Encantadia

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Encantadia
Encantadia dvd.jpg
Uri Telefantasya: aksyon, pakikipagsapalaran, drama, pantasya, romansa
Gumawa Suzette Doctolero
Bansang pinagmulan Pilipinas
Bilang ng mga kabanata Unang Aklat: 160 kabanata
Pangkalahatan (Aklat 1,2 & 3): 258 kabanata
Paggawa
Oras ng pagpapalabas 30-45 Minuto
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilan GMA Network
Orihinal na pagtakbo Mayo 2, 2005Disyembre 9, 2005
Mga ugnay
Opisyal na websayt

Ang Encantadia ay isang pantasyang teleserye (telefantasya) na palabas ng GMA Network. Trilohiya ang seryeng ito at sinundan ng Etheria at Encantadia: Pag-ibig Hanggang Wakas. Noong 2016, ang Encantadia ay muling ginawa bilang bagong kuwento at ipapalabas muli sa GMA Network.

Ang kathang-isip na mundo ng Encantadia[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Kaharian ng Encantadia ay nahahati sa apat na kaharian:

Lireo[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang mga taga-Lireo ay tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin. Ito ay itinatag ng unang Reyna ng Lireo na si Cassiopea. Si Cassiopea rin ang tumulong sa pagkawala ng Etheria at kasama sa konseho ng Encantadia. Sa simula ng serye si Mine-a kung saan ay sinundan ng kanyang anak na babae na si Amihan, na kalaunan ay humalili sa kanya bilang bagong Reyna ng mga diwata. Si Pirena ay nagkaroon ng matingding hangarin maagaw ang korona na dapat ay sa kanya, kaya nagtagumpay siya kunin ang brilyante ng apoy sa mga diwata. Doon nagsimula ang unang digmaan sa Lireo.

Sapiro[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Sapiro ay makikita sa hilagang bahagi ng Encantadia. Sila ang tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa. Ito ay itinatag ni Haring Meno ng Sapiro. Si Haring Meno ay kasama sa konseho ng Encantadia. Kapatid ni Asval na tumulong kay Ybrahim para malaman ang itinatagong lihim ng kaharian ng Sapiro. Nagkaroon ng anak na si Armeo na naging sumunod na Hari ng Sapiro, at nagkaroon sila ni Amihan ng anak na nagngangalang Lira. Nagkaroon din siya ng anak kay Alena. Una si Kahlil subalit namatay siya at sumunod si Armea.

Adamya[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Adamya ay matatagpuan sa timog na bahagi ng Encantadia. Ang mga taga-Adamya ang tagapangalaga ng Brilyante ng Tubig. Ang Adamya ay pinamumunuan ni Aegen. Ang mga naninirahan dito ay kilala silang kaliitit at pala-kaibigan.

Sa unang umaga ng pagbagsak ng Etheria, naglaho si Aegen at sa kanyang puwesto ay pumalit ang dalawang magkapatid na nagngangalang Imok at Imaw. Mayroong hawak si Imaw na isang tungkod na nagpapakita ng mga maaring hinaharap o kasalukuyan ng isang magaganap.

Hathoria[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Hathoria ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Encantadia. Nang pinatay ng ama ni Hagorn ang kanyang lolo, doon nagsimula ang paghihiganti ng mag-ama kinalaban nila si Mine-a pero hindi sila nagwagi sa digmaan pinatay ni Raquim ang ama ni Hagorn at pinatay din ni Hagorn ang ama ng pangalawang Sang'gre at doon kumampi si Pirena ang tagapangalaga ng Brilyante ng Apoy na ginusto ni Hagorn na mapunta sa kanya ang lahat ng brilyante pero hindi sya nagtagumpay.

Panlabas na link[baguhin | baguhin ang batayan]