Pumunta sa nilalaman

Aswang

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Manananggal isang uri ng Aswang

Ang Aswang ay isang pang-mitolohiyang nilalang sa mitolohiyang Pilipino kung saan ito ay pinaniniwalaang kumakain ng tao at ng ibang mga hayop. Ang Aswang ay humahawig sa nilalang na Bampira (Vampire sa Ingles) na nagsimula ang paniniwala sa kanluran ng mundo.

Ang paniniwala ng mga Pilipino sa katotohanan na nabubuhay ang mga nilalang kagaya ng Aswang at iba pang nakatala sa Mitolohiyang Pilipino sa mundo ay napalawig dahil sa impluwensiya ng animismo na nagsimula sa kanunu-nunuan ng mga Pilipino gayundin sa pagdating ng mga dayuhang Espanyol sa Pilipinas.

Bangkilan

Ang mga Bangkilan ay uri ng aswang pinaniniwalaang magagandang dilag mula sa hanay ng Ka-Datuan, sila ay may kakayanang mag anyong aso, baboy, ibon at iba pang nilalang ng dilim, higit silang nakakataas kaysa sa ibang uri ng Aswang, pinaniniwalaang may kakayanan silang gawing aswang ang karaniwang tao sa pag salin ng perlas na itim mula sa kanilang bibig sa taong nais nilang maging aswang. Kayang lumikha Ng Bangkilan Ng karaniwang Aswang o di kaya'y abwak o awok o di kaya ay tiktik sa pamamagitan ng paghalik sa tao, kasabay nito at isasalin niya ang itim na perlas. Ang mga Bangkilan ay pinapanganak na ganap na Bangkilan, Hindi gaya Ng ibang Aswang na kailangan pang pasahan Ng itim na bato o itim na perlas Ng pagka-Aswang

Karaniwang aswang

Uri ng aswang na may anyo at wangis tao, ang kaibahan ay sila ay kumakaen ng laman loob at umiinum ng dugo ng tao, mahina sila kapag umaga, Ngunit pag sumapit ang dilim sila ay nagiging mabalasik. Makikilala lamang sila kapag tinignan sila sa mata at ang repleksyon mo ay baliktad.



Awok

Awok ay uri ng Aswang na may kakayanang maganyong malaking baboy na itim o baboy ramo. Mabangis at mas malakas Ang awok kapag ka gabi, lalong lalo na kapagkabilugan ng Buwan

Amalanhig

Ang amalanhig ay uri ng patay na Aswang. Ito ay dating karaniwang Aswang na namatay bago maisalin Ang itim na perlas sa kaanak. Hayok sa dugo Ang alamanhig. Walang pakiramdam at kabagis.

Asbo

Isang uri ng aswang na may kakayanang mag palit anyo bilang malaking aso, kumamaen ng laman loob.

Tiktik isang uri ng aswang

Ang manananggal ay isang uri ng Aswang na pinaniniwalaang may abilidad na putulin ang kanyang katawan sa dalawa at magkaroon ng pakpak na katulad ng isang paniki sa pagkakataon na bilog ang buwan. Pinaniniwalaan na ang nilalang na ito ay kumakain ng anumang uri ng tao kapag ito ay pumalit ng anyo sa pagka-manananggal.

Ito ay isang nilalang kung saan may kakayahan na pahabain ang dila, ang bahagi ng katawan na pinaniniwalaang ginigamit ng isang "tiktik" para kunin ang sanggol na ipinagbubuntis ng isang nagdadalangtaong babae palayo mula sa sinapupunan.


Wak-wak

Ang wak-wak ay uri ng Aswang na lumilipad may mga katangiang ng ibon. Ang ibang wak-wak ay maykakayanang maging itim na ibon na kumakain ng laman. Ang mga anyong taong wak-wak ay may pakpak Ng itim na ibon o paniki sa likuran at maymahabang kuko na pang wak wak Ng katawang Ng tao. Malabo Ang Mata Ng wak-wak ngunit matalas Ang pandinig. Sinasabing bulag Ang ibang wak-wak kapag umaga at nakakakita lamang sa pagsapit Ng gabi.

Mandurugo

Ang madurugo ay isang uri ng Aswang sila ay magagandang dalaga kapag umaga at kung gabi ay may kakayanang mag bago ng anyo upang maging ibong madaragit na may mukha ng magandang dalaga. Sila ay mga dating Kinnari, pinaniniwalaang ang mga Kinari ay mga kalating diwata kalahating tao o mga nilalang na may dugo ng diwata, magagandang nilalang na may pakpak ng ibon sa likuran, kapag ang kinarri ay umibig sa tao, ito ay magsisilbi at magmamahal ng tapat sa tao, ngunit kapag ang pag ibig ng tao ay hindi dalisay ang kinnari ay magiging aswang na kung tawagin ay mandurugo. 

Ek-Ek

Uri Ng Aswang lumilipad na mukhang uwak o itim na ibon. Nakakagaya Ng boses Ng tao. Mahilig kumakain ng hayop at tao. Ginagaya Ng ek-ek Ang boses Ng tao upang mambiktima.

Ang nilalang na ito ay pinaniniwalaang kadalasang kumakain ng karne ng patay na tao. Ang Balbal ay pinaniniwalaang nagnanakaw ng patay na tao sa isang burol o kaya'y pagkalibing nito. Kung nanakawin ng "Balbal" ang isang patay, pinapalitan niya ito kadalasan ng puno ng saging. Ang puno ng saging ay pinaniniwalaang nagmimistulang tunay na katawan ng patay sa mga mata ng tao ngunit puno ng saging lamang ito.

Ang Balbal ay isang halimaw na nangunguha ng mga bangkay maging mula sa lamay o sa libingan, at kinakain nito. Malakas ang pang-amoy nito sa bangkay na tila pabango para sa kanila. Dahil sa kinakain nito, sadyang mabaho ang kanilang hininga. Sa oras na makakuha ito ng bangkay, mag iiwan ito ng katawan ng puno ng saging. Ang kanilang mahahabang kuko ay ginagamit upang matanggal agad ang mga damit ng bangkay.

Maihahalintulad ang Balbal sa Aswang, Amalanhig, o Busaw, na mga nangangain ng katawan ng laman. Maituturing sila bilang mga pinakanakakatakot na mga halimaw sa bansa. Kaya’t kung akala mo sa kaluluwa ka lang matatakot tuwing may lamay, mas matakot ka sa Balbal.


Abwak

Isang uri ng aswang-lupa ang lalaking kakayanang mag palit anyo bilang bayawak, naghuhukay sa ilalim ng lupa upang mag abang ng mabibiktima. Ang babaeng abwak ay may kakayanang magpalit anyo bilang uwak.


Yawa

Sinaunang uri Ng Aswang sa Kabisayaan (Panay,Antique at Iloilo) Mga Aswang nahihimbing sa kailaliman ng lupa o mundo. Itim ang balat may mahahabang kuko. Mabilis kumilos at nagtatago sa mga anino. Matangkad at Kadalasang nasa itaas Ng puno kapag Sila ay umahon Mula sa lupa

Kubot 

Ang kubot ay isang uri ng aswang na may pakpak ngunit hindi nakakalipad, ang pakpak nito ay kanwang binubuka upang lansihin ang mga kaaway at biktima. Ang babaeng kubot ay gumagamit Ng buhok upang mansilo Ng biktima

Gabunan

Ang Aswang Gabunan ay isang uri ng Aswang na napakabangis at malakas, mabilis kumilos. Anyong malaking maskuladong lalaki. Napakaitim Ng balat at mabalahibo ang matipunong katawang ngunit napaka puti Ng buhok nito. Ayon sa mga kwento kumakain ng laman ng tao maging Ng laman ng kapwa Aswang

Magindara

Ang mga Magindara ay magagandang aswang ng katubigan, ang kanilang mukha at katawan ay gaya sa kaakit-akit na dilag, samantalang ang kanilang katawan sa bewyang pababa ay gaya ng sa buntot ng isda,Nang aakit ng mga lalaki at binata gamit Ang kanilang alindog at magandang tinig. pinaniniwalaang ang mga magindara ay kumakaen lamang ng mga matatanda, sapagkat nalalason sila sa mga dugo ng birhen o ng mga musmos