Pumunta sa nilalaman

Erotikong sayaw

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Josephine Baker habang nagsasagawa ng isang tanyag na rutina ng sayaw.

Ang Erotikong sayaw o sayaw na nakapagpapalibog ay isang pangunahing kategorya o klasipikasyon ng mga porma o estilo ng mga sayaw, kung saan ang layunin ay pag-estimula ng seksuwal na pagpukaw ng erotiko o nakapagpapalibog na mga kaisipan o gawain.

Maipagkakaiba ito sa iba pang pangunahing mga kategorya ng sayaw batay sa layunin, katulad ng sayaw na seremonyal, kompetitibong sayaw, sayaw na may partisipasyon, sayaw ng pangpagtatanghal, at sayaw na pangsosyalan

Kadalasang kakaunti ang suot na damit ng erotikong mananayaw, at maaaring dahan-dahang nababawasan o inaalisan ng lubusan. Sa ilang mga pook ng Estados Unidos, ilegal para sa babaeng mananayaw na ipakita ng kanyang ari o henitalya. Kadalasang nagsusuot ang mga mananayaw na ito ng mga bahag. Gayun pa man, ang kahubaran o pagiging hubo't hubad ay hindi kinakailangan sa isang sayaw na erotiko. Ang kultura at ang kakanyahan (abilidad) ng katawan ng tao ay isang mahalagang estetikong komponente ng maraming mga estilo ng sayaw.

Kasama sa mga erotikong sayaw ang sumusunod na mga porma o estilo ng sayaw:

Ang mga sayaw na erotiko ay paminsan-minsang napagkakamalan bilang (o nagagamit na eupemismo) bilang mga eksotikong sayaw. Habang may pagpapatung-patong, hindi sila magkahalintulad. Hindi lahat ng mga eksotikong sayaw ay erotiko, at gayundin ang kabaligtaran.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • McMahon, Tiberius. Uniting Exotic And Erotic Dancers Worldwide