Pumunta sa nilalaman

Emma, Lady Hamilton

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Emma Hart, na dating nakikilala bilang Emma Hamilton, at ipinanganak bilang Amy Lyon.

Si Emma, Lady Hamilton, na may kahulugang "Emma, Binibining Hamilton" (ipinanganak noong 26 Abril 1765; bininyagan noong 12 Mayo 1765; namatay noong 15 Enero 1815), ay higit na nakikilala bilang kabit o kalaguyo ni Lord Nelson (Panginoong Nelson), at ang musa (sa diwa na panlipunang moderno) ni George Romney. Ipinanganak siya bilang Amy Lyon sa Ness na malapit sa Neston, Cheshire, Inglatera, na anak ng panday na si Henry Lyon, na namatay noong si Lady Hamilton ay dalawang buwan pa lamang ang edad. Pinalaki siya ng kaniyang inang nakikilala dati sa pangalang Mary Kidd sa Hawarden, na walang edukasyong pormal. Sa pagdaka, pinalitan ni Lady Hamilton ang kaniyang pangalan upang maging Emma Hart.


TalambuhayKasaysayanInglatera Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Kasaysayan at Inglatera ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.