Pumunta sa nilalaman

Sarimanok

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sarimanok
Ang isang modelo ng Sarimanok sa Museo ng Lahing Pilipino, Liwasang Rizal, Maynila
PamagatSarimanok
PaglalarawanAng alamat na ibon ng mga Maranao
KasarianLalaki/babae
RehiyonMindanao

Ang sarimanok /sá·ri·ma·nók/ (sa Maranao "artipisyal na ibon") ay isang maalamat na ibon ng mga Maranao ng katimugang Pilipinas. Ito rin ay isang makulay na kulay na karaniwan ay gawa sa tanso, sa anyo ng isang nakatayong ibon, na malamang ay isang susulbot[1] na may nakasabit na isda sa tuka nito. Kinakatawan din ng sarimanok ang mayamang sining ng mga Maranao at ito'y sumisimbolo rin ng kasaganahan.[2]

Walang makapagbigay katiyakan ng pinagmulan ng sarimanok. May kuro-kurong ito ay isang totem na ibon ng mga Maranao, na kung tawagin ay itotoro, na siyang nagsisilbing tulay nila sa mundo ng mga espiritu sa pamamagitan ng di-nakikita nitong kakambal na ibong kung tawagin ay inikadowa. Ayon kay Akram Latip, isang iskolar na Maranao, "Halos lahat ng mga Sarimanok ay nililikha ng mga taga-Tugaya,"[3] kung saan karamihan sa mga taga-rito ay manlililok.[4]

  1. Kintanar, Thelma B. Cultural Dictionary for Filipinos. Second ed. Quezon City: UP, Kalayaan College and Anvil, 2009. (sa Ingles)
  2. Guinto, Amado C. "Distillation of Bantugan: A Maranao Epic." Naka-arkibo 2012-10-18 sa Wayback Machine. Hinango Enero 16, 2012. (sa Ingles)
  3. "Flags and Symbols of the Royal Sultanate of Ranao Area." Naka-arkibo 2012-01-06 sa Wayback Machine. Royal Panji. Hinango Enero 15, 2012. (sa Ingles)
  4. "The Maranao Settlement of Tugaya." UNESCO World Heritage Centre. Hinango Enero 15, 2012. (sa Ingles)


Sining Ang lathalaing ito na tungkol sa Sining ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.