Pumunta sa nilalaman

Enkidu

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Enkidu (𒂗𒆠𒆕 EN.KI.DU3 "nilalang ni Enki") ang isa sa pangunahing tauhan sa Epiko ni Gilgamesh. Si Enkidu ay nilikha mula sa putik at laway ni Aruru na Diyosa ng Paglikha upang alisin ang kayabangan ni Gilgamesh. Sa epikong ito, si Enkidu ay kasama ng hayop at walang kaalaman sa kabihasnan ng tao. Siya ay sinipingan ni Shamhat at naging tulad ng Diyos at pagkatapos ay tinuruan siyang manamit at kumain ni Shamhat. Si Enkidu ay nakipagbuno kay Gilgamesh na hari ng Uruk at kalaunang naging kaibigan niya at kasama sa mga pakikipagsapalaran ni Gilgamesh. Ang kamatayan ni Enkidu ay nagtulak kay Gilgamesh na sikaping takasan ang kamatayan at hanapin ang walang hanggang buhay ngunit ang walang hanggang buhay ay ninakaw ng isang ahas na malaki.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.