Pumunta sa nilalaman

Enmebaragesi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Enmebaragesi
Ibang pangalanMe-Baragesi, En-Men-Barage-Si, Enmebaragisi
TituloHari ng Kish
SumunodAga ng Kish
AnakAga ng Kish

Si Enmebaragesi (Me-Baragesi, En-Men-Barage-Si, Enmebaragisi, nabuhay noong mga ca. 2500 BCE) ang hari ng Kish ayon sa talaan ng haring Sumeryo. Isinaad ng talaang nito na pinasuko niya ang Elam at namuno ng 900 taon at nabihag ni Dumuzid "ang mangingisda" ng Kuara na naunang namuno kay haring Gilgamesh ng Uruk. Si Enmebaragesi ang pinakamaagang pinuno sa talaan ng haring Sumeryo na ang pangalan ay direktang pinatutunayan ng arkeolohiya. Ang isang alabastrong mga pragmentong base ay sinulatan ng kanyang pangalan na natagpuan sa Nippur na ayon sa Kronikang Tummal na Sumeryo ay pinagtayuan niya ang unang templo.[1]

Siya ay binanggit sa isang seksiyon ng orihinal na bersiyong Sumeryo ng Epiko ni Gilgamesh na Bilgamesh at Aga bilang ama ni Aga ng Kish na kumubkob sa Uruk. Ang talaan ng haring Sumeryo at Kronikang Tummal ay umaayon sa Epiko ni Gilgamesh sa pagsasaad sa kanya bilang ama ni Aga na huling hari ng Unang Dinastiya ng Kish. Ang mga pragmentong nagpapatunay sa pag-iral ni Enmebaragesi ay nagpapatunay na si Gilgamesh ay tunay na umiral rin ayon sa mga skolar.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "The Electronic Text Corpus of Sumerian Literature; ETCSLtranslation : t.2.1.3; The history of the Tummal". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-09-24. Nakuha noong 2008-04-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Sinundan:
Iltasadum
Hari ng Sumer
Lugal ng Kish

ca. 2600 BCE
Susunod:
Aga