Pumunta sa nilalaman

Epiro

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Epiro

Griyego: Ήπειρος
Albanes: Epiri
Mapa ng sinaunang Epiro ni Heinrich Kiepert, 1902
Mapa ng sinaunang Epiro ni Heinrich Kiepert, 1902
Kasalukuyang katayuanHati sa pagitan ng Gresya at Albanya
DemonymEpirote
Mga sona ng orasCentral European Time
Eastern European Time

Ang Epiro o Epirus ( /ˈprəs/) ay isang heograpikal at makasaysayang rehiyon sa dakong timog-silangan Europa, ngayon ay nakabahagi sa pagitan ng Gresya at Albanya. Matatagpuan ito sa pagitan ng Kabundukang Pindo at ng Dagat Jonico, mula sa Look ng Vlorë at Kabundukang Acroceraunia sa hilaga hanggang sa Golpo ng Ambracia at ng guhong Romanong lungsod ng Nicopolis sa timog.[1][2] Kasalukuyan itong nahahati sa pagitan ng rehiyon ng Epirus sa hilagang-kanlurang Gresya at ang mga lalawigan ng Gjirokastër, Vlorë, at Berat sa katimugang Albanya. Ang pinakamalaking lungsod sa Epirus ay ang Ioannina, luklukan ng rehiyon ng Epirus, at ang Gjirokastër ay ang pinakamalaking lungsod sa Albanes na bahagi ng Epiro.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Epirus". Encyclopædia Britannica. Encyclopædia Britannica, Inc. Nakuha noong 16 Nobyembre 2013.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Hornblower, Spawforth & Eidinow 2012.
  3. "Epirus". Encyclopædia Britannica. Encyclopædia Britannica, Inc. Nakuha noong 16 Nobyembre 2013.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)