Pumunta sa nilalaman

Erma Bombeck

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Erma Bombeck
Kapanganakan21 Pebrero 1927
    • Bellbrook
  • (Greene County, Ohio, Estados Unidos ng Amerika)
Kamatayan22 Abril 1996
  • (San Francisco County, California, Pacific States Region)
LibinganWoodland Cemetery and Arboretum
MamamayanEstados Unidos ng Amerika
Trabahomanunulat, mamamahayag, kolumnista

Si Erma Louise Bombeck (Pebrero 21 1927 – 22 Abril 1996), ipinanganak bilang Erma Fiste, ay isang Amerikanang kolumnista at humoristang nakatanggap ng kabantugan dahil sa kanyang kolumna sa pahayagang naglalarawan sa sub-urbanong pamumuhay sa tahanan, sa anyong komedya o katatawanan, magmula kalagitnaan ng mga 1960 magpahanggang huli ng mga 1990. Naglathala rin si Bombeck ng 15 mga aklat, karamihan ang naging pinakamabili.

Mula 1965 hanggang 1996, nagsulat si Erma Bombeck[1] ng mahigit sa 4,000 mga kolumna nagtatala ng karaniwan o ordinaryong pamumuhay ng isang babaeng maybahay sa gitnang kanluraning sub-urbanong bahagi ng Estados Unidos, na may malawak at minsang elokuwenteng pagkanakakatawa. Sa pagsapit ng mga 1970, nababasa ng mga mambabasa ang kanyang mga kolumna dalawang beses sa loob ng isang linggo. Umabot ang kanyang mga masusugid na tagasuunod sa 30 milyong tagabasa ng 900 mga pahayagan sa Estados Unidos at maging sa Canada.

Sumakabilangbuhay si Bombeck noong 1996 dahil sa kumplikasyon mula sa polisistikong karamdaman sa bato (kilala sa Ingles bilang polycystic kidney disease o PKD).[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 The Christophers (2004). "Erma Bombeck, Let's Find a Cure". Three Minutes a Day, Tomo 39. The Christophers, Lungsod ng Bagong York, ISBN 0939055384.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina para sa Setyembre 16.


TalambuhayEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.