Rico Yan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Si Rico Yan (ipinanganak bilang Ricardo Carlos Castro Yan; Marso 14, 1975 – Marso 29, 2002) ay isang artista sa mula sa Pilipinas. Siya ay nagtapos sa Pamantasang De La Salle noong 1997 sa kursong Marketing Management.

Personal na buhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Naging tagapasalita ng kabataan si Yan ng Kagawaran ng Edukasyon. Siya rin ang nagtayo ng organisasyong Pinoy 'Yan! na naglalayong panatiliing nag-aaral at nagpapahalaga sa edukasyon ang mga kabataan. Tumulong rin siya sa Pundayong "Are You A Forest King" kung saan bumibisita sila sa mga paaralan upang maipakita sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagtatanim ng mga puno.

Bilang isang negosyante, ang mga naipatayo niyang establisyamento ay ang restawran/bar na Tequila Joe's, Orbitz Pearl Shake, kapihang Timbuktu at isa pang restawran na Java Hut.

Naging nobya niya ang artista rin na si Claudine Barretto. Siya rin ang katambal ni Rico sa kanyang naging huling pelikulang Got 2 Believe.

Pagpanaw[baguhin | baguhin ang batayan]

Si Rico Yan ay pumanaw sa gulangna 27 dahil sa acute hemorrhagic pancreatitis noong Marso 29, 2002, Biyernes Santo, sa Dos Palmas Resort, habang nagbabakasyon kasama ang ilang kamag-anak at kaibigan.

Humigit kumulang 10,000 tao ang dumalo sa kanyang libing na ipinilabas sa ABS-CBN. Bahagi ng mga nalikom na pera sa kanyang pelikulang Got 2 Believe at ang lahat ng kinita ng dokumentaryong Forever Young: Remembering Rico kasama ang pelikulang Dahil Mahal Na Mahal Kita ay ibinigay sa Pundasyong Rico Yan.

Pilmograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Pelikula[baguhin | baguhin ang batayan]

Taon Pamagat Ginampanan
1996 Radio Romance Gary Balmaceda
Ama, Ina, Anak Dennis
Madrasta Dodie
1997 Paano Ang Puso Ko? Jason Delgado
Home Along da Riles da Movie 2 Gabriel
Flames: the Movie Joel Bernabe
1998 Dahil Mahal na Mahal Kita Miguel Quirino
Kay Tagal kang Hinintay Alex Medina
1999 Mula Sa Puso: The Movie Gabriel Maglayon
Gimik: The Reunion Ricky Salveron
2002 Got 2 Believe Lorenz Montinola

Telebisyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Taon Pamagat Ginampanan Pananda
1995 - 2002 ASAP Kanyang sarili
1996 - 1999 Gimik Ricardo "Ricky" Salveron Pangunahing pagganap
1996 - 1997 Mara Clara Derrick Gonzales Ikalawang aklat
1996 Maalaala Mo Kaya Nico Pangunahing pagganap; Agua Bendita
Dante Pangunahing pagganap; Valentines Card
Sine Siyete Rico Roses for Tracy
Star Drama Presents Joshua Panauhin; He Loves Me, He Loves Me Not
1996 - 1998 'Sang Linggo nAPO Sila Punong-abala
1997 - 1999 Mula Sa Puso Gabriel Maglayon Pangunahing pagganap
1997 Esperanza Gabriel Panauhin
Wansapanataym Rico Unang episodyo; Ang Mahiwagang Palasyo
Star Drama Presents Carlo Tinanghal na artista; Matinee Idol
 ????? JJ Tinanghal na artista; Rebelde
Marco Tinanghal na artista; Internet
Jake Tinanghal na artista; Take Two
1998 Francis De Leon Tinanghal na artista; Walang Personalan
????? Miguel Tinanghal na artista; Recuerdo
Randy Macaraeg Tinanghal na artista; Gubat sa Likod ng Rehas
Wilfredo Tinanghal na artista; Jose, Reynaldo, Wilfredo
1998 Maalaala Mo Kaya Gerald Robles Pangunahing pagganap; Shades
1999 Kulturang Handog Para Sa Bayan Punong-abala
Flames Sam Pangunahing pagganap; Amerika o Wala
Usapang Business Kanyang sarili Panauhin
1999 - 2001 Saan Ka Man Naroroon Daniel Pineda Pangunahing pagganap
1999 Maalaala Mo Kaya Stephen Pangunahing pagganap; Medalya
2000 Pipol Kanyang sarili Panauhin
Star Drama Presents Carl Mini-serye; Pangunahing pagganap; Detour
2001 StarStudio Richard Pangunahing pagganap; Crossroads
Laki sa Laya Punong abala
2002 Coverstory Kanyang sarili Panauhin
2001 - 2002 Whattamen Richard "Richie" Castro Pangunahing pagganap
Magandang Tanghali Bayan Punong-abala Huling pagpapakita sa telebisyon