Pumunta sa nilalaman

Gimik

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Gimik ay isang palabas sa telebisyon na nakatuon sa mga kabataan na mula sa Pilipinas at umere sa ABS-CBN. Pinangugunahan ito nina Judy Ann Santos, Rico Yan, Diether Ocampo, G. Toengi, Patrick Garcia, Marvin Agustin, Jolina Magdangal, Bojo Molina at Mylene Dizon. Ang palatuntunang ito ay tumagal mula 1996 hanggang 1999. Ito ay napapanood tuwing Sabado ng hapon. Ang mga binabalikang episodyo ay mapapanood na sa Jeepney TV noong 2012.

Kasunod ng matagumpay na pagsasaere ng programa ay nagkaroon ng spin-off na pelikula, ang Gimik the Reunion. Inilabas sa mga sinehan noong 1999 ilang buwan matapos ang pagwawakas ng naturang programa.

Binubuo ang palabas na nakatuon sa mga tinedyer ng mga talento ng Talent Center ng ABS-CBN (tinatawag na Star Magic ngayon). Naging daan ang palabas para mailunsad ang mga karera ng karamihan sa mga kabataang artista noong kalagitnaan ng dekada 1990 kabilang sina Judy Ann Santos, Rico Yan, Jolina Magdangal, Diether Ocampo, Marvin Agustin, Patrick Garcia, Mylene Dizon, Kaye Abad at G Toengi. Orihinal na nilikha ang serye bilang bahagi ng ika-50 anibersaryo ng ABS-CBN Corporation.[1][2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. ""Gimik" (1996)". Internet Movie Database (sa wikang Ingles).
  2. "Which TV BARKADA did u watch: TGIS or GIMIK?! WHY!?". Philippine Entertainment Portal (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-04. Nakuha noong 2020-12-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)