Pumunta sa nilalaman

Kabayo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Equidae)

Kabayo
Katayuan ng pagpapanatili
Domesticated
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
E. caballus
Pangalang binomial
Equus caballus
Linnaeus, 1758
Isang kabayo na may kalesa, ginagamit bilang dating pamamaraan sa transportasyon.

Ang kabayo (Ingles: Horse ; Equus caballus, kung minsan ay kinikilalang subspecies ng mailap na kabayong Equus ferus caballus) ay isang malaking ungguladong may di-karaniwang daliri sa paa]] na mamalya, isa sa sampung mga makabagong species ng genus na Equus. Isa sa mga pinakamahalagang hayop sa larangan ng kabuhayan ang mga kabayo; kahit na ang kanilang kahalagahan ay bumaba dahil sa mekanisasyon, nakikita pa rin sila sa buong mundo, na nakatutulong sa buhay ng tao sa ilang mga paraan. Prominente ang kabayo sa relihiyon, mitolohiya at sining; gumanap ito ng mahalagang papel sa transportasyon, agrikultura, at digmaan; pinagkukunan rin ito ng pagkain, gatong at damit.

Halos lahat ng lahi ng kabayo, ayon sa isang teorya, ay nagsasakay ng mga tao sa kanilang likod at ginagamit sa pagtutulak ng mga bagay tulad ng mga kariton at paragos. Ngunit, sinasanay ang ilang mga lahi ng kabayo upang gumanap sa isang gawain, magaang mga kabayo para sa karera o pagsasakay, mabigat na kabayo para sa pag-aararo at ibang mga gawaing nangangailangan ng paghihila. Sa ilang lipunan, pinagkukunan ng pagkain ang mga kabayo, parehong karne at gatas; sa ilan ito ay masangsang na pagkain. Sa ilang mga mauunlad na bansa, inaalagaan ang mga kabayo para sa pagpapahinga at pampalakasan, bagaman ginagamit pa rin sila sa pagtatrabaho sa maraming bahagi sa mundo.

Ang mga kabayo ay nag-ebolb sa loob ng 45 hanggang 55 milyong taon ang nakakalipas mula sa maraming daliring Eohippus tungo sa isang daliring hayop ngayon. Ito ay dinomestika ng mga tao noong 4000 BCE at naging laganap noong 3000 BCE.

Sa Tanakh at Bibliya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Unang nabanggit ang mga hayop na ito Bibliya sa Aklat ng Henesis 24 na isang anakronismo dahil ang mga kabayo ay lumitaw lamang mga 1000 taon pagkatapos ng sinasabing panahon ni Abraham[1]

Mga ugnayang panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Wiktionary
Wiktionary
Tingnan ang Kabayo sa
Wiktionary, ang malayang talahulugan.
  • "Horse breeds database". Pamantasan ng Estado ng Oklahoma. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-03-27. Nakuha noong 2006-09-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)