Pumunta sa nilalaman

Encantadia (seryeng pantelebisyon ng 2016)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sanggre's
Glaiza de Castro (Pirena, 2016)
Kylie Padilla (Amihan, 2016)
Gabbi Garcia (Alena, 2016)
Sanya Lopez (Danaya, 2016)

Encantadia ay isang papalapit na  pampantasyang Filipino na seryeng pantelebisyon  na isasahimpapawid ng GMA Network. Ito ay tinaguriang bilang makabagong requel (retelling-sequel/karugtong na muling-pagsalaysay) sa seryeng pampantasya noong 2005 na Encantadia.[1] Ang palabas ay itinakdang isasahimpapawid sa Hulyo 18 2016 sa bloke ng GMA Telebabad ng network, at isasahimpapawid din sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV.[2]

Ang mga bagong sang'gre, tagapag-ingat ng apat na hiyas o brilyante, ay inihayag noong 4 Abril 2016. Si Kylie Padilla ay gaganap sa papel ni Amihan, si Alena ay isasapapel ni Gabbi Garcia, si Sanya Lopez ay si Danaya habang si Glaiza de Castro ay tatanggap sa papel ni Pirena.[3]

Mga tauhan at mga karakter

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pangunahing mga tauhan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Kylie Padilla bilang si Amihan, ang taga-ingat ng hiyas o brilyante ng hangin. Si Amihan ay humalili sa kanyang inang si Mine-a bilang Reyna ng Lireo, at ang pinakadalubhasang mandirigma sa kanilang magkakapatid.
  • Glaiza de Castro bilang si Pirena, ang taga-ingat ng hiyas o brilyante ng apoy. Bilang panganay sa apat na magkakapatid, siya ang pinakamarunong at ang mapaglunggati. Pinaghandaanan niya lagi ang kanyang sarili na sa isang araw ay maging Reyna ng Lireo ngunit siya ay nilamon ng kanyang pagkamuhi, lalo na sa kanyang kapatid na si Amihan.
  • Gabbi Garcia bilang si Alena, ang taga-ingat ng hiyas o brilyante ng tubig. Si Alena ay biniyayaan ng magandang tinig na kayang magparalisa o pumatay ng kaaway.
  • Sanya Lopez' bilang si Danaya, ang bunso sa magkakapatid at ang taga-ingat ng hiyas o brilyante ng lupa. Si Danaya ay may abilidad na makipag-usap sa mga hayop at mga halaman, at pagalingin din ang sugatan. Siya ay nakahiligang at madalas nasasalpukan sa panganay na kapatid, si Pirena.

Pangalawang mga tauhan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Natatanging pakikilahok

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Llemit, Kathleen (8 Enero 2016). "What's on TV for 2016". trbune.net.ph. The Daily Tribune. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Enero 2016. Nakuha noong 31 Marso 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "'Encantadia' to return in 2016". philstar.com. The Philippine Star. 6 Nobyembre 2015. Nakuha noong 29 Marso 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Mariñas, Niza (4 Abril 2016). "GMA Network reveals cast of 'Encantadia' requel". cebudailynews.inquirer.net. Cebu Daily News. Nakuha noong 5 Abril 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)