Pumunta sa nilalaman

Emperador Sakuramachi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Emperador Sakuramachi
桜町天皇
Emperador ng Hapon
Panahon 13 Abril 1735 – 9 Hunyo 1747
Sinundan Nakamikado
Sumunod Momozono
Mga Shōgun Tokugawa Yoshimune
Tokugawa Ieshige
Asawa Nijō Ieko
Anak
Pangalan pagkamatay
Tsuigō:
Emperador Sakuramachi (桜町院 or 桜町天皇)
Lalad Imperial House of Japan
Ama Emperor Nakamikado
Ina Konoe Hisako
Kapanganakan 8 Pebrero 1720(1720-02-08)
Kyoto, Tokugawa shogunate
Kamatayan 28 Mayo 1750(1750-05-28) (edad 30)
Kyoto, Tokugawa shogunate
Libingan Tsuki no wa no misasagi, Kyoto

Si Teruhito ang ika-15 Emperador ng Hapon ng umupo sa Trono ng Krisantemo siya ay mas kilala bilang Emperador Sakuramachi.

Umupo siya sa loob ng 12 taon sa trono mula noong ika-13 ng Abril ng taong 1735 hanggang ika-9 ng Hunyo ng taong 1747. Ang kanyang titulo bago siya umupo sa trono ay Prinsipe Waka (Waka-no-miya).

Si Teruhito ay ipinanganak noong ikawalo ng Pebrero ng taong 1720. Ang ama niya ay si Emperador Nakamikado at ang kanyang ina ay si Hisako Konoe. Siya ang panganay na anak.

Nagkaroon siya ng tatlong anak sa dalawang babae. Kay Ieko Nijou na isang Lakambini ng Korte naging anak niya si Prinsesa Sakariko at si Prinsesa Toshiko na naging Emperador (Emperatris) Go-Sakuramachi ang huling babae na umupo sa Trono ng Krisantemo. At kay Sadako Anekouji na isang Lakambining Nag-iintay ay isinalang naman si Prinsipe Toohito na naging si Emperador Momozono.

Nang taong 1728, iniluklok siya bilang Prinsipeng Tagapagmana na Imperyo. At pitong taon pagkatapos nito (1735), ipinaubaya ng kanyang amang si Emperador Momozono ang trono sa kanya. Pero isang dosenang taon lang siya sa trono at ipinaubaya na niya ito sa kanyang anak na si Toohito (Emperador Momozono). Tatlong taon lang pagkatapos niya ng pagpapaubaya sa Trono ng Krisantemo ay namatay na kaagad itong si Teruhito. Trenta anyos lang siya noon..

Sinasabing siya ang reincarnation ni Prinsipe Shotoku. Sa Suporta ni Sugun Tokugawa Yoshimune pinagtrabahuan ni Teruhito na maibalik ang mga seremonya ng Korte ng Imperyo ang dalawa sa mga ito ay ang Daijousai (Pag-aalay ng Palay ng Bagong Luklok na Emperador) at ang Saijousai (Pag-aalay ng Bagong Palay ng Emperador).

Kilala din siyang manunulat ng tanka, isang uri ng tulang Hapon.

Apat na nengo ang dumaan sa buhay ni Teruhito. At ito ay ang