Pumunta sa nilalaman

Mulawin (seryeng pantelebisyon)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mulawin vs. Ravena)
Mulawin
Uri
Gumawa
  • Don Michael Perez
  • Dode Cruz
Isinulat ni/nina
  • Don Michael Perez
  • Abi Lam
  • Andrew Paredes
Direktor
Pinangungunahan ni/nina
Kompositor ng temaJay Durias
Pambungad na tema"The Flight" ni Richard Gonzales
Pangwakas na tema"Ikaw Nga" ng South Border
Bansang pinagmulanPilipinas
WikaTagalog
Bilang ng kabanata166
Paggawa
Prodyuser tagapagpaganap
  • Edlyn P. Tallada
  • Helen Rose S. Sese
PatnugotEddie Esmedia
Ayos ng kameraMultiple-camera setup (Maramihang kamera na pagkakaayos)
Oras ng pagpapalabas20-41 minuto
KompanyaGMA Entertainment TV
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanGMA Network
Picture formatSDTV 480i
Orihinal na pagsasapahimpapawid2 Agosto 2004 (2004-08-02) –
18 Marso 2005 (2005-03-18)
Kronolohiya
Sinundan ng
Kaugnay na palabas
Website
Opisyal

Ang Mulawin ay isang telefantasya na palabas ng GMA Network na nagsimulang umere noong Agosto 2, 2004 at natapos noong Marso 18, 2005 na may kabuuang 168 kabanata. Tungkol ang serye sa pagkikipagsapalaran ng mga mabubuting taong ibon na Mulawin at mga masasamang taong ibon na Ravena na gustong maghiganti sa mga tao. Nakasentro din ang palabas sa pag-iibigan nina Aguiluz, isang mandidirigmang Mulawin, at ni Alwina, isang kalahating Mulawin at kalahating tao.

Dinirehe ito nina Don Michael Perez at Dode Cruz at ang mga pangunahing aktor ay sina Richard Gutierrez bilang Aguiluz, Angel Locsin bilang Alwina at Dennis Trillo bilang Gabriel. Sinundan agad ito ng spin-off (o isang palabas na hinango mula sa orihinal), ang Encantadia na sinumulan ang worldbuilding o pagbuo ng mundo ng Mulawin at Encantadia sa kathang-isip na uniberso. Lumitaw ang mga karakter ng Mulawin sa Encantadia. Nagpatuloy ang kuwento ng mga Mulawin sa pelikulang Mulawin: The Movie noong 2005. Nagkaroon uli ng kaugnay na spin-off noong 2011, ang Iglot. Noong 2017 naman, umere ang sequel o kasunod na serye ng Mulawin, ang Mulawin vs. Ravena.[1] Noong 2016, nagkaroon ng muling paglilikha o reboot (tinatawag ng mga muling naglikha ito bilang requel[2]) ang Encantadia at lumitaw din dito ang mga lahing Mulawin.

Sa panahon ng orihinal na pag-ere nito sa Pilipinas noong 2004 hanggang 2005, binasag nito ang tala ng marka o ratings ng primetime (o pangunahing oras) sa telebisyon. Sa matataas na mga punto ng serye, nagkaroon ito ng rating na 49.9% ng mga manonood.[3] Ayon noong 2020 sa mga tala ng AGB Nielsen, nilalagay ang marka o rating ng Mulawin sa ika-33 na puwesto sa pinakamataas na marka para sa isang palabas sa telebisyon sa Pilipinas sa lahat ng panahon.[4]

Mga pangunahing tauhan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Wang, Nickie (2017-05-30). "'Mulawin vs Ravena' is flying low". Manila Standard (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-09-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Acar, Aedrianne (2020-03-19). "Direk Mark Reyes, hindi makapaniwala na muli niyang pino-promote ang requel ng 'Encantadia'". www.gmanetwork.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-09-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Jazmines, Tessa (2005-06-26). "GMA ratings taking wing on lavish flights of fantasy". Variety (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-09-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Anarcon, James Patrick (2020-05-25). "The 12 Top-Rating GMA-7 Teleseryes Of All Time". PEP.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-09-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)