Bernardo Carpio
- Ang artikulong ito ay tumutukoy sa maalamat na bayaning Pilipino na si Bernardo Carpio. Para sa alamat mula sa Europa na pinagmulan ng kaniyang pangalan, tingnan ang Bernardo del Carpio.
Bernardo Carpio | |
---|---|
Pamagat | Bernardo Carpio |
Paglalarawan | Bayani sa kuwentong-bayan ng Pilipinas |
Kasarian | Lalaki |
Rehiyon | Pilipinas |
Katumbas | Bernardo del Carpio |
Si Bernardo Carpio ay isang maalamat na tauhan sa mitolohiyang Pilipino na sinasabing sanhi ng mga lindol. Maraming mga bersiyon ng kuwento hinggil sa kaniya. Ang ilang mga bersiyon ay naglalahad na si Bernardo Carpio ay isang higante, na sinusuportahan ng malalaking mga bakas ng paa na ipinapalagay na naiwan niya sa bulubundukin ng Montalban, Pilipinas. Ang ibang mga bersiyon ay nagsasalaysay na kasukat siya ng isang karaniwang tao. Subalit, ang lahat ng mga bersiyon ng kuwento ay sumasang-ayon na mayroon siyang lakas na kahalintulad ng sa kay Herkules.
Payak na anyo ng alamat
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang saligang anyo ng alamat ay ang nagsasabi na si Bernardo Carpio ay mayroong pambihirang lakas at hindi makawala mula sa pagitan ng dalawang malalaking mga bato ng mga bundok ng Montalban. Sa ilang mga bersiyon, sinasabing pinipigilan niya na magkaumpugan ang mga bundok (katulad ni Atlas, na isang Titanong Griyego, na nagpapanatili sa pagiging nakaangat ng kalangitan). Ang ibang mga bersiyon naman ay nagsasabi na siya ay hindi makawala at nagtatangkang kumawala. Kapag nagkikibit ng balikat si Bernardo Carpio, nagsasanhi ito ng lindol.
Bilang manghihimagsik laban sa mga Kastila
[baguhin | baguhin ang wikitext]Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang ilan sa mga bersiyon ng kuwento hinggil kay Bernardo Carpio ay nagpapakita na siya ay mayroong pambihirang lakas, kahit na noong bata pa. Bilang resulta, ang pari ng parokya na nagbinyag sa kaniya ay nagmungkahi sa kaniyang mga magulang na pangalanan siya mula sa maalamat na bayani ng Espanya na si Bernardo del Carpio. Ito ang nagsilbi bilang isang babala hinggil sa mangyayari sa buhay ni Bernardo Carpio ng mitolohiya ng Pilipinas.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.