Emilio Antonio
Emilio Antonio | |
---|---|
Trabaho | manunulat |
Si Emilio Martinez Antonio ay isinilang sa Bambang, Bulacan noong 11 Disyembre 1903. Isa siyang kinilalang mahusay na makata at nobelista. Ibinigay sa kanya ang karangalang Hari ng Balagtasan noong taong 1954 nang talunin niya ang nobelistang si Nemesio Caravana na isa ring makata sa isang balagtasang ginanap sa Philippine International Fair sa Maynila.
Si Mar Antonio ay pinarangalan din bilang Poet Laureate ng Liwayway Magasin noong 22 Mayo 1938. Nagbigay sa kanya ng karangalang ito ang kanyang tulang may pamagat na Ang Nayon Ko. Sa taong iyon ay natamo niya ang karangalang Makata ng Diwang Ginto.
Binawian siya ng buhay sa kanyang tahanan sa Quiapo, Maynila noong 13 Mayo 1967.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.