Anito
Mga maalamat na nilalang |
Mga maalamat na bayani
|
Mga katutubong relihiyon |
Portada ng Pilipinas |
Ang anito o anitu ay tumutukoy sa mga espiritu ng ninuno, espiritu ng kalikasan, at mga diyos sa katutubong pambayang relihiyon ng Pilipinas bago dumating ang mga Kastila hanggang sa kasalukuyan, bagaman, maaring may ibang kahulugan at ugnayan ang katawagan depende sa pangkat-etnikong Pilipino. Maaring tumukoy din ito sa mga inukit na pigurang mala-tao, ang taotao, na gawa sa kahoy, bato, o garing, na kinakatawan ang mga espiritung ito.[1][2] Kilala din minsan ang anito (isang katawagan na malawak na ginagamit sa Luzon) bilang diwata sa ilang mga pangkat-etniko (lalo na sa Kabisayaan).[3]
Tumutukoy ang pag-anito sa pakikipag-usap sa mga espiritu, na kadalasang sinasamahan ng mga ritwal o pagdiriwang, kung saan umaakto ang isang katalonan (Bisaya: babaylan) bilang isang medyum o tagapamagitan upang makipag-usap ng diretso sa mga espiritu. Kapag partikular na kinakasangkutan ang isang espiritu ng kalikasan o diyos, tinatawag na pagdiwata ang ritwal. Tinatawag din minsan bilang "anito" lamang ang akto ng pagsamba o ang isang sakripisyong pangrehilihyon sa isang espiritu.[1][4][5]
Tinutukoy minsan ang paniniwala sa anito bilang anitismo (Kastila: anitismo o aniteria) sa panitikang pang-iskolar.[2]
Paggamit sa ibang pangkat-etniko
[baguhin | baguhin ang wikitext]diwata (hango mula sa Sanskrit na devata देवता; [6] ) Tradisyunal na ginagamit ang katawagan para sa diyos at diyosa sa mga rehiyon ng Kabisayaan, Palawan, at Mindanao, samantalang anito ang ginagamit kapag sinasalarawan ang engkanto sa Luzon. Parehong katawagan ang ginagamit sa Bikol, Marinduque, Romblon, at Mindoro, na pinapahiwatig ang walang pinapanigang lugar para sa dalawang katawagan.
Anito sa Mitolohiyang Pilipino
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Anito sa Mitolohiyang Pilipino ay tumutukoy sa mga Espiritu o kaluluwa Ng mga Ninuno o yumao at ang mga tao-taong kahoy. Ang Anito ay madalas na kinakatawan sa pamamagitan ng mga kahoy na ukit o hulmang tao na nagsisilbing pisikal na representasyon ng mga espiritu.
Diwata sa Mitolohiyang Pilipino
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa mitolohiyang Pilipino, ang isang diwata (hango mula sa Sanskrit na devata देवता; [6] ay isang uri ng espiritu ang iba ay diyos at diyosa. Nagkaroon ng pagbabago sa kahulugan ng "diwata" sa paglipas ng panahon, lalo na nang maisama ito sa mitolohiya ng mga sinaunang Pilipino. Sa mitolohiyang Filipino, ang diwata ay mga makapangyarihang espiritu o diyos na nauugnay sa kalikasan. Sila ay itinuturing na mga tagapangalaga ng likas na yaman tulad ng kagubatan, bundok, ilog, at mga halaman. Kilala sila sa kanilang kagandahan at kabutihan, ngunit maaari rin silang magparusa sa mga taong hindi rumerespeto o naninira sa kalikasan. Madalas silang inilalarawan bilang mga ubod-gandang babae o di kaya ay magandang lalaki na may kakayahang magbigay ng proteksyon at biyaya.
Sa mga kwento at alamat ng rehiyon ng Luzon, kadalasang nauugnay ang diwata sa lambana. Ang pagsasama ng diwata at lambana sa mga kwentong-bayan ng Luzon ay nagmumula sa kanilang mga pinagsasaluhang katangian bilang mga espiritu ng kalikasan, mga adaptasyon sa kultura, mga impluwensya ng kasaysayan ng kolonyalismo, at ang kanilang mga papel sa mga kwentong may aral. Sama-sama, pinayayaman nila ang sining ng mitolohiyang Pilipino at nagsisilbing mahalagang paalala ng malalim na koneksyon sa pagitan ng mga tao at ng kanilang likas na kapaligiran.
Lambana sa Mitolohiyang Pilipino
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa mitolohiyang Pilipino, ang lambana ay isang uri ng espiritu ng kalikasan o munting diwata, madalas inilalarawan bilang maliit na nilalang na may pakpak, katulad ng mga engkanto sa Kanlurang mitolohiya. Karaniwang nauugnay ang mga lambana sa kalikasan at itinuturing na mga tagapangalaga ng mga kagubatan, ilog, halaman, at mga hayop. Pinaniniwalaan din silang nagtataglay ng mahika at kagandahan ng kalikasan at maaaring magbigay ng biyaya o parusa depende sa pagtrato ng mga tao sa kalikasan.
Ang konsepto ng lambana ay may pagkakatulad sa diwata, bagamat ang lambana ay karaniwang itinuturing na mas maliit at mas maselan, habang ang diwata naman ay kadalasang inilalarawan bilang mas makapangyarihang mga nilalang. Pareho silang tagapangalaga ng kalikasan, at ang kanilang mga kwento ay nagpapakita ng pagpapahalaga at respeto ng sinaunang kulturang Pilipino sa kalikasan.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 William Henry Scott (1994). Barangay: Sixteenth Century Philippine Culture and Society (sa wikang Ingles). Quezon City: Ateneo de Manila University Press. ISBN 978-9715501354.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Stephen K. Hislop (1971). "Anitism: a survey of religious beliefs native to the Philippines" (PDF). Asian Studies (sa wikang Ingles). 9 (2): 144–156. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2018-07-07. Nakuha noong 2018-05-10.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Guillermo, Artemio R. (2012). Historical Dictionary of the Philippines (sa wikang Ingles). Scarecrow Press. p. 140. ISBN 9780810872462.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Demetrio, Francisco R.; Cordero-Fernando, Gilda; Nakpil-Zialcita, Roberto B.; Feleo, Fernando (1991). The Soul Book: Introduction to Philippine Pagan Religion (sa wikang Ingles). GCF Books, Quezon City. ASIN B007FR4S8G.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Antonio Sánchez de la Rosa (1895). Diccionario Hispano-Bisaya para las provincias de Samar y Leyte, Volumes 1–2 (sa wikang Ingles). Tipo-Litografia de Chofre y Comp. p. 414.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 https://www.filipiknow.net/the-ancient-visayan-deities-of-philippine-mythology/ (sa Ingles)