Pumunta sa nilalaman

Bathala

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Bathala (nasa ibabaw), isang diwata (nasa ilalim), at isang sarimanok (nasa gitna).

Sa katutubong relihiyon ng mga sinaunang Tagalog, si Bathalà/Maykapál ang kataas-taasang Diyos, ang tagapaglikagapamahala ng sansinukob. Bathala[1] Siya ang pinakamakapangyarihang diyos at kilala rin siya bilang Bathalang Maykapal (maylikha). Pinaniniwalaan ng mga sinaunang Tagalog na siya ang hari ng mga diwata at punong diyos o pinaka-ama ng lahat ng mga mas mababang diyos katulad nina Maria Makiling, Minukawa, Kabunian at iba pang mga anito. Lahat ng mga paniniwalang ito ay naipluensya ng mga Kastila: pinalitan nila ang lumang pananampalataya ng mga lumang tagalog sa Kristiyanismo. Si Bathala ay inuugnay sa Diyos ng rehiliyong Kristiyanismo, at ang ibang diyos-diyosan ay pinalitan ng mga santo. Kaya, sa panahong ngayon, ang salitang "Bathala" ay tinatawag sa Diyos ng Rehiliyong Kristiyanismo ng mga Pilipino ngayon.

Ayon sa mga dalubhasa, nanggaling ang salitang "bathala" sa salitang Sanskrito भट्टार [bhaṭṭāra] na nangunguhulugang "sinasamba."

Pinaniniwalaan ng karamihan sa mga iskolar na ang Bathalà (Chirino 1595–1602), Badhala (Plasencia 1589), Batala (Loarca 1582), o Bachtala (Boxer Codex 1590) ay nagmula sa salitang Sanskrit na bhattara o bhattaraka (marangal na panginoon),[2]na lumitaw bilang pamagat na batara noong ika-16 na siglo sa katimugang Pilipinas at Borneo. Sa wikang Indones, ang batara ay nangangahulugang "diyos," at ang katumbas nitong pambabae ay batari. Sa wikang Malay, ang betara ay nangangahulugang "banal" at ginamit upang ipatungkol sa mga dakilang diyos ng Hinduismo sa Java.[3]

Ayon kay Dr. Pardo de Tavera, isang lingguwista, ang bhattala ay maaaring nagmula sa avatara o avatar—ibig sabihin, ang pagbaba ng isang diyos sa lupa sa isang nakikitang anyo, tulad ng sampung avatar ni Vishnu.[4] Ayon naman kay John Crawfurd, ang salitang Malay na Batara ay hinango mula sa avatara kapwa sa "kahulugan at ortograpiya" at ginagamit bilang panlapi upang ipahiwatig ang anumang diyos[5]

Iba Pang Pangalan, Titulo, at Tawag

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Diwatà (Dioata, Diuata) - Hango sa salitang Sanskrit na deva at devata, na nangangahulugang "diyos".[6] Sa Manobo-English Dictionary ni Richard E. Elkins (1968), ang diwatà ay tumutukoy sa pinakamataas na kataas-taasang nilalang.[7] Sa mitolohiyang Bla’an, ang Diwatà ay isa sa apat na orihinal na nilalang. Ayon sa ilang Bla’an, magkapatid sina Diwatà at Melu (ang Maylalang), at dahil mas matanda si Diwatà kay Melu, ginamit ng mga tagapagsalin ng Bibliyang Kristiyano ang pangalang Diwatà upang tukuyin ang Diyos.[8]

Maykapál (Meicapal, Meycapal) – Nangangahulugang "Nagmamay-ari ng Nilalang". Ang titulo o tawag na Maykapál ay nagmula sa salitang kapal, na nangangahulugang "hubugin ang lupa, putik, o waks sa mga bilog na hugis". Ang katumbas na salitang kipil ay may kaparehong kahulugan ngunit tumutukoy sa pagkain: "gumawa ng mga bilog na kanin at kainin ang mga ito". Kaugnay ito ng isa pang titulo ni Bathala, ang Maylupa, na nangangahulugang "Nagmamay-ari ng Lupa"[9]

Mulayari (Boxer Codex: Mulayri, Molaiari, Molayare) – Sa pagsasalin ng Boxer Codex (1590) nina George Bryan Souza at Jeffrey Scott Turley (2015), ginamit ang salitang May-ari ("Nagmamay-ari" o "Nagmamay-ari ng Ari-arian") sa halip na orihinal na baybay na Mulayri. Ipinaliwanag sa talababa: "Glossed as 'an indirect appellation of God'"[10]

Lumikhâ – Nangangahulugang "Maylalang". Sa lumang Tagalog, ang salitang likhâ ay tumutukoy rin sa mga estatwang anito. Sa modernong Tagalog, ito ay nangangahulugang "paglikha" Sa mitolohiyang Tagalog, sinasabing ang unang lalaki at babae ay nagmula sa kawayan, na siyang pinaka-karaniwang materyal sa pagsusulat ng mga sinaunang Pilipino.[11][12]

Bathala sa Ibang Kulturang Pilipino

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa sinaunang Bikol, si Bathala ay isang diwatang may mababang ranggo, kinakatawan ng isang maliit na imahen, kadalasan ay isang may pakpak na pigura na tinatawag na Tagno o Lambana, na laging dala ng mga Bikolano bilang pampasuwerte. Ayon sa Bicol Grammar ni Mark of Lisbon (1628, pahina 61),[13] [14]"sinasabi nilang ito ay isang anito na nagdadala ng suwerte sa sinumang kasama nito." Kaya, kung ang isang tao ay hindi tinatamaan ng mga bagay na inihahagis sa kanya, siya ay tinatawag na batalaan[15]

Panalangin at mga Dasal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Orihinal na dasal ng mga Bisaya

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Bathala, pinunuan sang mga
una nga mga inanak,
Dito mag estar sa mga layog
Sa anang alima na tagsa
Si amay Maniliw nga tamaw
nga,
Malayog anay sang puno ka
niug,
Mabakod angay sa bantiling,
Kag masupong angay sa
kalayo,
Mabangis labi a madal nga
Bany-aga nga ayam.
Sa amang kilid lumsit.
Si ama Lulid Amo;
Siya ang mag sumunod
Kon tunay sa boot niya,
Nga mag bulit labing
Kagab-ihon mapilong…[16]


Salin sa Tagalog

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Bathalang pinagmulan ng
mga unang nilikha,
Naninirahan sa kalangitan
Sa kamay mo nakalagay
Si Maniliw, na mangkukulam
Matayog kang parang puno
ng niyog;
Matigas na parang bato,
Masiklab na parang apoy,
Mabangis na higit sa
Asong nahihibang.
Sa dibdib mo lumabas
Ang manlilikhang Lulid Amo;
Siya ang nakagagawa
At nagbibigay dilim
Na higit sa gabi…[16]

Salin sa Filipino

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Bathalang pinagmulan ng
 Unang nilikha
Naninirahan sa kalangitan,
Sa Kanyang kamay nakasalalay
Si Ama ang espiritu na makapangyarihan.

Nakatanaw mula sa tuktok ng niyog,
Matatag tulad ng bundok,
At nag-aalab tulad ng apoy,
Mabangis, higit pa sa mabagsik
Na dayuhang asong-gubat.

Sa aming tabi siya'y dumadaloy,
Si Amay panginoon ng mga anito,diwata ng mga diwata;
Siya ang patnubay
 Kung ang kanilang kalooban,
Na maging gabay sa kadiliman
Habang gabi’y bumabalot...
[16]

Salin sa Ingles

[baguhin | baguhin ang wikitext]


"Bathala, source of life,"
"Creator of the first beings,"
"Dwelling in the highest heavens, in divine glory,"
"Upon His palm, the world rests,"
"The Almighty Father, the eternal spirit."

"From the peak of the coconut tree, He watches,"
"Steadfast as an unshakable mountain,"
"Blazing like a fearless fire,"
"Fierce, more ferocious"
"Than the foreign wild wolf."

"He flows within our midst,"
"The Father, Lord of the spirits,"
"Deity of deities, guide of the world;"
"He is the light in the darkest night,"
"The beacon on a grim and perilous path."[16]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. English, Leo James (1977). "Bathala, Diyos". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
  2. Ghose,, R. (1966). Saivism in Indonesia during the Hindu-Javanese Period. The University of Hong Kong Press. pp. pp. 16, 123, . ISBN 494–495, 550–552.. {{cite book}}: |pages= has extra text (tulong); Check |isbn= value: invalid character (tulong)CS1 maint: date and year (link) CS1 maint: extra punctuation (link)
  3. Scott, William Henry (1994). Barangay: sixteenth-century Philippine culture and society. Quezon City, Manila, Philippines: Ateneo de Manila University Press. ISBN 978-971-550-135-4.
  4. Reyes y Florentino, Isabelo de los; Imson, Maria Elinora P. (2011). History of Ilocos. Diliman, Quezon City: University of the Philippines Press. ISBN 978-971-542-729-6.
  5. Crawfurd, John (2013), History of the Indian Archipelago. 2, Cambridge library collection. Perspectives from the Royal Asiatic Society (ika-Reprint (na) edisyon), Cambridge: Cambridge University Press, ISBN 978-1-108-05615-1 {{citation}}: |access-date= requires |url= (tulong)
  6. Potet, Jean-Paul (2017). Ancient beliefs and customs of the Tagalogs. Clichy: Jean-Paul G. Potet. ISBN 978-0-244-34873-1.
  7. McCoy, Alfred W. (1989-09). "The Politics of Counterinsurgency in the Philippines: Military and Political Options. By Gareth Porter. Philippine Studies. Occasional Paper No. 9. University of Hawaii, Center for Philippine Studies, 1987. Pp. 148. Abbreviations, Notes". Journal of Southeast Asian Studies. 20 (2): 358–360. doi:10.1017/s0022463400018439. ISSN 0022-4634. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)
  8. Casino,, Eric S. ((2000)). Mindanao Statecraft and Ecology: Moros, Lumads, and Settlers Across the Lowland-highland Continuum. Notre Dame University,: Notre Dame University,. ISBN ISBN 978-971-555-354-4.. {{cite book}}: Check |isbn= value: invalid character (tulong); Check date values in: |date= (tulong)CS1 maint: date and year (link) CS1 maint: extra punctuation (link)
  9. Potet, Jean-Paul (2017). Ancient beliefs and customs of the Tagalogs. Clichy: Jean-Paul G. Potet. ISBN 978-0-244-34873-1.
  10. Espada, Dennis (2015-11-15). "Para sa Negosyo o Kalayaan? Pagsipat sa Dayuhang Pagmamay-ari at Kalagayan ng Manggagawa sa Media". Bisig. 2 (1): 1–22. doi:10.70922/r7es3511. ISSN 2467-6330. {{cite journal}}: Check |doi= value (tulong)
  11. Bloomfield, Maurice; Monier-Williams, Monier; Leumann, E.; Cappeller, C. (1900). "A Sanskrit-English Dictionary, Etymologically and Philologically Arranged with Special Reference to Cognate Indo-European Languages". The American Journal of Philology. 21 (3): 323. doi:10.2307/287725. ISSN 0002-9475.
  12. Lovejoy, Henry B. (2019-01-31), "Prieto, Juan Nepomuceno", African American Studies Center, Oxford University Press, ISBN 978-0-19-530173-1, nakuha noong 2025-03-13
  13. Scott, William Henry (2004). Barangay: sixteenth century Philippine culture and society (ika-5. pr (na) edisyon). Manila: Ateneo de Manila Univ. Pr. ISBN 978-971-550-135-4.
  14. Elera, Casto de (1895). Catálogo sistemático de toda la fauna de Filipinas conocida hasta el presente. Manila: Imprenta del colegio de Santo Tomás.
  15. Elera, Casto de (1895). Catálogo sistemático de toda la fauna de Filipinas conocida hasta el presente. Manila: Imprenta del colegio de Santo Tomás.
  16. 16.0 16.1 16.2 16.3 Jose Villa Panganiban; Consuelo T. Panganiban; Genovera E. Manalute; Corazon E. Kabigting. Panitikan ng Pilipinas; Binagong Edisyon.
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.


Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.