Epikureismo
Ang epikureismo (Espanyol: epicureísmo; Ingles: epicureanism) ay isang paniniwalang ibinunsod ni Epikurus na naghahangad ng kalayaan mula sa kirot, sakit, at ligalig ng damdamin. Nagtatakwil ang mga epikuro o epikureano ng paniniwalang may kabilang buhay at nagtatakwil din sila ng pagsaklaw ng mga bathala o mga diyos sa buhay ng mga tao.[1] Sa pagtuturo ni Epikurus, ang kasiyahan ang pinakamataas na mabuti o kabutihan sa buhay.[2] Subalit naging tumutukoy naman din ang salitang epikureano sa pagiging maluho, marangya, o mahilig sa masasarap na alak o pagkain at maalwang pamumuhay, naging katumbas din ng salitang hedonistiko, o angkop sa panlasa ng isang taong epikuro.[1]
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]
- ↑ 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Epicureanism, epucurean - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ American Bible Society (2009). "Epicureans, Word List". The Letters of Saint Paul, Commemorative Edition, Celebrating the Pauline Year 28 June 2008 - 29 June 2009, Good News Translation. American Bible Society, Bagong York., pahina 132.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilosopiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.