Pumunta sa nilalaman

Angel Locsin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Angel Locsin
Si Angel Locsin noong 2008
Kapanganakan
Angelica Locsin Colmenares Solis

(1985-04-23) 23 Abril 1985 (edad 39)
TrabahoAktres, Modelo, Prodyuser ng pelikula
Aktibong taon2002–kasalukuyan
Websitehttp://www.angellocsin.com.ph

Si Angel Locsin (ipinanganak bilang Angelica Locsin Colmenares noong 23 Abril 1985) ay isang artistang Pilipino. Gumanap siya bilang Darna ng GMA Network. Nagtambal sila ni Richard Gutierrez sa pelikulang Let The Love Begin.

Personal na buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Angel Locsin bilang Angelica Colmenares noong Abril 23, 1985.[1][2] Ang kanyang ama ay si Angelo Colmenares.[3]

Ikinasal sina Angel Locsin at Neil Arce noong 2021.[4][5]

Tumutulong si Angel Locsin sa Philippine Red Cross sa mga relief operations at pagpapakete ng mga relief goods simula pa noong 2009 noong nanalasa ang Bagyong Ondoy. Siya din ay aktibong tagapagtaguyod ng pagbibigay ng dugo bilang donasyon. Siya mismong ay nagbibigay na ng sapat na dami ng dugo para tawagin siyang isang Blood Galloner.[6]

Noong kanyang kaarawan noong Abril 23, 2021 ay nagbukas ng sariling community pantry si Angel Locsin na katulad ng isang mini-grocery para higit na marami ang mailagay at mas maraming tao ang matulungan.[7]

Ang inisyatibang "Unitent We Stand PH" ni Angel Locsin noong 2020 ay nakakalap ng P11.35 milyon, nakapagtayo ng 246 na mga tent at nakatulong sa 135 na mga ospital. Bukod sa mga tent ay nakapagbigay ito ng mga PPE at iba pang mga pangangailangan ng mga pasyente at ng mga frontliners upang matugunan ang hamon sa pagsisikip sa mga ospital, at upang makatulong sa pagbawas ng pagtaas ng pagkalat ng virus sa mga ospital.[8]

Nagbahagi din ng pagkain si Angel Locsin sa Philippine Coast Guard Task Force Laban COVID-19 habang ang mga ito ay nagpapatrolya sa Lungsod ng Taguig noong 2020.[9]

Noong 2020 ay nag-usap sina Angel Locsin at ang hepe ng Timog Luzon Command ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na si Tenyente Heneral Antonio Parlade Jr. ukol sa pagred-tag kay Locsin. Malinaw na tinutuligsa ni Angel Locsin ang anumang anyo ng karahasan at terorismo. Sinusuportahan din niya ang lahat ng pagsisikap ng pamahalaan upang mapanatili ang kaligtasan at protektahan ang mga mamamayan nito. Sinabi ni Tenyente Heneral Antonio Parlade Jr. na pinahahalagahan niya ang kontribusyon ni Angel Locsin sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas at ang patuloy nitong adbokasiya na tumulong sa mga mahihirap.[10]

Parangal na natanggap

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ginawaran si Angel Locsin ng Spirit of Philanthropy Award mula sa Philippine Red Cross noong 2021.[11]

Noong 2020 ay kasama si Angel Locsin sa “Leaders of Tomorrow” na listahan ng Gen T ng Tatler Asia dahil sa walang sawa nitong mga gawaing mapagkawanggawa sa larangan ng edukasyon at edukasyon, pati na rin tungkol sa karahasan sa tahanan.[12]

Noong 2019 ay isa si Angel Locsin sa tatlumpu na “Altruists In The Asia Pacific Region” ng Forbes para sa pagsuporta nito sa mga gawain na tumutulong sa mga biktima ng karahasan, natural na sakuna at kaguluhan sa Mindanao.[13]

Kinilala bilang Best Actress si Angel Locsin ng Gawad Tanglaw (Gawad Tagapuring mga Akademisyan ng Aninong Gumagalaw) para sa telebisyon noong 2015 para sa kanyang pagganap sa "The Legal Wife" at noong 2020 sa kanyang pagganap sa "The General's Daughter".[14][15]

Taon Pamagat Ginampanan Pananda
2000 Click Charley
Ang Iibigin Ay Ikaw Mariella
2003 Ang Iibigin Ay Ikaw Pa Rin Mariella
Twin Hearts Sweetheart
Love To Love Chara/Charina Episodyo: "Kissing Beauty"
2004 All Together Now Tetet
SOP Herself/Host
Magpakailanman Jhunnalyn dela Peña Episodyo: "Sa Kabila ng Kanyang Pamamaalam"
Mulawin Alwina
2005 Initial D Fourth Stage Kyoko Iwase Boses lamang
Darna Darna/Narda
2006 Majika Sabina Nanomina—Star Award para sa Pinakamahusay na Aktres sa Drama ng Telebisyon
Tokyuu Shirei Solbrain Reiko Higuchi Boses lamang
2007 Asian Treasures Gabriella Agoncillo Nanomina—Star Award para sa Pinakamahusay na Aktres sa Drama ng Telebisyon
2007–present ASAP Performer/Host
2007 Maalaala Mo Kaya Melody Episodyo: "Pilat"

Star Award para sa Telebisyon para Pinakamahusay na Nag-iisang Pagganap ng isang Aktres

2008 Lobo Lyka Raymundo-Ortega Multimedia Award sa Ani ng Dangal
Asian Star Entertainment Global Excellence Award para sa Pinakanamumukod-tanging Aktres
Natatanging Medalyang Papuri para sa Nominasyon ng Pinakamahusay na Aktres sa Emmy Awards
Nanomina—International Emmy Award para sa Pinakamahusay na Pagganap ng isang Aktres[16]
Nanomina—Star Award para sa Telebisyon para sa Pinakamahusay na Aktres sa Drama
2009 Only You Jillian Mendoza Nanomina—Star Award para sa Telebisyon para sa Pinakamahusay na Aktres sa Drama
Maalaala Mo Kaya Nemie Episodyo: "Blusa"
Philippine Psychiatric Association SiSA Award para sa Namumukod-tanging Aktres sa isang Dramang Pagganap
2010 Imortal Lia Ortega-Rodriguez/Lyka Raymundo-Ortega Nanomina—Golden Screen Award para sa Namumukod-tanging Pagganap ng isang Aktres sa isang Seryeng Drama
Nanomina—Star Award para sa telebisyon para Pinakamahusay na Aktres ng Drama
Maalaala Mo Kaya Jenna Episodyo: "Litrato"
Nanomina—Star Award para sa Telebisyon para sa Pinakamahusay na Nag-iisang Pagganap ng isang Aktres
2011 100 Days to Heaven Tagabantay (isang nars)
2011–2013 Toda Max Isabel Padausdos Nanomina—Golden Screen Award para sa Namumukod-tanging Pagganap ng isang Aktres sa isang Programang Gag o Komedya
Nanomina—Star Award para sa Telebisyon para sa Pinakamahusay na Aktres ng Komedya (2012)
Nanomina—Star Award para sa Telebisyon para sa Pinakamahusay na Aktres ng Komedya (2013)
2012 Wansapanataym Abby Episodyo: "Ang Kulay ng Pasko"
2013 It's Showtime Kanyang-sarili/Host
Maalaala Mo Kaya Mildred Episodyo: "Mask"
2014 The Legal Wife[17] Monica Santiago-de Villa Pinkamahusay na Aktres ng Drama ng EdukCircle
Pinkamahusay na Aktres sa Ika-4 na OFW Gawad Parangal
Pinkamahusay na Aktres sa ika-13 Gawad Tanglaw para sa Telebisyon
Pinkamahusay na Aktres sa Ikalawang Paragala
Pinkamahusay na Aktres sa Northwest Samar State University Visionary Awards
Nanomina—Star Award para sa Telebisyon para sa Pinakamahusay na Aktres ng Drama
Nanomina—Pinkamahusay na Aktres sa KBP Golden Dove Awards
Promil Pre-school i-Shine Talent Camp Mentor/ Teacher
2015 Maalaala Mo Kaya Suzette Tucay Episodyo: "Plano"
Episodyo: "Watawat"
2016 Pilipinas Got Talent (season 5) Hurado
2017 "Maalaala Mo Kaya" Roma Tarub "Picture" (Pangunahing kontrabida)
Samina "Kotse- kotsehan"
Mulawin vs. Ravena Alwina Maikling paglitaw/arkibo mula sa pelikula
La Luna Sangre Amalia "Lia" Rodriguez
Jacintha Magsaysay
Natatanging partisipasyon
Pangunahing Tauhan / Bida / Kontrabida
2018 Pilipinas Got Talent (season 6) Hurado
2019 The General's Daughter Rhian Bonifacio/Arabella de Leon
2020 Iba 'Yan Host
Taon Pamagat Ginampanan Mga pananda
2000 Ping Lacson: Supercop Batang Robina Gokongwei Krinedito bilang Angelica Culmonares
2003 Mano Po 2 Melissa Entrada sa Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila
2004 Kuya Barbs
Singles Sam
Sigaw Pinky
Mano Po III: My Love Eliza Entrada sa Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila
2005 Let the Love Begin Patricia P124 Million (Estimated Domestic Gross)
Mulawin: The Movie Alwina Entrada sa Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila
2006 I Will Always Love You Cecille P100 million (Estimated Domestic Gross)
TxT Joyce
Mano Po 5: Gua Ai Di Charity
2007 The Promise Andrea de Vera
Angels[18] Angie Prodyuser din
Bahagi: "Angel of Mine"
2009 Love Me Again Arah
2010 My Amnesia Girl MMA Fighter Kameyo
2011 In The Name Of Love Mercedes "Cedes" Fernandez
2012 Unofficially Yours Princess Bricenio
One More Try" Grace Entrada sa Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila
2013 Four Sisters and a Wedding" Alex Salazar
2014 The Amazing Praybeyt Benjamin Young Lilibeth Santos Kameyo
2016 Everything About Her Jaica Domingo
The Third Party Andi Medina

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ranara, John Patrick Magno (Abril 24, 2023). "Dimples Romana pens heartfelt birthday message to Angel Locsin: 'Isa sa pinakamapagmahal na tao ngayon'". Philstar Life. Nakuha noong 2024-03-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  2. T, Generation (Mayo 21, 2021). "Everything You Need To Know About Actor Angel Locsin". Tatler Asia. Nakuha noong 2024-03-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  3. Navalta, Daniel Joseph (2021-02-18). "Angel Locsin celebrates blind father's 94th birthday with simple party at home". Kami.com.ph - Philippines news. Nakuha noong 2024-03-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  4. Quieta, Racquel (Agosto 8, 2021). "IN PHOTOS: Angel Locsin and Neil Arce's relationship timeline". www.gmanetwork.com. Nakuha noong 2024-03-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  5. Almo, Nherz (Agosto 7, 2021). "Angel Locsin and Neil Arce are married!". www.gmanetwork.com. Nakuha noong 2024-03-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  6. Esposo, Joseph (2019-11-04). "Philippine Red Cross | Humanitarian Organization in the Philippines". Philippine Red Cross. Inarkibo mula sa orihinal noong 2024-03-13. Nakuha noong 2024-03-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Garcia, Cara Emmeline (Abril 23, 2021). "Angel Locsin takes community pantry to the next level". www.gmanetwork.com. Nakuha noong 2024-03-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  8. Juan, Ratziel San (2020-04-24). "Angel Locsin raises over P11 million, helps 135 hospitals in fight vs COVID-19". Philstar.com. Nakuha noong 2024-03-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  9. Lariosa, Saab (Abril 23, 2021). "LIST: Angel Locsin's philanthropic efforts during the pandemic". Philstar Life. Nakuha noong 2024-03-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  10. Severo, Jan Milo (Nobyembre 16, 2020). "Angel Locsin, Parlade make peace over red-tagging issue". Philstar.com. Nakuha noong 2024-03-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  11. Bernardino, Stephanie (Enero 18, 2021). "LOOK: Angel Locsin receives Spirit of Philanthropy Award from Philippine Red Cross". Manila Bulletin. Nakuha noong Marso 19, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  12. Hallare, Katrina (2020-10-20). "Angel Locsin is one of Tatler Asia's 'Leaders of Tomorrow' in yearly Gen T list". INQUIRER.net. Nakuha noong 2024-03-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  13. Severo, Jan Milo (Disyembre 3, 2019). "Angel Locsin makes it to Forbes' 'Heroes' list for Mindanao charity work". Philstar.com. Nakuha noong 2024-03-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  14. Corrales, Nestor (2015-01-09). "Angel Locsin, Julia Montes win acting awards in 13th Gawad Tanglaw". INQUIRER.net. Nakuha noong 2024-03-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  15. Biong, Ian (2020-12-24). "'The General's Daughter' bags top acting awards in 18th Gawad Tanglaw". INQUIRER.net. Nakuha noong 2024-03-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  16. Santiago, Erwin. "Angel Locsin and two Filipino telenovelas nominated in the 37th International Emmys". Philippine Entertainment Portal. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 2, 2014. Nakuha noong Abril 8, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "[1]"
[baguhin | baguhin ang wikitext]