Espasyong Hilbert
Itsura
Ang matematikal na konsepto ng Espasyong Hilber(Hilbert space) na ipinangalan sa matematikong si David Hilbert ay lumalahat sa nosyon ng espasyong Euclidean. Ito ay nagpapalawig ng mga paraan ng alhebrang bektor at kalkulo mula sa dalawang dimensiyonal na planong Euclidean at tatlong dimensiyonal na espasyo sa mga espasyo na may hangganan o walang hangganang bilang ng mga dimensiyon. Ang espasyong Hilbert ay isang abstraktong espasyong bektor na mayroong istraktura ng produktong panloob na pumapayag sa haba at anggulo na masukat. Ang mga espasyong Hilbert ay kinakailangang kumpleto na isang katangian nagaatas ng eksistensiya ng sapat na mga hangganan sa espasyo upang payagan na ang mga paraan ng kalkulo ay magamit.