Sulat ni Barnabas
Itsura
(Idinirekta mula sa Epistle of Barnabas)
Ang Sulat ni Barnabas o Epistle of Barnabas (Griyego: Επιστολή Βαρνάβα, Hebreo: איגרת בארנבס) isang sulat na Griyego na naglalaman ng 21 kabanata at nakapaloob at naingatan ng buo sa ika-4 siglo CE na manuskritong Griyego na Codex Sinaiticus kung saan ito makikita sa huli ng Bagong Tipan. Ito ay tradisyonal na itinuturo kay Barnabas na binanggit sa Mga Gawa ng mga Apostol bagaman ang ilan ay itinuturo ito sa isa pang apostolikong ama na si "Barnabas of Alexandria" o sa isang hindi kilalang sinunang gurong Kristiyano. Ang isang anyo ng sulat na ito na may 850 mga linya ay binanggit sa talaang Latin ng mga akdang kanonikal na ika-6 siglong Codex Claromontanus. Ito ay iba sa Ebanghelyo ni Barnabas.