Mara Clara
Mara Clara | |
---|---|
Uri | Family Drama |
Gumawa | Emil Cruz Jr. |
Nagsaayos | ABS-CBN |
Direktor | Emil Cruz, Jr. |
Pinangungunahan ni/nina | Judy Ann Santos Gladys Reyes |
Pambungad na tema | "Mara Clara" na inawit ni Therese Amper |
Pangwakas na tema | "Mara Clara" na inawit ni Therese Amper |
Kompositor | Nonong Buencamino |
Bansang pinagmulan | Philippines |
Wika | Filipino |
Bilang ng kabanata | 1,166 |
Paggawa | |
Ayos ng kamera | multicamera setup |
Oras ng pagpapalabas | 30 minutes |
Pagsasahimpapawid | |
Orihinal na himpilan | ABS-CBN |
Picture format | 480i SDTV |
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 17 Agosto 1992 14 Pebrero 1997 | –
Kronolohiya | |
Kaugnay na palabas | Mara Clara (2010) |
Ang Mara Clara ay isang palabas sa telebisyon sa Pilipinas na pinagbidahan nina Judy Ann Santos bilang Mara at Gladys Reyes bilang Clara. Isa itong teleserye na isinahimpapawid ng ABS-CBN mula 17 Agosto 1992 hanggang 14 Pebrero 1997. Muli itong iniere sa Studio 23 at Kapamilya Channel, na parehong pagmamay-ari ng ABS-CBN. Ito ay halaw sa nobelang isinulat ni Emil Cruz Jr. na may parehong pamagat. Isinapelikula ito ng Star Cinema noong 1996.
Unang iniere ang serye sa oras na 2:30 ng hapon hanggang 1994, at ginawang 2:00 ng hapon mula 1994 hanggang 1996. Noong 1996 hanggang sa katapusan nito noong 1997, ginawang 6:30 pm.
Muling binuhay ang serye ng ABS-CBN noong 2010 na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo bilang bagong Mara at Julia Montes bilang bagong Clara.
Kasalukuyang napapanood nito (1992-1997) sa pamamagitan ng YouTube channel na Jeepney TV tuwing 1:00 pm at 1:30 pm araw-araw.
Buod ng Serye
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nang ipinanganak sina Mara at Clara sa ospital, sila ay ipinagpalit sa narseri, at ang detalye ng mga pangyayaring ito'y itinala ni Karlo (Dan Fernandez), isang manggagawa sa ospital, sa kanyang talaarawan. Namuhay si Mara bilang pobreng anak nina Susan (Susan Africa) at Gary (Eruel Tongco) David, samantalang ang tunay nilang anak na si Clara ay namuhay sa piling ng mayamang sina Amante (Juan Rodrigo) at Alvira (Beverly Vergel) del Valle. Dahil sa kabaitang taglay ng mag-asawang del Valle, nagpasya silang kunin si Mara bilang kanilang kasambahay at sila rin ang sumagot sa pagpapaaral nito, nang hindi nila nalalamang si Mara ang tunay nilang anak. Sinang-ayunan ni Gary, na isang lider ng sindikato, ang pagtira ni Mara sa mga del Valle upang makapanikil ng salapi mula rito. Samantalang pinahirapan naman ni Clara ang buhay ni Mara dahil sa kanyang palagay, kinukuha ni Mara ang atensiyon ng mga del Valle na para lamang kay Clara. Kinalaunan, malalaman din ang katotohanan at magbabayad din ang maysala.
Mga Gumanap
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga Batang Pinagpalit
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Judy Ann Santos bilang Mara Davis/Mara del Valle
- Gladys Reyes bilang Clara Davis/Clara del Valle
Pamilya David
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Susan Africa bilang Susan Davis (tunay na ina ni Clara/kinagisnang ina ni Mara)
- Eruel Tongco† bilang Gary Davis† (tunay na ama ni Clara/kinagisnang ama ni Mara)
- Dan Fernandez bilang Karlo Davis (kapatid ni Gary)
Pamilya del Valle
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Juan Rodrigo bilang Amante del Valle (tunay na ama ni Mara/kinagisnang ama ni Clara)
- Beverly Vergel bilang Alvira del Valle (tunay na ina ni Mara/kinagisnang ina ni Clara)
Ibang mga karakter
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Wowie de Guzman bilang Christian
- Christopher Roxas bilang Erris
- Rico Yan† bilang Derrick
- Paolo Contis bilang Jepoy
- Angelika dela Cruz bilang Joyce
- Leni Santos bilang Lenita
- Minnie Agiular bilang Lagring
- Eagle Riggs bilang CG