Pumunta sa nilalaman

Endodontiks

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Endodontiks (Ingles: Endodontics) (mula sa Griyegong endo "nasa loob"; at odons "ngipin") ay isa sa mga espesyalidad ng dentistriya na kinikilala ng Amerikanong Asosasyong Dental, Royal na Kolehiyo ng mga Dentista ng Canada, at Royal na Australasyanong Kolehiyo ng mga Siruhanong Dental, at nakatuon sa pulpo ng ngipin at ng mga tisyung nakapaligid sa ugat ng isang ngipin. Nagsasagawa ang mga endodontista ng isang kasamu't-sarian ng mga hakbang na kasama ang terapiya na pang-kanal ng ugat, muling pagbibigay-lunas na endodontiko (endodontic retreatment), siruhiya, paggagamot ng may lamat na ngipin (sindroma ng may lamat na ngipin, cracked tooth syndrome), at paggamot ng nagimbal na ngipin (dental trauma). Ang terapiya ng ugat ng ngipin ang isa sa pinaka karaniwang mga gawain. Kung ang pulpo (naglalaman ng mga nerbyos o nerb, arteryol, benyul, tisyung limpatiko, at tisyung pibroso o mahibla) ay nagiging may sakit o napinsala, kailangan ang panggagamot na endodontiko upang masagip ang ngipin.