Pumunta sa nilalaman

Maria Makiling

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Maria Makiling
KasarianBabae
RehiyonPilipinas

Sa alamat[1] ng Pilipinas, si Maria Makiling ay isang diwata na nagbabantay ng Bundok Makiling, isang bundok na matatagpuan sa Los Baños, Laguna.Siya ang pinakatanyag na diwata o lambana sa mitolohiya ng Pilipinas[2] Nilalarawan siya bilang isang magandang dalaga na may mahabang buhok. Si Maria Makiling ay isang magandang diwata na nagbabantay sa bundok. Kilala siya sa kanyang kagandahan at madalas inilalarawan na may mga abay at kasama ang maliliit na pakpakang mga diwata na tinatawag na lambana. Pinoprotektahan niya ang bundok at tumutulong sa mga taong umaasa rito para sa pagkain at kabuhayan. Ayon sa ilang kwento, bahagi rin ng kanyang pangangalaga ang kalapit na lawa, ang Laguna de Bay, at ang mga isdang nahuhuli rito. Sinasabi sa alamat na ipinadala siya ni Bathalà, ang makapangyarihang diyos, upang tulungan ang mga tao sa kanilang araw-araw na buhay. [3][4] [5][6] [7]


Maraming kuwento ang nagsasaad ng kanyang kabutihan at maging ng kanyang kalupitan. Siya ay matulungin sa mga tao, at nagbibiyaya ng masaganang ani at huli ng isda. Subalit ang mga tao ay nagmamalabis at nagiging pabaya sa kanyang mga ibinibigay kaya siya ay nagpapataw ng parusa. Ilan sa kuwento tungkol sa kanya ay ang mga sumusunod:

  • Luya na nagiging ginto
  • Tatlong manliligaw[8].Si Kapitan Lara, isang Kastilang kawal, si Joselito, isang Kastilang mestizo at si Juan, isang magsasaka.
  • Alamat ng Lansones
  • Alamat ni Maria Makiling[9]

Mga Sabi-sabi

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May mga nagsasabing nililigaw ni Maria Makiling ang mga taong nagkakalat sa kanyang bundok. Makikita lamang nila ang tamang daan kung nilinis nila ang kanilang kalat.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ang Alamat
  2. Eugenio, Damiana ((2002)). Philippine Folk Literature: The Legends. Quezon City: University of the Philippines Press. pp. p. 490. ISBN ISBN 971-542-357-4. {{cite book}}: |pages= has extra text (tulong); Check |isbn= value: invalid character (tulong); Check date values in: |date= (tulong)CS1 maint: date and year (link)
  3. Perdon, Renato (2012). Pocket Tagalog Dictionary: Tagalog-English English-Tagalog. Tuttle Publishing, 2012. ISBN 978-1-4629-0983-4
  4. Lanuza, Michelle, The Legend of Maria Makiling, archived from the original on 2007-10-02, retrieved September 30, 2007
  5. Grinnell, George Bird (April 1893). "Pawnee Mythology". The Journal of American Folklore. 6 (21): 113. doi:10.2307/533298. ISSN 0021-8715.
  6. "The Legend of Maria Makiling retold by Gat Jose Rizal". Nakuha noong April 3, 2010.
  7. PinoyMountaineer: Mount Makiling, September 1, 2007, nakuha noong October 26, 2007
  8. "Lanuza, Michelle". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-02. Nakuha noong 2012-09-21.
  9. Alamat ni Maria Makiling
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]