Pumunta sa nilalaman

Tiyanak

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tiyanak
PamagatTiyanak
PaglalarawanDimonyong bata
KasarianLalaki/babae
RehiyonPilipinas

Ang tiyanak (binabaybay ding tianak o tianac) ay isang nilalang na, sa mitolohiya ng Pilipinas, gumagaya sa anyo ng isang bata. Karaniwang nitong hinuhubog ang sarili bilang isang bagong silang na sanggol at umiiyak katulad nito upang mahikayat ang mga walang kamalay-malay na mga manlalakbay. Kapag dinampot ng isang biktima, nagbabalik ito sa tunay na kaanyuhan at aatakihin ang biktima. Tiyanak, ito yung tiyan na may anak.[1] Bukod sa paglaslas sa mga biktima, natutuwa rin ang tiyanak sa pagliligaw ng landas ng mga naglalakbay,[2] o pagdukot sa mga bata.[3]

  1. Paraiso, Salvador; Jose Juan Paraiso (2003). The Balete Book: A collection of demons, monsters and dwarfs from the Philippine lower mythology. Philippines: Giraffe Books. ISBN 971-8832-79-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Ramos, Maximo D. (1971). Creatures of Philippine Lower Mythology. Philippines: University of the Philippines Press.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Eugenio, Damiana (2002). Philippine Folk Literature: The Legends. Quezon City: University of the Philippines Press. p. 490. ISBN 971-542-357-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)