Christian Bautista
Christian Bautista | |
---|---|
Kabatiran | |
Pangalan noong ipinanganak | Christian Joseph Morata Bautista |
Kapanganakan | 19 Oktubre 1981 |
Pinagmulan | Imus, Philippines |
Genre | Pop, P-pop |
Trabaho | Singer, Actor, Host, Model |
Instrumento | Vocals |
Taong aktibo | 2003–present |
Label | Warner Music Star Music Universal Records (Philippines) Aquarius Musikindo (Indonesia) |
Website | ChristianBautistaOnline.com |
Christian Joseph Morata Bautista (ipinanganak 19 Oktubre 1981), mas kilala sa kanyang screen name na Christian Bautista ay isang Pilipinong mang-aawit, artista, host, at modelo. Isa siya sa mga finalist ng Star In A Million, isang patimpalak sa kantahan na ipinalabas sa ABS-CBN, na kung saan siya ay nagkamit ng ikaapat na gantimpala noong 2003. Pagkatapos ng paligsahan, siya ay pumirma ng kontrata sa ilalim ng Warner Music Philippines [1] at inilabas ang kanyang kauna-unahang album na pinamagatan alinsunod sa kanyang pangalan, ang Christian Bautista. Ang multi-platinum album na ito ang nagtatag sa kanyang pangalan bilang isang ganap na OPM artist na naglalaman ng mga awitin tulad ng "The Way You Look At Me", "Colour Everywhere" at "Hands To Heaven" na siyang nanguna sa mga tsart o countdown. Ang mang-aawit na ito ay nagkamit ng katanyagan hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang mga bansa sa Timog-silangang Asya gaya ng Indonesia, Singapore, Malaysia at Thailand. [1]
Ang mang-aawit na ito rin ay nakipagtambal sa kanyang mga kapwa mang-aawit na Pilipino gaya nina Nina, Sitti, Rachelle Ann Go, Sarah Geronimo, Sheryn Regis, Erik Santos at Mark Bautista. Siya ay regular na lumalabas sa ABS-CBN sa palabas na ASAP Rocks.
Sa kasalukuyan, si Bautista ay abala sa paggawa ng kanyang palabas na "The Kitchen Musical" kasama niya rito si Karylle, at iba pang mga Filipino sa Singapore.
Karera ng buhay at musika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagkamusmos at kabataan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Bautista ay ipinanganak sa Maynila, Pilipinas noong 19 Oktubre 1981.[2] Siya ang panganay sa tatlong anak ni Jo at Ebert Bautista. Ang kanyang mga kapatid, na parehong lalaki, ay nagngangalang Jordan James Bautista na nag-aral sa Ateneo De Manila at Joshua Daniel Bautista, na isang guro sa Ingles. Siya ay isang miyembro ng koro/choir sa kanilang simbahan mula noong siya ay pitong taong gulang pa lamang.[2]
Si Bautista ay nag-aral ng elementarya at high school sa International Christian Academy, kung saan nag-aral din ang iba pang mga Pilipinong aktor tulad ni Ryan Eigenmann, Geoff Eigenmann, Rico Yan at Billy Joe Crawford. Pagkatapos, siya ay kumuha ng kursong landscape architecture sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, at nakapagtapos ng may Bachelor of Arts degree.[2] Siya ay isang manlalaro ng table tennis ng pangunahing koponan ng kanyang kolehiyo bago siya nagsimulang tumutok sa pag-awit at pumasok ng showbiz.[3] Sumali siya sa ABS-CBN Star in a Million noong 2003.
2003-2004:Star In A Million at ang album na Christian Bautista
[baguhin | baguhin ang wikitext]Unang paglabas niya sa paligsahan ng ABS-CBN na Star In A Million na kung saan siya ay sumikat sa kabila ng pagkabigo sa pagiging kampeon, ay naging maganda ang takbo ng kanyang buhay. Ang kanyang magandang hinaharap ay lalo pang naging sigurado matapos kumita ang kanyang album sa ilalim ng Warner Music Philippines.[4][5][6] Sa pamamagitan ng pakikipagtulungang ito nagawa ang kahanga-hangang awiting "The Way You Look At Me, [7] "at tuluyan na ngang nag-iba ang buhay ng 25-taong gulang na binatang ito na Landscape Architecture graduate mula sa Unibersidad ng Pilipinas. Ang kanyang sariling pinamagatang album,[8] kung saan isinasagawa ang kanyang unang sariling awitin, ay umabot sa Multi-platinum status sa Pilipinas, at Indonesia.[9]
Ang awiting “The Way You Look at Me” na nagpasimula ng internasyonal na kasikatan ni Christian ay inilabas noong 12 Disyembre 2004, at naging isa sa mga pinakamadalas na pinapatugtog sa mga estasyon ng radyo sa Indonesia. Ang awiting ito ay naging isang instant hit sa mga kabataan sa nasabing bansa, kahit na hindi pa nila lubusang kilala ang mang-aawit sa likod nito.
Ang kanta,ay isinulat ng mga Amerikanong kompositor na sina Andrew Fromm at Keith Follese. Sa sobrang pagiging tanyag ng awitin sa Warner Indonesia ay nagpasya na silang imbitahin at dalhin si Christian doon para sa kasiyahan ng mga tagahanga. At dahil sa todo-todong suporta para sa mang-aawit na Pilipino ay lumago pa at kumalat ang popularidad nito maging sa mga kalapit bansa.
2005: Completely
[baguhin | baguhin ang wikitext]"Completely", ang pinakapinanabikang pangalawang album ni Christian Bautista,[5][6][10] ay nakatanggap agad ng isang platinum Record Award sa unang linggo pa lamang ng paglalabas nito sa Pilipinas.[9] Ang album ay naglalaman ng mga awiting "Everything You Do", "Invincible", at "She Could Be" na isang kantang binigyang bersiyon naman ng mang-aawit na si Corbin Bleu, na nakilala sa kanyang pagganap sa pelikulang High School Musical.[11] Naabot na rin ng Completely ang platinum status maging sa Indonesia.
Sa Pilipinas, ang "Completely" ay inilabas sa iba't ibang mga bersiyon. Ang unang paglalabas ng album ay sa isang DigiPack, pagkatapos ang sumunod naman ay sa isang standard na bersiyon.
Ang isang espesyal na edisyon ng album na "Completely", na kung saan pinagsama-sama ang mga awiting Ingles ni Christian Bautista mula sa kanyang unang album at ikalawang album, ay kamakailan-lamang inilunsad sa Singapore. Ang kanyang tanyag na awiting "The Way You Look Me" ay nanguna rin sa mga tanyag na estasyon ng radyo sa Lion City [kailangan ng sanggunian] .
Sa unang bahagi ng taong 2006, ang pinakamalaking estasyon sa telebisyon ng Indonesia, ang RCTI, ay ipinalabas ang "Completely: Christian Bautista", ang pinakaunang TV special ng mang-aawit sa Indonesia. Si Christian ay nagpalabas kasama ang mga pinakamalalaking pangalan sa industriya ng musika sa Indonesia - sikat na 40-piece Magenta Orchestra, ang batang henyo sa musika Andi Rianto, at dalawang female divas ng bansa, Krisdayanti at Titi DJ.
Noong Hunyo 2006, si Bautista ay kabilang sa Kampanerang Kuba, isang panta-serye sa telebisyon na ipinapalabas ng ABS-CBN sa Pilipinas, at ginagampanan ang isa sa mga pangunahing papel.[12]
Bilang napakarami niyang mga tagasunod at tagahanga sa Indonesia, si Bautista ay kinuha ng San Miguel Corporation na mag-endorso ng kanilang mga bagong produktong inumin sa rehiyong Asya, simula sa Indonesia. Inindorso rin ni Christian ang isang bagong mobile content provider sa Jakarta, ang Star SMS, at sa kinalaunan pati na rin ang mga produkto ng Oishi sa Pilipinas, at Indonesia.
Sa Pilipinas naman, ineendorso niya ang damit at pabango ng Bench, ang St Augustine School of Nursing, Smart telecommunication, Trumpets Musicademy, mga produkto ng Bed Head, Skechers, at mga relo ng Swatch.
2006-2007:Just A Love Song...Live! and Inspired Tour
[baguhin | baguhin ang wikitext]Inilabas ni Bautista ang kanyang ikatlong pangunahing album, Just A Love Song ... Live! taong 2006 sa ilalim din ng Warner Music Philippines.[5][5][6][13][14] Ang album na ito na kanyang unang live album [15] ay binubuo ng mga sari-saring lumang love songs at ito ay ni-record ng live mula sa Teatrino Bar sa Greenhills kasama ang ilang tagapanood, na karamihan ay espesyal na inanyayahan mismo ng mang-aawit.[16] Kasunod ng tagumpay ng live album ay ang paglalabas ng kanyang kauna-unahang live DVD na may parehong pamagat sa unang bahagi ng 2007.
Ang kauna-unahang pagkakataon ni Bautista bilang isang aktor ng pelikula ay nagsimula sa Regal Entertainment noong 2006 na kalahok sa Metro Manila Film Festival Mano Po 5: Gua Ai Di . Sa pelikulang ito na ayon sa direksiyon ni Joel Lamangan at isinulat nina Abi Lam-Parayno, Dode Cruz at Andrew Paredes, si Christian ay gumanap bilang si Timothy o kilala rin bilang si Felix Yan na isang Asian popstar. Ito ay pinagbibidahan nina Angel Locsin at Richard Gutierrez. Ang kantang "My Heart Has A Mind of Its Own" mula sa "Completely" ay ginamit bilang isa sa mga pangunahing awitin ng pelikula.
Naglunsad siya ng isang 4-city tour sa Indonesia mula noong Enero 26 hanggang 2 Pebrero 2007. Kabilang sa paglilibot na ito ay ang pagbisita sa Jakarta, Makassar, Surabaya, at Bandung.
Noong Oktubre 2007, pinangunahan niya ang isang konsiyerto na pinamagatang "Inspired", sa Cuneta Astrodome kasama sina Gary Valenciano, Tricia Amper Jiménez, Joni Villanueva at Sam Milby.
Gumawa rin siya ng kanta kasama si Rachelle Ann Go na pinamagatang "Pag-ibig Na Kaya?", Ang Filipino version ng "Perhaps Love" (Orihinal na awitin ni Howl & J), na ginamit sa Koreanovelang Princess Hours, na ipinalabas sa ABS-CBN.
Muling inilathala ni Bautista ang kanyang pinakabagong live album na "Just A Love Song... Live "na ngayon ay may kasama ng isang CD compilation ng iba't-ibang mga Kantahing Pamasko.[17]
2008: West Side Story and Captured
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kasama si Bautista sa konsiyerto para sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso noong 13 Pebrero 2007 na pinamagatang "ol 4 Luv" sa Araneta Coliseum kasama sina Rachelle Ann Go, Erik Santos at Sarah Geronimo.
Ang Live album ni Bautista, "Christian Bautista Just A Love Song... Live! " ay malapit nang magkaroon ng Double platinum mark lalo na pagkatapos maipalabas ang panibagong edisyon nito na naglalaman ng kanyang muling pag-awit ng orihinal na awitin ni Gary Valenciano na "Pasko Na Sinta Ko" pati na rin ang iba pang mga Pamaskong kanta.
"Ang Christian Bautista Show," isang musical talkshow na ipinapalabas sa Makisig Network, ay naipakita ang talento ng mang-aawit maging sa pagho-host at pagiging multi-brand endorser.
Nanalo rin si Bautista bilang "Favorite Musical Artist Act" sa kauna-unahang Nickelodeon Kids Choice Awards Philippines 2008.
Kasama ang Pilipinang mang-aawit na si Karylle, si Bautista din ay naging isang bahagi ng dulang "West Side Story" noong 2008.
Noong Hulyo 2008, ang ikatlong studio album ni Bautista na "Captured" ay inilabas. Tampok sa album na ito ay ang Bossa Nova singer na si Sitti.
2009: Romance Revisited
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 2009, inilabas ni Bautista ang kanyang huling awitin para sa Captured, ang Limutin Na Lang na ibinibida ang Music Video na naglalaman ng kanyang mga video at mga larawan mula sa kanyang nakaraang mga album/album tours.
Noong 2009, si Christian Bautista ay naglabas ng kanyang pinakaunang compilation, "The Platinum Collection", na kung saan tampok ang kanyang mga nakalipas na kanta sa kanyang album, ito na ang kanyang huling album sa ilalim ng Warner Music Philippines.
Agosto 2009 nang si Bautista ay lumipat sa Universal Records. Ang kanyang unang proyekto sa ilalim nito ay isang album na naglalaman ng 19 na awiting orihinal na inawit ni Jose Mari Chan. Ang album na may pamagat na Christian Bautista-Romance Revisited ay nanguna agad sa mga tsart pagkatapos nito mailathala. Ang album na ito ay naglalaman ng mga duets ni Bautista kasama ang popular na pop star na si Sarah Geronimo, Lani Misalucha, at Regine Velasquez na minsan na ring gumawa ng sariling bersiyon ng mga kantahin ni Chan.[18]
Noong Nobyembre 2009, si Bautista ay isa sa mga bisita sa Sarah Geronimo's Record Breaker Concert na kung saan kinanta nila ang Please Be Careful With My Heart. [19]
2010: Asian Pop Superstar at Kasalukuyang Career
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Pebrero 2010, si Bautista ay lumitaw muli sa "Dahsyat", isang Indonesian Variety Show sa RCTI sa Jakarta, Indonesia kung saan nakipag-duet siya sa mang-aawit na Indonesian na si Bunga Citra Lestari, sa bersiyong Indonesian ng Please Be Careful With My Heart. Siya ang una at kaisa-isang Pilipinong mang-aawit na lumabas sa isang Indonesian TV show.
Noong Nobyembre 2010, inilabas ni Bautista ang kanyang pang-pitong album at pinaka-unang Christmas Album sa ilalim ng Universal Records na pinamagatang, A Wonderful Christmas. Noong 2 Disyembre 2011, ang album ay minarkahang Diamond ayon sa PARI, isang taon pagkatapos nito maipalabas.
Teatro
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang produksiyon ng The Lion, The Witch & The Wardrobe ang pinakamalaking break ni Christian Bautista sa pag-arte. Nakakuha siya ng mga papuri mula sa mga kritiko para sa kanyang pag-arte.
- 2002: The Lion, The Witch & The Wardrobe
- 2002: Joseph The Dreamer
- 2008: West Side Story
Discography
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Studio Albums[baguhin | baguhin ang wikitext]
|
Iba pang mga Album[baguhin | baguhin ang wikitext]
|
dvd1ff
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 2011: Romance Revisited: The Music Video Collection
Tampok sa mga CD releases ng iba pang mga artista/mang-aawit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Filmography
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pamagat | Papel | Mga Tala |
---|---|---|---|
2003 | Star in a Million | katulad nila. | 3rd runner-up mula sa kampeong si Erik Santos |
2004 | ASAP | katulad nila. | 2004-kasalukuyan |
2005 | Kampanerang Kuba | Lorenzo | Pangunahing papel |
2006 | Your Song | Miguel | Episode "If You Walk Away" |
Mano Po 5: Gua Ai Di (I Love You) | Timothy / Felix Yan | Tampok sa pelikula | |
2008 | The Christian Bautista Show | katulad nila. | Host |
2009 | Your Song Presents: Feb-ibig | Arnold | Episode "I'll Never Get Over You, Getting Over Me" |
Kimmy Dora | Tagapagsilbi | Tampok na pelikula | |
2010 | Kulilits | Kanyang sarili | Guest star (1 episode) |
Take Me Out (Indonesia) | Kanyang sarili | Guest star (1 episode) | |
Your Song Presents: Beautiful Girl | James | Pangunahing papel | |
2011 | Star Power | Kanyang sarili / Host | |
A Special Symphony | Jayden | Agosto (Pilipinas); Naghihintay Ilabas (Indonesia) | |
The Kitchen Musical | Daniel Ray | Naghihintay Ilabas |
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Christian Bautista - Wow! Naka-arkibo 2019-09-21 sa Wayback Machine.Sikat na tao Naka-arkibo 2019-09-21 sa Wayback Machine.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 "Christian Bautista Biography on IMDB". IMDB. Nakuha noong 2008-09-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Christian Bautista's interview for the UP Fighting Maroons Web Portal". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2011-08-31. Nakuha noong 2008-09-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Enriquez, Clarra (18 Marso 2004). "Christian Bautista's Star Rises". MTV Asia. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 19 Nobyembre 2005. Nakuha noong 2008-09-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2 5.3 "Christian Bautista Profile". Official Christian Bautista Website. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-10-05. Nakuha noong 2008-09-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 6.2 "Christian Bautista Discography". Official Christian Bautista Website. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-10-05. Nakuha noong 2008-09-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Christian Bautista album profile sa TitikPilipino.com
- ↑ Kaye Villagomez (28 Setyembre 2004). "Christian Bautista launches album in A.S.A.P. today". Manila Bulletin. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 7 Hulyo 2004. Nakuha noong 2008-09-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 9.0 9.1 Enriquez, Clara (30 Disyembre 2005). "Christian Bautista Takes On Asia". MTV Asia. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-03-08. Nakuha noong 2008-09-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ganap na album profile sa TitikPilipino.com
- ↑ Another Side (Corbin Bleu album)
- ↑ Kampanerang Kuba
- ↑ Jojo P. Panaligan (2007-02-04). "Christian Bautista woos CD buyers back with 'Love Song'". Manila Bulletin. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 27 Setyembre 2008. Nakuha noong 2008-09-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Just a Love Song... Christian Bautista, Live!". Original Pinoy Musikahan. 23 Enero 2007. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-04-11. Nakuha noong 2008-09-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Just A Love Song...Live!
- ↑ Just A Love Song...Live! impormasyon ng album sa TitikPilipino.com
- ↑ Just A Love Song Live! Special Christmas Edition
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-04-16. Nakuha noong 2012-04-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.pep.ph/news/23793/Sarah-Geronimo
Panlabas na mga koneksiyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Opisyal na Site Naka-arkibo 2012-04-16 sa Wayback Machine.
- Christian Bautista sa Internet Movie Database
- Articles with links needing disambiguation (Enero 2012)
- Ipinanganak noong 1981
- Christian Bautista
- Mga Taong nagmula sa Cavite
- Mga Pilipino
- Mga Pilipinong aktor
- Mga Tagalog
- Mga Pilipinong mang-aawit na lalaki
- Mga lalaking modelo sa Pilipinas
- Mga Pilipinong personalidad sa telebisyon
- Mga aktor ng Cavite
- Mga Pilipinong Kristiyano
- Mga Pilipinong evangelicals
- Mga Pilipinong Pentecostals
- Alumni ng Unibersidad ng Pilipinas