (24.7) at field-goal percentage (52.7), habang pinamumunuan ang Clippers sa 47–35 na talaan, sapat para sa sixth seed sa Western Conference. Noong Pebrero 2006, si Brand ay napili sa 2006 NBA All-Star Game bilang isang reserba sa posisyong forward para sa West. At resulta ng kanyang indibiduwal na lakas at ng kararaan lamang na tagumpay ng Clippers, maraming analyst ang naniwala na isa siyang malakas na kandidato para sa Most Valuable Player para sa 2006 season. Ngunit si Steve Nash ang nanalo ng award. Noong 22 Abril 2006, unang naglaro sa playoff si Brand. Siya ay umiskor ng 21 puntos laban sa Denver Nuggets. Noong Mayo 1, Tinulungan ni Brand ang kanyang koponan sa kaunaunahang playoff series nito pagkatapos noong 1976, kung saan ang koponan ay kilala pa bilang Buffalo Braves. Datapwat ang Clippers ay natalo sa game 7 laban sa Phoenix Suns, ang Clippers ay nagkaranas ng kanilang pinakamainam na season, pinamaganda na nadama ng kanilang prangkisa. Natanggap ni Brand ang Joe Dumars Trophy matapos niyang mapanalunan ang 2005–06 NBA Sportsmanship Award[1].

Katauhan ng manlalaro

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang dalawang beses na All-Star na manlalarong si Brand ay naglalaro sa posisyong forward, bagamat siya ay 6 na talampakan at 8 pulgada katangkad lamang at madalas na humaharap sa katunggali na mataas sa kanya ng 2 hanggang 4 pulgada. Gayon man, napatunayan ni Brand ang sarili bilang isa sa mga nangingibabaw na big wingmen ng NBA, na karaniwang gumagawa ng 20.3 puntos, 10.4 rebounds (kasama ang kagilas-gilas na 4.0 offensive boards) at 2.00 blocks sa kanyang karera.

Pinupunan ni Brand ang kanyang kakulangan sa tangkad kagaya ng isa pang dehado sa tangkad na power forward na si Charles Barkley, gamit ang kanyang malapad at malaking pangangatawan, at ang nakakagulat na athleticism para sa isang tao sa kanyang timbang upang maungusan ang kanyang katunggali. Ang kanyang malaking wing span ay nakakatulong din para siya ay maging isang epektibong shot-blocker.

Sa kanyang mga unang taon sa liga, mayroon siyang kaunti ngunit epektibong malalakas na galaw sa ilalim ng basket na naging sanhi upang siya ay maging epektibong post player. Hindi siya naging isa sa pinakamahusay na power forward sa NBA hanggang sumapit ang 2005–06 season, naibaba niya ang kanyang timbang mula 265 lb. pababa sa 254 lb. upang kanyang dagdagan ang kanyang bilis. Siya rin ay nagsanay upang magdagdag ng matatalinong galaw sa ilalim ng basket upang siya ay umiskor ng hindi umaasa palagi sa kanyang puwersa. Ngunit ang pinakaimportante sa lahat, siya ay nagsanay sa kanyang shooting range at napainam ang kanyang maaasahang 18 ft. jumper. At ang naging resulta, naitaas niya ang kanyang paglikom ng puntos sa 4.7 noong season na yun.

Noong Biyernes, ikatlo ng Agosto, 2007, Aksidenteng napinsala ni Brand ang kanyang kaliwang Achilles' tendon habang siya ay nasa kanyang pangaraw-araw na workout routine. Ang kanyang pinsala ang naglagay sa alanganin sa kanyang pagiging libre sa 2007–2008 season. May mga maagang pahayag na nagpapakita na siya ay naghahanda sa agarang surgical procedure.

  • 2-time NBA All-Star: 2002, 2006
  • All-NBA:
  • Second Team: 2006
  • NBA All-Rookie First Team: 2000
  • NBA co-Rookie of the Year: 2000 (with Steve Francis)
  • 2-time NBA regular-season leader, offensive rebounds: 2000 (348), 2002 (396)
  • Clippers' Career Leader in Offensive Rebounds (1,480).

Personal na buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Inumpisahan ni Elton ang Elton Brand Foundation noong tagsibol ng 2000. Ang kanyang Foundation ay isang organisasyon na nagbibigay ng suporta sa mga mahahalagang layunin sa Chicago, Ill., Peekskill, N.Y. at Durham, N.C.

Noong summer ng 2006, Si Elton ay nagpakasal sa kanyang matagal ng kasintahan (nagtapos din sa Duke) na si Shahara Simmons sa North Carolina. Nagalaro din si Band sa 2006 FIBA World Basketball Championships para sa Team USA (kung saan siya ay karaniwang gumawa ng 8.9 puntos at 3.3 rebounds kada laro).

Si Elton Brand Kasama ng kanyang partner na si Steve Marlton ay miyembro ng nagtatag at Presidente ng Gibraltar Films[2], isang bagong film company (2005) na ang interes ay nasa film investment, pagbili, paglikha at pagpapamahagi ng mga motion pictures. Ang unang proyekto ng Gibraltar Films ay ang paglikha ng Vietnam-era Prisoner of War film Rescue Dawn. Si Elton Brand ay dumalo sa premiere ng palabas sa Toronto Film Festival.

  1. http://www.nba.com/news/brand_sportsmanship_060430.html
  2. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-08-11. Nakuha noong 2007-08-26.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)

Kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Sinundan:
Antawn Jamison
Naismith College Player of the Year (Men)
1999
Susunod:
Kenyon Martin
Sinundan:
Antawn Jamison
John R. Wooden Award (Men)
1999
Susunod:
Kenyon Martin
Sinundan:
Antawn Jamison
ACC Male Athlete of the Year
1999
Susunod:
Joe Hamilton
Sinundan:
Michael Olowokandi
NBA first overall draft pick
1999 NBA Draft
Susunod:
Kenyon Martin
Sinundan:
Vince Carter
NBA Rookie of the Year
2000 with Steve Francis
Susunod:
Mike Miller
Sinundan:
Grant Hill
NBA Sportsmanship Award
2006
Susunod:
Luol Deng

Padron:1999 NBA Draft Padron:NBA NumberOne Draft Picks