Pumunta sa nilalaman

Erick Slumbook

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang akalt na Erick Slumbook: Paglalakbay Kasama Ang Anak Kong Autistic na isinulat ni Fanny A. Garcia ay isang malikhaing di-katha o creative non- fiction at isang uri rin ng post-modern novel. Nagkamit kamit ang aklat na ito ng National Book Award, Biography / Autobiography Category, mula sa Manila Critics Circle.

Makapagbibigay ang aklat na ito ng mga ideya at patnubay para sa mga magulang na may anak na autistic kung paano nila alagaan o i-handle ang kanilang anak. Kaya mula mismo sa karanasan ng isang mapag-arugang ina malalaman ng mga magulang na may anak na autistic at mga mambabasa kung gaano kahirap at kung gaano kalaki ang ang sakripisyo sa pagpapalaki ng isang autistic.

Para sa lahat ang aklat na ito sapagkat layunin ng aklat na ito na ipatanggap sa henerasyong ito lalo na sa mas batang henerasyon na ang mga special child ay bahagi rin ng lipunan at mundo.


Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.